Chapter 27

110 2 0
                                    

Chapter 27

Janzen's POV

"Ano ba mahal mo ba talaga sya o nanghihinayang ka nalang sa panahon na pinag samahan nyo?"  Halos humagulgol na sa iyak si Xyra at gusto ko na talaga syang batukan! Baliw kasi sya! Ang tanga nya!

"Hindi ko alam yung sagot." Sagot nya sakin kaya hindi na ako nakatiis at binatukan ko na sya. --______--

"Aray ko naman Janzen!" daing nya at napatigil naman sya sa pag iyak.

"Kasi naman nakakabwisit kang babae ka! Panong hindi mo alam?! Una sa lahat mahal na mahal ka ni Steven at ganun din si Kian. Si Kian, handang pag makatanga para lang sayo. Tapos si Steven naman bumalik na para sayo kahit hindi pa tapos yung 3 years. Tapos sasabihin mo saking hindi mo alam yung sagot?! Baliw ka bang babae ka?! E bakit ka ba umiiyak-iyak ngayon?! At bakit mo suot-suot yang engagement ring na binigay sayo ni Steve?!" sigaw ko sa kanya at ayun medyo natauhan naman ang gaga! Kanina pa kasi ako dito at halos wala ako ginawa buong oras kungdi pakinggan sya sa paulit-ulit nyang kwento tungkol kay Steven at Kian! Tapos iyak pa ng iyak! Nakakabwisit kaya!

"Janzen! Anong gagawin ko?! Oo na! Mahal ko si Steven! Mahal na mahal ko sya! Pero naguguilty ako sa ginawa ko sa kanya!" Sabi ni Xyra at halos mag wala na sa kinakaupuan nya. Hayss! Finally! Umamin na din sya sa totoong nararamdamaman ng gaga na to! Baliw e! Kaya minsan nag tataka ako kung pano ko naging bestfriend tong babae na to!

"Grabe! Kaya minsan napapaisip ako kung pano kita naging bestfriend e. Hahahaha.." Natatawa kong sabi sa kanya at sya naman napa poker face nalang. Pero at least tumigil naman sya sa pag iyak nya.

"Ang hard mo saking babae ka! Tssk"

Inihinto ko yung pag tawa ko at  tumingin na ako ng seryoso sa kanya, "mahal mo naman pala si Steve. Ganito nalang gawin mo, puntahan mo na sya kung asan sya ngayon. Makipag usap ka. Kasi kung hindi ka naman mahal nun hindi sya uuwi ng ganun-ganun lang. Kausap sya ni Joshua last last night tapos ang sabi nya ang gusto lang naman daw sya ay makausap ka, yun lang. Kaya mag usap kayo para malinawan kayo. Xy, 7 years yung pinag samahan nyo at konting kembot nalang ikakasal na kayo! Kaya kung nag kagusto ka sa iba ng hindi mo inaasahan, kausapin mo sya at sabihin mo sa kanya lahat." Yan talata na yung sinasabi ko kay Xyra. Alam ko naman talaga na mahal na mahal neto si Steve halos di nga sila mapag hiwalay dalawa e. Pero nung umalis si Steve tapos may nakilala sya ng kaparehas ni Steve dahilan para mahulog sya sa taong yon. Edi di ba?! Mahal nya padin talaga si Steve at for sure mahal pa din sya ni Steven! Takte 7 years kaya yung pinag samahan nila! 7 years!

"Seryoso ka?!" Ang ganda talaga nya sumagot kahit kelan! Hayss!

--_______--

"Tingin mo muka ba akong nag bibiro?! Tska Xyra, wag ka nga umastang teenager! Matanda ka na oi!"

"Hayss oo na! Kakausapin ko na sya!"

Krishia's POV

"Krish, okay ka lang?" Tanong ni Ranz at nabalik naman ako sa realidad na mag kasama pala kaming nag lulunch ngayon.

Kagagaling ko lang kasi sa office, at inalok ako na kung gusto ko daw ba nag mag trabaho abroad. Para na ding promotion to, mas malaki yung sahod. At makakabayad na din ako sa lahat ng utang namin ngayon. Dumami kasi yung mga pinag kaautangan namin simula nung nangyaring aksidente kaya ngayon pinag iisipan ko kung tatanggapin ko ba yung offer o hindi. 

Oh ganito kasi! Una palang na naging kami ni Ranz ayaw na nya na mag kakahiwalay kami. Ayaw nya ng LDR! Tska kasi tignan nyo nalang yung nangyari kila Xyra at Steven nung sinubok nila ang LDR o ang Long Distance Relationship. Sabi nya sakin kung mangyayari yun mas gugustuhin nya nalang na mag break kami.

Tska kasi hindi ko alam kung ano na ba kami ngayon ni Ranz, para kasing naging kami ulit. Though hindi talaga namin pinag usapan yung about sa break up namin never as in! Simula nung gumising ako mula sa pag kakacomatose ko na parang wala lang nangyari.

"What if mag sawa ako sa kung anong meron tayo." seryoso kong tanong sa kanya.

Pero hindi sya sumagot at hinawakan nya lang yung kamay ko habang nakatingin sakin ng diretso. 

Those eyes. Shems! Bakit ba kapag tumitingin sya ng ganyan sakin yun puso ko halos sumabog na. Yung mga mata nya na since highschool palang na kapag tinitignan ko lagi nalang akong parang natutunaw. And yes, intindi ko lahat ng sinasabi ng mga matang yon.

Pero kasi... Gusto ko sabihin sa kanya na yung offer sakin pero naman! Hayss...

After namin mag lunch umuwi na din ako sa bahay at nag pahinga. Humiga ako sa kama at tumitig ako sa kisame. Gusto kong tanggapin yung offer papunta sa Canada, pero si Ranz... Sh*t naman! Hayss..

"Tita Krish." bumangon ako mula sa pag kakahiga ko at nakita ko si Ayesha. Nakangiti sya sakin habang nakatayo sa harap nung pintuan, parang walang nag bago sa kanya after nung lahat ng nangyari.

Ngumiti ako sa kanya at tumakbo naman sya papalapit sakin, "pang ilang beses ko na bang nasabing namiss ko ng sobrang si Ayesha ko?!" Tanong ko habang nakayakap ako sa kanya mula sa likuran nya.

Saglit muna syang nag isip, "uhm 50 times. Ahm no, 54 to be exact. Hahahaha.." She giggled..

"Tita Krish, what's your problem?" Tanong nya at naging seryoso naman sya.  Tumingin naman ako sa kanya at nag aantay lang sya ng isasagot ko.

"Gusto ko kasi pumunta sa Canada, para mag work don. Kaso si Kuya Ranz mo kasi, kapag sinabi ko sa kanya yun baka magalit sya." Kwento ko at halos walang reakyon sa muka nya. Na parang alam na alam na nya yung nangyayari.

"You love him, right Tita Krish?! But you need to choose. Si Kuya Ranz or yung career mo? You always have a choice, Tita Krish. Wag mong sabihing wala! Dahil meron! Meron kang choice, at yun yung gusto mo ba mag kasama kayo ni Kuya Ranz pero hanggang dyan ka nalang sa career mo o gusto mo ba na maging successful ka sa career mo pero pwede syang mawala sayo?!" Seryoso bata yung kausap ko e! Pero daig nya pa yung tatlo kong bestfriend na babae sa pag papayo sakin sa love life ko.

Pero kasi nakakabaliw naman yung sinabi ni Ayesha. Dahil lahat ng isasagot ko, bago ko pa isagot sa kanya e may sagot na sya. And yes, I have a choice! I always have a choice!
Pero hindi ko alam kung ano dun sa dalawang yon.

"But if kuya Ranz really love you then he will accept whatever your decision is."  Nakangiti nyang sabi at pag katapos ay niyakap nya ako ng sobrang higpit.

"Thank you Ayesha. Kaya ko love na love ni Tita Krish e." 

"Kapag umalis ka mamimiss kita ng super Tita."

"Ate kana, so dapat tutulungan mo si mommy Janet mo para alagan si baby Calix. He's your baby brother." Bumitaw si Ayesha sa pag kakayakap ko sa kanya at umupo sya sa legs ko.

"Yes, Tita! I am a big girl now, I am not a baby anymore! Kaya nga hindi ko alam na nakatulog ako ng sobrang tagal, hindi ko na tuloy nakita nung nag baby bump yung tummy ni mommy ko." Natawa naman ako dahil sa reaksyon ni Ayesha. Ba naman kasi nung nakocomatose kami tska nalaman ni Ate Janet na buntis sya at nung nanganak sya ayun coma pa din kami.  Kaya pati ako hindi makapaniwala na may baby brother na si Ayesha.

"Basta alagaan mo si baby Calix ah?!"

"So Tita Krish pupunta ka talaga sa Canada?"

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon