Chapter 33
Krishia's POV
Halos hindi ako mapakali, dahil sa mag katabi nga kami ni Ranz ngayon dito sa eroplano! Naman kasi! Pwede naman ako nalang umasikaso nung pag uwi ko sa Pilipinas. Pero eto nga wala!
Wala akong choice kun di mag tiis ng sobra hanggang sa makarating sa Pilipinas. Pero syempre eto sobrang ilang ako, hindi ko naman kasi maikakaila na may feelings pa din ako sa kanya na hanggang ngayon pinipilit kong kalimutan! Pero buti nga mukang sya ay nakamove on na talaga.
**
Pag labas namin sa airport ay agad naman naming nakita ang buong barkada. Pero yung muka nila kala mo nakakita ng kung ano sa sobrang gulat... Gets ko naman kasi sila... At alam ko na pati kayo gets nyo na din sila.
2 years na simula nung iwan ko si Ranz habang nakaluhod sya sa harapan ko, nakita ng buong barkada kung pano ko tinanggihan si Ranz. Pag katapos ay umalis ako at pumunta ng ibang bansa. Hindi nila kami parehas nakita ni Ranz after non ngayon lang ulit. Ngayon lang kung san parehas kaming mag kasama pauwi ng Pilipanas.
"A..ah..akala ko ba.." Si Janzen.
"Sya yung boss ko sa pinasukan kong trabaho, at sabay kaming umuwi para sa wedding nila Faith." Sagot ko at sabay-sabay naman silang tumango.
Halos walang reaksyon yung mga muka nila. Parang hindi pa din makapaniwala na mag kasama kami ngayon ni Ranz kaya halos hindi rin nila maisip na 2 years kaming hindi nag kita tapos ni hindi man lang nila ako niyakap.
"Babalik nalang talaga ako sa Ohio." Sabi ko tska naman sila bumalik sa katinuan at sabay sabay na sumigaw sila Janzen, Faith, Xyra for short lahat ng mga babae kong kaibigan. Niyakap nila ako ng sobrang higpit at ganun din naman yung ginawa ko. Sobrang na miss ko lang talaga sila.
After non, ay nag bitian kami. Pero hindi pa din maiwasan na hanapin ng mata ko sila mommy at daddy. At ayun naman sakto nahagip ng mata ko sila daddy na pababa ng sasakyan. Agad akong tumakbo papunta sa kanila at niyakap ko ng sobrang higpit si mommy.
Halos maiyak na ako sa sobrang pag kamiss sa kanila, almost 2 years ko din kasi silang hindi na kita e..
At ayun sumakay na kami sa van ni daddy, sila Xyra susunod nalang daw samin. At sila Ranz, ewan siguro mag gagala din muna sila o baka may asikasuhin pa sya. Ewan di ko alam. Basta ako basta ako super saya ko kasi kasama ko na sila mommy ko.
"Buti nalang nakauwi na ako." Sabi ko habang nakalean kay Ate habang nakasandal ako sa balikat nya. Tulog pa kasi yung dalawang bata kaya eto tahimik.
"Ano bang nangyari sa inyo ni Ranz?"
"Wala naman po, boss ko kasi sya."
"Maya na nga tayo mag usap." Sabi ni Ate Janet, at hindi na nga kami nag salita hanggang sa makarating sa bahay. Pagod din kasi ako dahil sa byahe kaya nakatulog din ako. Pero ngayon payapa akong nakatulog dahil alam kong safe ako at wala si Ranz sa paligid ko.
Xyra's POV
8PM na ng mag kita-kita kami nila Janzen para pumunta kila Krish. Namiss din kasi namin yung babae na yon, 2 years kaya namin syang di nakita 2 years and 5 months to be exact! At sa panahon na yon parehas namin silang hindi na kita ni Ranz ngayon lang talaga namin sila nakita!
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!