Chapter 26

102 3 0
                                    

Chapter 26

Krishia's POV

Months na din yung lumipas since nung magising ako at makarecover sa nangyari. Kinausap ako ng kompanya na pinagtatrabahuhan ko at mas pinili ko muna na mag leave ng ilan pang weeks para makapag pahinga. Gusto ko din kasing alagaan si baby Calix, yung 5 months old na baby ni Ate Janet. Ang cute cute kasi nung bata na yun baby boy version ni Ayesha. At kami naman ni Ranz, para kaming bumalik sa dati even though never na talagang napag usapan yung break up namin last year. 

Ang hirap padin isipin na isang taon akong comatose at lahat ng natatandaan ko ay last year pa nangyari. Ang sakit lang isipin na sa nakalipas na 1 year ang dami na ding nangyari na hindi ko alam. Gaya ng lumalala pa ang sakit ni daddy at si mommy naman tumaas ang high blood pressure; sila Kuya Nathan at Ate Janet okay na after nung nangyaring problema; may Calix na pala, na baby si Ate Janet; si Kuya Roco umalis na ulit at pumuntang abroad; nalaman ko din na buhay si Joshua at hindi talaga sya namatay kaya sobrang saya ng bestfriend ko; si Faith at Dani na din pala; at pag katapos ng lahat si Xyra at Steve hindi ko alam kung anong situation nila meron kasing Kian si Xyra e. Kaya sa lahat ng nangyari hindi ko alam na tulog lang ako at sila iba-iba na yung naramdaman.

"Halika na Krish." Sabi ni Ranz at hinawakan nya yung kamay ko. Sabay kaming lumabas ng 7/11, at bumalik na sa hospital. Wala pa kasi si Ate Janet kaya kami muna ang mag babantay kay Ayesha.

At speaking of kuya Nathan, pag pasok ko ng kwarto ni Ayesha nakita ko syang nakahiga sa tabi ni Ayesha at yakap-yakap ito. Malungkot yung muka ni Kuya Nathan at halatang hanggang ngayon sarili nya padin ang sinisisi nya sa mga nangyari.

"Kuya Nate." Tawag ko sa kanya at napatingin naman sya sakin. Tumayo sya mula sa pag kakahiga nya sa tabi ni Ayesha.

"Oh hi Krish, sorry pala. Namiss ko lang kasi si Ayesha." Sabi nya at nginitian ko sya.

"Okay lang kuya. Nga po pala si Ate Janet di pa po ba tapos yung klase nya?" Tanong ko dahil ang alam ko kasi sabay ang tapos ng klase nila.

"Mauna na daw kasi akong pumunta dito, susunduin nya pa kasi si baby Calix bago pumunta dito." paliwanag ni Kuya Nathan at bago pa man ako makasagot at pumasok naman na yung doctor na mag checheck kay Ayesha.

Sandali nya itong chineck up, tinignan yung mga kung ano-ano. Tapos humarap sya samin, sa muka nya ang hirap hulaan kung ano ba yung sasabihin nya samin. Ganun ba talagaang mga doctor?! Ang hirap hulaan ng kanilang emosyon dahil sanay na sanay na sila humarap sa mga ganito..

"Mrs. and Mr. Villanueva tatapatin ko na po kayo everyday, weeks, months, lalo lang pong nahihirapan ang kundisyon ni Ayesha. Baka po sa mga susunod na months ay bumigay na ang katawan nya. Hindi na po kasi nagiging maayos ang kundisyon ng bata at mas nagiging worse pa po ito." Hindi na dagdagan pa yung sinasabi nung doctor dahil sa agad ng nag salita si Ate Janet.

"So anong gusto mong iparating na mercy killing for my child?!" Mataas na boses na tanong ni Ate Janet habang hawak-hawak ni mommy naman si baby Calix.

"Ma'am, hindi na po kasi nagiging maganda ang situition ni Ayesha. Lalo lang pong bibigay ang katawan ni Ayesha at baka sa susunod na mga buwan ay tuluyan ng huminto ang puso ng bata, hindi na din nag fufunction ang utak nya. And maybe the best option you can do is to plug-off the machine."Halos mag wala si Ate Janet dahil sa sinabi ng doctor, at ang tangging nagawa nalang namin ay ang pigilan si Ate Janet at pakalmahin sya.

Janet's POV

Halos magalit na ako sa doctor na kausap ko. Wala ba silang mga anak?! Wala ba silang konsensya para gawin at sabihin yon?! Anong klase silang doctor para sabihin yon samin?! Anong gusto nila mercy killing for Ayesha?! No way! I won't do that! I will never to that to my child. 

Ayesha will be back! I believe in that! My baby will be back!

Pinaalis na nila Krish ang doctor habang ako patuloy akong humahagulgol ng iyak sa tabi ng anak ko.  Once they plug-off the machine tuluyan ng mawawala si Ayesha sakin.

"Nate please sabihin mo sa kanila na babalik pa satin si Ayesha. Babalik pa sya satin."

Halos pag protesta na ako para lang hindi gawin ang mercy killing sa anak ko. Hindi na nag salita sila Krish at umupo na lamang sila sa isang couch at napa yakap nalang si Krish kay mommy.

I always pray for Ayesha! Sya yung answered prayer sa lahat ng prayers ko. Sya yung binigay sakin ni Lord para mas lumakas ako. Pero ayoko na maging dahilan yung pagkawala nya kaya ako manghihina ngayon.

"Ayokong patayin yung anak ko. Wag please. Hindi ko kaya." Sabi ko at napayakap nalang ako kay Nate.

Wala na akong pwedeng hingang ng tulong ngayon kundi si God. Sya nalang yung meron ako. Sya nalang yung nag bibigay ng lakas para sakin. Sya nalang yung may tangging may kakayahan na ibalik si Ayesha sakin.

"I want to see her grow up--kasama si Calix."

"Hon maybe our angel need to rest now. Mas magiging masaya sya kapag nakasama na nya si Lord. Hindi na sya mag hihirap pa." sagot ni Nate pero umiling ako. Dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala si Ayesha sakin.

"Hindi ko kaya. Please wag.. Please.. Wag nyo naman akong pag tulungan, hindi madali para sakin na mawala si Ayesha dahil hindi ko kaya! She'll be back. May tiwala naman kayo kay Ayesha please.. Lumalaban pa sya! Wag naman tayong sumuko."

Napayuko nalang ako sa tabi ni Ayesha at humagulgol sa iyak. Dahil hindi! Hindi ko kayang mawala si Ayesha! Marami pa syang hindi nagagawa kasama kaming buong pamilya nya. Hindi nya pa nakikita si Calix, matagal na nyang gustong mag karon ng little brother. Pero bakit ganito?! Bakit mukang lahat sila suko na?! Bakit sila bumibitaw na kay Ayesha?! Lumalaban pa naman yung anak ko. Hindi pa sya patay. Lumalaban pa sya! Tumitibok pa yung puso nya.

"M-mommy... W-why are you all crying?! I told you I don't want to see you crying." Sabi nya.

Napatingin naman ako kay Ayesha. And yes she's alive! My baby is back! Gising na ang baby ko.

"Mommy I need water." Nanghihinang sabi ni Ayesha at namumulat-mulat pa. Agad ko naman syang binigyan ng tubig at dahan-dahan itong pinainom.

After non niyakap ko sya, at halos umiyak na ako sa kanya. Ganun na din sila Nathan.

Dear Lord, thank you so much. Salamat at binigay mo sakin ang princess ko. I was too restless and hopeless pero kumakapit padin ako sayo. And thank you kasi ikaw yung dahilan ng lahat, at ikaw yung dahilan kung bakit gising na ulit si Ayesha.

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon