Chapter 22

102 2 0
                                    

Chapter 22

Xyra's POV

"Tatlong bagay na ayaw mo sa mundo?" Tanong ni Kian, habang parehas kaming nakasandal sa isang pader at nakatingin sa mga star parang star gazing lang.

sobrang ingay na kasi sa loob kaya andito kami sa rooftop nila Mich. Party-party kasi sa loob, at mukang parehas namang katahimikan ang hanap namin ni Kian.

Tumingin naman ako sa kanya at tumawa, "anong nakakatawa sa tanong ko?" Tanong nya sabay inom nung alak na kinuha na namin sa loob ng bahay nila Mich.

"Wala." Maikli kong sagot.

"So ano nga yung tatlong bagay sa mundo na ayaw mo?" Tanong nya ulit.

"Seenzoned, inboxzoned, LDR."  Sagot at sabay naman ng tawa ni Kian. May sapak talaga sya.

"Grabe yung mga ayaw mo no?! Saklap! Hahahah.." Tawang-tawa na sabi Kian. Nang asar pa talaga. Uminom nalang ako ng alak at di sya pinansin.

"E ikaw ano yung tatlong bagay na ayaw mo sa mundo?" Ako naman ang nag tanong sa kanya this time.

"Paasa, friendzoned, mafall sa taong hindi ka naman mahal." Sagot nya habang diretso lamang ang kanyang tingin, napatingin ako sa kanya pero napaka seryoso lang nung muka nya. Yung kaninang tawa ng tawa ngayon ay napaka seryoso na ng muka.

At hindi ko din alam sa sarili bakit para kong kinabahan kahit na alam kong hindi naman ako yung tinutukoy nya, "bakit ang seryoso mo bigla?" Tanong ko at baka sa kaling tumawa ulit sya.

Tumingin sa sakin, at yung tingin ay napaka seryoso padin, parang may sinasabi yung mga mata pero hindi ko lang yun maintindihan. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na parang sasabog na anytime. Ano ba tong nararamdaman ko? Hayss ngayon ko lang nakitang ganito si Kian e.

"Kasi simula nung makikilala ko sya alam kong nahulog na agad ako sa kanya, ayoko naman umasa pero lagi akong umasa sa twing mag kasama kami. At sa panahong umiiyak sya, gusto kong gawin yung lahat para pasayahin sya. Mahal ko na sya pero alam kong wala na akon pag asa kasi may hinihintay sya." Para kong napako sa kinakaupuan ko at halos hindi makagalaw dahil sa sinabi ni Kian. Dahil alam ko na ako yung tinutukoy nya, pero bakit ganito yung nararamdaman ko?! Bakit lalo pang lumakas yung kabog nung dibdib ko?

Si Kian, sya na yung naging sandalan ko simula nung mag kakilala kami. Sa kanya ako umiiyak kapag nag aaway at nag tatampo ako kay Steven, kapag napapagod ako sa trabaho ko at hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Adyan sya para pasayahin ako.

"Mahal kita Xyra." Dagdag pa nya at mas lalo kong ikinagulat. Hindi ako nakasagot at tila napipe dahil sa sinabi nya.

Unti-unti syang lumapit, at gusto kong umalis na sa kinakaupuan ko pero para akong lalong napako at hindi na halos makagalaw. Napapikit nalang ako, at naramdaman ko yung mga labing lumapat sa labi ko, and after ng ilang seconds I found myself kissing him back.

What happening on me? Bakit parang gusto kong matuwa dahil sa hinahalikan ako ngayon ni Kian?! At pag lipas pa ng ilang sigundo tila natauhan ako at agad ko syang naitulak papalayo sakin.

Agad akong tumayo at napahawak sa labi ko. Ano bang nangyayari sakin?! Shit naman.
Umalis na ako sa bahay ni Mich at umuwi na samin, ngunit hanggang sa makarating ako sa bahay ay halos hindi padin yon mawala sa isipan ko.

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon