Chapter 15
Janzen's POV
Inayos ko na yung mga gamit ko, at maayos itong inilagay sa mga maleta. "Anak, are you sure na kaya mo na?" Tanong ni daddy sakin at tumango naman ako.
Malapit ng mag 4 months simula nung namatay si Joshua. At hindi ko pa man sya lubos na matanggap pero inuunti-unti ko na din ang sarili ko, kasi kung hindi baka tuluyan akong mabaliw. Nag hahallucinate padin naman ako sa kanya, lagi padin syang andyan lalo na kapag iiyak ako dahil na mimiss ko sya. Kahit naman kasi may part na sakin na gusto ng tanggapin na wala na si Joshua, ang laki parin kasi ng part sa puso ko nag umaasa na babalik pa sya. Gaya ng pinangako nya sakin na babalik sya.
Lumabas na ako ng bahay at nag paalam kila mommy at daddy. At sumakay na sa taxi para pumunta na sa airport. Mag babakasyon kasi ako sa Palawan. Gusto ko kasi mapag isa at makapag isip. Pumayag din naman sila mommy, may tiwala sila sakin na wala na akong gagawin sa sarili kong masama after nung nangyari na muntikan ko ng ibunggo yung sasakyan. Ang sakit padin kasi e. Para kasing kahapon lang nag propose sya sakin, at mag papakasal kami.
~||
Pag lipas ng ilang mga oras ay nakarating na din ako sa Palawan. Sobrang ganda nung weather ng makalabas ako ng airport. Hayss finally andito na ko. Agad na akong sumakay at para makapunta na sa resort. May reservation na din naman si Krishia dito, dahil susunod nga sila ni Xyra kaya makakapag isa muna ako kahit saglit bago dumating sila after 1 week.
Maya-maya pa ay nakarating na ako sa isang resort, napaka quiet nung place at mukang sobrang mag eenjoy ako. Lumalabas yung pagka introvert ko dito hahahha.. Kahit di halata!
Agad akong pumasok sa kwarto, at tumakbo sa isang malambot na kama. "Whaaaa! Ang sarap!" Sabi ko sa sarili ko habang nakangudngod yung muka ko sa kama. Grabe napagod lang talaga akk sa byahe.
Faith's POV
Lunchbreak ko na at pumunta muna ako sa canteen para bumili ng lunch ko. Bad mood ako para makisabay ng lunch ngayon kay Daniel.
"San ka pupunta?" Tanong ni Albert at sumunod naman sya sakin sa pag lalakad.
"Mag lulunch." Maikli kong sagot.
"Dun na kaya tayo mag lunch." Sabay turo naman dun sa restaurant katapat lang nung hospital.
Bumalik naman yung tingin ko sa kanya, "wag na, masyadong masarap dyan hahahaha.. Dito nalang ako."
"Sige kung yan yung decision mo, tara samahan na kita." Sabi nya at ngumiti nalang ako at pumasok na kami sa loob nung canteen.
***
"Bat di mo pala kasama si Daniel na mag lunch?" Tanong nya, dahil alam naman kasi siguro ng lahat na halos hindi kami mapaghiwalay palagi ni Daniel. Minsan lang pag parehas kaming bad mood hahahaha...
"Hahaha tampuhan." Sagot ko at natawa naman din sya.
~||
After namin kumain ay bumalik na din kami sa kanya-kanya naming trabaho. At pag katapos naman ng trabaho ay sya na din ang nag hatid sakin pauwi sa bahay.
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!