Chapter 38
Krishia's POV
"Ate, nakita ko sya." Mahina kong sabi, habang si Ate Janet ay seryoso lamang na nakatutok dun sa loptop nya.
"Who?"
"Si Ranz." Maikli kong sagot, at napatingin naman si Ate sakin.
Tumitig sya sakin, at alam ko naman na yung gusto nyang iparating. Kaya sumagot na agad ako.
"No, hindi ko sinabi." After kong sumagot ay isinara na ni Ate Janet yung loptop nya at lumapit sakin.
"I want him back. Pero natatakot ako Ate, ayoko na syang saktan." Halos mangilid na yung luha ko.
Ewan, pero siguro ganito lang talaga kapag buntis. Masyadong nagiging emosyonal. Pero kasi eee...
Hindi ko mapigilang hindi umiyak.Sorry baby, sorry kung hindi ko pa kayang sabihin sa daddy ang lahat. Pero promise, gagawin ni mommy yung best ko para maging masaya ka palagi. Kahit wala si daddy mo.
"Kailangan sya ng baby mo." Kalmadong sabi ni Ate Janet.
Natahimik nalang ako sa sinabi ni Ate Janet, dahil yes, kailangan sya ng baby ko. Kailangan ng daddy ng anak ko. Pero pano? Pano kung sobrang gulo na ng situation, to the point na hindi ko na kayang harapin pa si Ranz.
"Ikaw nalang din yung makakapag desisyon kung ano yung gusto mong mangyari para kay baby."
~~~
4 months later...
Kinuha ko na yung lampin ni Cramble at inilagay yun sa drawer nya. Kakatulog nya lang din kasi nya. This past few months lagi nalang akong puyat dahil kay baby, medyo nag aadjust pa din kasi ako. Kaya nga kumuwa na din ako ng katulong para mag aayos sa bahay, at para na din sa mag babantay kay Cramble kapag aalis ako.
Pero kasi naman halos hindi na ako humiwalay kay Cramble sumula nung ipanganak ko sya. Sobrang ganda ng baby ko, parehas sila nung eyes tska lips ni Ranz. Halos pinagbiyak naman kasi yung itsura nila, kaya hindi makakailang si Ranz yung daddy ni Cramble.
Fr: Xyra
"Krish, asan kana? Birthday ng inaanak mo babae! Pumunta na dito bilis."
After kong mabasa yung text ni Xyra ay pilit na rin akong tumayo mula kinahihigaan ko. Nag ayos na din ako ng sarili ko; bago pumunta sa birthday nila Zack. For sure naman kasi ay may sermon na naman ako mula kila Xyra.
At pag lipas ng tatlong oras kong pag mumunimuni at pag aayos, natapos na din naman ako. Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa kotse para pumunta sa bahay nila Xyra.
Alam ko naman na papagalitan na naman ako nung mga bestfriend ko dahil sa kabagalan kong kumilos at pumili ng damit so closet ko. Pero still wala naman silang magagawa, best friend nila ako. Hahaha..
Payapa naman akong nag mamaneho ng kotse ko hanggang sa makarating ako sa bahay nila Xyra, pinabantay ko muna sa kasambahay namin si Cramble. Hindi na ako nag sabi kila Xyra na paparating ako, gusto ko sana silang isurprise dahil nakarating ako sa birthday ng kambal. Pero at least na masurprise ko sila, e ako ata yung na surprise.
Papasok palang kasi ako sa loob ng bahay ng marinig ko yung isang napaka familiar na boses.Boses na kahit kelan ata ay hindi ko makakalimutan. Yung boses ni Ranz.
Nakita ko yung buong barkada na nakatingin lang sa kanya habang sya ay umiiyak. "Ayoko na, sawa na ko! Alam nyo naman lahat ng sakripisyo na ginawa ko para lang kay Krish pero sinira lang nyang lahat. Kaya wag nyong isipin na si Krish lang yung nasasaktan, nasaktan din ako. She has been hurting me over and over again.To the point na hindi ko na kayang ayusin pa."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naluha nalang ako sa mga sinabi ni Ranz. Dahil tama naman sya, ako yung unang nanakit at lagi nalang nanakit sa kanya. At ngayon sobra na kong naguguilty sa ginawa ko, sobra na kong nasasaktan dahil sa mga nangyari samin ni Ranz.
Akala ko okay na ko, akala ko tanggap ko na lahat. Pero ang hirap pa din pala kapag narinig ko ng diretso ang mga salitang iyon mula kay Ranz.
"Tita Krish, why are you crying?" Tanong ni Zack at umupo ako sa harapan nya bago sinabing wag syang maingay.
Binati ko nalang sya ng happy birthday at umalis na agad ako. Baka kasi makita pa ako ni Ranz.
Agad na akong sumakay sa kotse, at agad itong pinaandar ng sobrang bilis papaalis sa lugar kung asan sila Ranz.
"Krish!" Narinig kong sigaw ni Ranz mula sa malayo. Ngunit hindi ko na napansin ito, at patuloy akong nag maneho ng sasakyan.
Hindi ko maiwasang umiyak dahil sa mga narinig ko. Halos mag paikot-ikot ang lahat ng mga sinabi ni Ranz sa utak ko. At ni hindi ko na din alam kung san ba ko pupunta.
Hanggang sa huminto nalang ako sa isang gilid. At don napayuko nalang ako sa manibela at tuluyan ng umiyak. Para akong nanlumo, ganito na naman kasi ako. Lagi nalang akong nag kakaganto kapag si Ranz na yung pinag uusapan.
Bumitaw na ko di ba? At si Ranz, pilit ko na syang pinabitaw. Pero bakit ako nag kakaganito ngayon? Bakit sobra na parin akong naapektuhan?
"Shit naman." Bulong ko sa sarili ko.
Halos kalahating oras na din akong umiiyak sa loob ng kotse. Pero hindi pa din tumitigil yung pag tulo ng luha ko, siguro kasi matagal ko syang kinimkim. Siguro kasi simula nung nag desisyon ako na ako na ang mag bahala kay Cramble ay pilit ko ng inalis ang lahat ng feelings ko para kay Ranz.
Napapikit nalang ako, at bigla namang may kumatok sa bintana ng kotse. At lalo muli, muling tumulo ang luha sa aking mga mata.
Binuksan ko ang bintana ng kotse, at tumingin ako kay Ranz. Yumuko sya, at pilit syang ngumiti sa kabila ng lahat. Hinawakan nya yung kamay ko.
Para kong tanga na iyak pa din ng iyak. At ng hindi ko na napigilan ang sarili ko ay pilit akong lumusot sa bintana ng kotse at iniyakap si Ranz. At ang hindi ko inaasahang gawin nya ay yung yakapin nya din ako.
Niyakap nya ako ng sobrang higpit, at binuhat nya ako papalabas ng kotse.
"Sorry Ranz.. Sorry.." bulong ko at humagulgol na muli ako ng iyak habang patuloy akong nakayakap sa kanya. Saglit syang humiwalay sa pag kakayakap namin sa isa't isa at saglit syang tumingin sakin at pinunasan nya yung luhang tumulutulo sa mga mata ko. at napapikit nalang ako. naramdaman ko na may labing nakalapat sa labi ko. And yes, I found myself kissing him back.
I savored the moment kissing him. Siguro kasi sobra ko syang na miss. Sobra kong namiss yung sya.
"Please sabihin mong mahal mo pa din ako."
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!