Chapter 20
Krishia's POV
Pag kalabas ko ng office kasama ng kaibigan ko ay agad na bumungad sakin si Ranz, may hawak syang bulaklak pero ang pinaka napansin ko sa kanya ay ang itsura nya. Pumayat si Ranz, lumaki yung eyebags, at halatang hindi sya nag shashave ng bigote at balbas nya.
"Anong trip mo?" sarcastic kong tanong sa kanya. Ngayon ko lang kasi sya ulit nakita after nyang makipag break sakin. After nyang bitawan yung relasyon namin ng ganun ka dali!
Lumapit sya sakin at niyakap nya ako ng sobrang higpit, "ano ba, mainit!" inis kong sabi, at pilit na bumitaw sa pag kakayakap nya. Dahil seryoso! Tanghaling tapat, tirik na tirik yung araw tapos mag gaganyan sya?! Trip nya? Nag papakabaliw ba sya ulit?
"Krish sorry, please ayusin natin to." Pag mamakaawa nya sakin.
"Ikaw yung tumapos nung relasyon natin. Ranz, ganun ka dali binitawan mo ko. Nang dahil lang sa hindi kita nadamayan ng ilang araw! Ang babaw mo Ranz!tapos na tayo." Lakad ako papaalis sa harapan nya, hindi na dapat ako mag aksaya pa ng panahon na kausapin sya. Tapos na naman yung kung anong meron kami e!
Niyakap nya ako mula sa likod, at naramdaman mong umiiyak sya. "Hindi ko kaya Krish. Mahal kita. Lasing ako nun, at nag kamali ako. Mali lahat ng ginawa at sinabi ko nung gabi na yon. Krish sorry, mahal na mahal kita." Naiiyak nyang sabi, pero pilit akong nag matigas at bumitaw sa pag kakayakap nya.
"Geza halika kana." Sabi ko at sumakay na kami sa kotse.
Agad kong pinaandar ng sobrang bilis yung sasakyan ko para makaalis sa lugar na yon, hindi ko pinansin si Ranz at patuloy na umalis don. Napahinto naman ako sa gitna ng kalsada. Hindi ko mapigilang maluha, hindi ko na pigilang hindi maging mahina. Dahil all this time ang kailangan ko ay maging malakas para sa mga taong nakapaligid sakin. At hindi na naman ako dapat umiyak dahil sa nangyari na yon.
Napayuko nalang ako sa banibela ng kotse. Ayoko na e! Ayokong umiyak!
"Krish, okay ka lang?" Tanong ni Geza habang hinihimas yung likuran ko.
"Gez, sa ganito nalang ba matatapos yung 7 years na pinag samahan namin?ang sakit." Tanong ko at pinunasan ko na yung tumulong luha sa mga mata ko.
"Tahan na Krish."
"Ayoko na." Yun nalang yung sinagot ko at pinaandar ko na ulit yung sasakyan.
Janzen's POV
Halos matulala nalang ako sa nakita ko. Dahil halos ipag tabuyan ako ng fiancé ko.
Wala akong marinig na ingay bungod sa tunog ng aircon sa kwarto ko. Nakaupo lang ako sa kama, nag iisip dahil sa nangyari.Tumayo ako ng muli ko syang makita na nag lalakad sa sea side, kasama yung babaing sinabi nyang girlfriend nya. Bakit ba sya ganun? Bakit ba parang halos wala kaming pinag samahan?! Bakit parang halos hindi na nya ako kilala?!
Tumakbo ako papalapit sa kanya, hinarang ko silang dalawa sa mag lalakad nila. "Josh mag usap tayo please." Pag mamakaawa ko. At nakita kong umirap na naman yung mata nung babae nyang kasama.
"Rick, halika na. Guguluhin ka na naman ng babaeng yan e!" Inis na sabi nung babaeng, pilit na humahawak sa braso ni Joshua.
"Josh, wag kana mag pagood time please. Sabihin mo na sakin na hinire mo lang din yang babae na yan para mag panggap na girlfriend mo. Gaya nung dati di ba?! Josh please tama na. Ayoko na." Naiiyak kong sabi habang hawak-hawak ko yung mga kamay nya.
"Sorry, pero hindi talaga kita kilala. Sorry." Sabi nya at tuluyan nasilang umalis nung babae, at ako halos hindi na nakagalaw sa kinatatayuan ko. Bakit ba kasi hindi ako matandaan ni Joshua?!
***
Nakaupo ako sa gilid ng dagat kung saan nababasa ang kalahati ng katawan ko dahil sa alon. Alas dos na ng madaling araw pero halos hindi ako dalawin ng antok ko, kaya napag desisyonan kong mag swimming. Habang nainom ng ican na alak.
Tulala lang ako habang patuloy lang din ang pag hampas ng tubig sa mga legs ko. Hindi ko kasi halos maisip kung ano ng nangyari kay Joshua. Halos ikamatay ko nung akala kong wala na sya, pero ngayon meron akong taong nakilala na kamukang-kamuka nya. Pero hindi naman daw sya si Joshua, Erick daw kasi yung tunay nyang pangalan.
Ang sabi sa 7.9 billion na tao sa mundo meron daw pitong tao na kaparehas mo, na kamuka mo. Isa lang ba si Erick sa pitong tao sa mundo na kamuka ni Joshua?! Nagugulahan na kasi ako. Ang hirap na din mag isip ng mag isip. Nakakabaliw na nga e!
"Bakit gising ka pa?" Tanong nya at umupo sya sa tabi ko.
"Iniisip ko padin kasi kung paanong hindi ikaw si Joshua. O bakit hindi mo ako matandaan." sabi ko at tumingin ako sa kanya. Lalo ko lang tuloy na miss si Josh.
"Sino ba si Joshua?" Tanong nya sakin.
"Si Joshua, sya yung lalaking una kong minahal. Sya yung unang boyfriend ko, at yung papakasalan ko na dapat. Ang sabi nya 2 days lang daw, tapos babalik sya. 2 days lang tapos after non babalik sya at mag papakasal kami.." Kwento ko habang nakatingin sa kawalan.
Someone's POV
Hindi ko kilala kung sino yung babaeng kinakausap ko ngayon, basta ang tanging alam ko lang ay lagi nya akong tinatawag na Joshua.
Nakita ko yung pag tulo ng luha nya habang kinekwento nya kung sino si Joshua. Hindi ko alam pero ipinalean ko yung ulo nya sa balikat ko. Naawa na din kasi ako sa kanya. Lagi nya nalang sinasabi na ako si Joshua.
"Sorry, kung ako man si Joshua. Sorry kasi hindi kita maalala."
Sobrang daming kulang sa isipan ko nitong mga nakaraang araw. Ang sabi ni Gwen sakin saglit lang naman daw ang pag kawala ng memorya ko at maalala ko din ang lahat ng tungkol sakin. Nag karon daw kasi ng car accident nung papunta kami sa bahay ni lola at napuruhan daw ako kaya ayun nag karon ako ng amnesia pero sabi temporary lang naman daw.
Medyo nakakadala kasi nag plain crash yung eroplano nung sinasakyan ni Joshua. Hayssss... Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa babaeng to, siguro dahil lang sa awa. Lagi kasi syang umiiyak, kaya kahit lagi syang pinag tatabuyan ni Gwen, naawa padin ako sa kanya.
"Miss na miss na kita Josh. Sabi mo kasi babalikan mo ko e.. Josh, ang sakit-sakit na." Sabi nya at muli syang umiyak ng umiyak, bago sya tuluyang nakatulog. Halatang lasing na sya dahil sa ininom nyang alak.
Binuhat ko na sya papunta sa kwarto nya. Inihiga at inayos ko sya sa kama. Tulog na tulog na kasi talaga sya. Kinumutan ko na muna sya, bago tumayo na.
Napansin ko yung mga pictures sa gilid ng kama, puro ito picture nung babae na to at ni.. Ako...
Dahil ako to! Ako yung nasa picture! Pero bakit ganun? Wala sya sa alala ako? Bakit ang sabi ni Gwen sakin ako yung bestfriend nya bata pa lamang kami at ngayong matanda na kami ay naging kami na. Bakit taliwas to sa lahat ng picture na nakikita ko? Kamuka ko lang ba talaga si Joshua? O ako talaga si Joshua?
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
Storie d'amorePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!