Chapter 7
Janzen's POV
"Wag kana malungkot ah?! I'll be back.. Saglit lang ako promise! I love you hon. Mag ingat ka ah." - Joshua <3
Nagising nalang ako na wala na si Joshua sa tabi ko, naka alis na siguro sya.
Two days lang naman sya don. And di ba sabi naman nya babalik din sya?! At pag balik nya ikakasal na kami. Gusto nya kasi talagang mag honeymoon kami sa Japan, para makita ko din daw ang cherryblossom.
Kaya wala naman akong dapat ipag-alala.Bumangon na ko at nag ayos, may pasok pa kasi ako ngayon. Kailangan kong mag trabaho para sa future namin ng napapangasawa ko..
Hindi naman ako ganun ka excited, gusto ko ng mag karon ng baby e. Pero syempre dapat after wedding yon!
Janet's POV
Part na naman ng mag asawa, ang pag aaway di ba?! Pero kasi hindi talaga ako sanay na nag aaway kami ni Nathan.
"Mommy, nag aaway po ba kayo ni daddy?!" Tanong ni Ayesha. At mukang affected talaga sya, dahil mukang alam naman nya talaga yung nangyayari samin ni Nate ngayon.
Umupo si Nate sa harapan ni Ayesha, "baby no, nag uusap lang kami ng mommy mo. Pumunta kana sa room mo, you need to rest na. May school kapa bukas di ba?!" Sabi ni Nate kay Aysh at pumasok na rin naman to sa room nya.
"Nate naman kasi! Tignan mo narinig pa tayo ni Ayesha!" Irita kong sabi sa kanya.
"Janet naman kasi, tinanggap ko lang naman yon kasi kailangan mag leave ni Ms.Clare..." Actually di naman talaga ako galit, sadyang naiinis lang ako na pumayag sya na sya nalang yung mag subtitute sa subject ni Ms.Clare for whole quarter.
Out na kasi sya that time, actually kami. At time na namin yon para kay Ayesha. So kung 2PM ang uwian namin magiging 5PM na ang uwi nya. Kaya pag dating nya sa bahay for sure pagod na pagod na sya. At naawa lang naman ako kay Nate.
"Nate alam mo ayoko ng pag talunan natin to! Matutulog na ko, may pasok pa tayo bukas." Sabi ko at humiga nalang sa kama. Pagod na din kasi ako para makipag talo pa kay Nathan.
Krishia's POV
"I'll pick you up at 8PM." Text ni Ranz, kaya nag pasya muna akong mag stay sa office.
Hindi ko din naman dala yung kotse ko, dahil hinatid ako ni daddy kanina. 7PM palang naman kaya dito nalang din ako mag hihintay sa office.
"Oh Krish, tara dinner tayo!" Yaya sakin ng mga kasamahan ko.
"Sige busog pa ko e.." Sagot ko, dahil for sure mamaya pag kain na naman ang unang ihaharap sakin ni Ranz.
Kaya hinintay ko nalang sya, at yumuko muna ako saglit sa table ko. Iidlip nalang muna ako saglit, 15minutes lang akong ganito tapos babangon na ko!
~||
"Krishia di ka pa ba uuwi?! Kanina pang 7:15 yung out mo di ba?!" Tanong ni Geza, kaya nagising naman na ako at napatingin sa cellphone ko.
Hindi ko din kasi namalayan ang oras, kaya nakatulog na ako.
Tumingin ko sa phone ko 9:30 na pala... Pero still wala paring text si Ranz kung asan na ba sya.
"Krisha ano, sabay na tayo?" Tanong ulit ni Geza.
"Ahh sige sabay na ko sayo palabas." Sabi ko at kinuha ko na yung bag ko.
"Kala ko di ka mag o-o.t ngayon?"
"Ahh ang tagal kasi dumating nung boyfriend ko kaya nag o.t na din ako." Paliwanag ko kay Geza, intindi na naman nya ako. Dahil isa lang naman sya sa pinaka kaclose ko sa office.
"Oh e asan na sya ngayon?!"
"Ewan, wala pa ding text until now. Siguro busy sa work, kaya mauuna nalang din siguro ako." Sabi ko at lumabas na kami ng office. Mag cocompute nalang muna ako, tutal mukang hindi naman ako masusundo ngayon ni Ranz.
Hayss hindi ko alam kung maiinis ba ako or ano e... Hayss... Sabi ko pa naman kila mommy maaga akong makakauwi ngayon, pero nag text naman si Ranz kaya sinabi ko na baka medyo malate ng konti kasi kasabay ko si Ranz. Tapos hindi naman pala sya dadating...
Tulog na for sure sila mommy pag uwi ko, sayang hindi ko mabibigay yung pasalubong ko para kay mommy at daddy ngayon. Baka bukas nalang siguro. :/
~||
Payapa akong nakasakay sa jeep at nakikinig ng music gamit ang earphones ko ng bigla namang tumawag si Ranz sa phone ko. Kaya ayun na beastmode na naman ako!
Ang ganda na din kasi nung music yung tipong chorus na, tapos biglang singit si Ranz! Hayssss Ranz! Bwisit na ko sayo kanina pa!
Kaya pinatay ko nalang yung tawag ni Ranz at ini-airplane mode nalang bago pinlay ko na ulit yung music. Ayoko na kasi makipag away ngayon kay Ranz, lalo na pagod na pagod na din ako. Tama na muna, pahinga-pahinga din pag may time di ba?! Bukas naman for sure tatambad agad sakin yung muka ni Ranz...
||
Pag baba ko ng jeep, sumakay naman ako sa tricycle para makarating na sa bahay. At pag kababa ko naman ng tricycle saktong bumungad sakin yung muka ni kuya Nathan na nakatayo sa harap ng bahay at obviously beastmode.Nag bayad na ako sa tricyle bago bago lumapit na sa kanya, "oh angyare?!" Tanong ko kay kuya Nathan, na halos hindi na maipinta yung muka.
"Si Janet kasi..." The word! Hahahaha... Pangalawang beses ko nang naranig sa kanya yan ngayong taon! Hahahhaa.. Sorry naman. Di lang kasi talaga ako sanay na nag aaway tong dalawang to! Kaya hindi ko maiwasang mapangiti pag nakikita kong nag kakaganyan sila, ang sweet lang! Hahahaha... Nawala naman tuloy yung pagod ko kahit papano!
"Oh my gosh! Once in a bluemoon!" Sabi ko at tinitigan lang ako ni kuya Nate kaya napatahimik naman ako. "Sorry na, pero ano bang nangyari?" Tanong ko at this time seryoso na ko.
"Ayaw kasi nyang mag subtitute ako sa klase ni ma'am.Clare for the whole quarter, time na daw namin yon for family." Paliwang ni Kuya Nate, at medyo na gets ko na naman ang gustong mangyari ni kuya.
"Anong sabi ni Ate Janet?"
"Ayun ayaw nya nga, baka daw kasi mag tampo na si Ayesha samin. Lagi na kaming walang time for her. 5PM na kasi ako makakarating sa bahay pag ganun."
Sabagay kung ako din sa Ayesha, baka mag tampo din ako kay kuya Nathan. Mahirap din kasi pag nawalan na ng time yunh parents mo sayo. Only child palang naman si Ayesha, kaya wala sya masyadong makakalaro bukod kay mommy and daddy at si Kuya Roco kung minsan.
"Inaccept mo na ba?!"
"Oo, kahapon lang. Naawa din kasi ako kay ma'am Clare."
"Mukang tulog na si Ate Janet ngayon, ahhmm Kuya Nathan, bukas make sure na mag kakaintidihan na kayo ni Ate. Huwag nyo na patagalin nyang tampuhan nyo." Sabi ko kay kuya Nathan, at tumango naman sya. Kaya after non pumasok na din ako sa loob, inaantok na din kasi talaga ako.
~||
Pag kahiga ko sa kama ko, tinignan ko muna yung phone ko bago tuluyang matulog. 11:30 na pero wala paring text si Ranz. Hindi man lang sabihin kung asan na sya...Nag aalala ako sa kanya, kanina ko pa din naman sya tinitext pero walang reply e. Pero sana naman nakauwi na sya ng maayos ngayon. Hindi ko maiwasang mainis sa kanya dahil sa wala syang reply sa lahat ng text ko, at after ng isang missed call hindi na sya ulit tumawag o kahit reply man lang sa text ko.
Bakit ba kasi kung kelan ang tagal-tagal na namin tska pa kami nag kaganito?!
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!