Chapter 18

90 2 0
                                    

Chapter 18

Janzen's POV

"So kelan nyo balak sumunod dito ni Xyra?" Tanong ko dahil 1 week na din ako mahigit dito pero hindi pa din sila sumusunod.

"Uhm sorry Janzen, pero hindi ko pa kasi alam kung kelan nag kaproblema kasi sa bahay. Tapos medyo busy pa din ako sa work, pero don't worry hahabol kami ni Xyra ienjoy mo muna ang Palawan dyan. Nang mag karon ka ng time sa sarli mo." Sabi nya habang kausap ko sya mula sa kabilang linya.

"Grabe mababaliw na ako wala akong makausap. As in ako lang." Sagot ko pero tinawanan lang ako ni Krishia. Baliw talaga tong babae na to!

"Don't worry pag medyo naging okay na ang lahat susunod kami dyan."

"Bilisan nyo! Miss ko na din kayong mga babaita kayo! Sama mo na din pala si Faith ha?!"

"Sure sige."

"Sige bye Krish." Sabi ko at pinatay ko na yung tawag.

Lumabas na muna ako sa bahay na tinutuluyan ko ngayon, mag gagala nga muna ako.

Pumunta ako sa palengke para mamili ng kung ano-ano. At para na din bumili ng kakainin ko para mamaya, ayoko din naman kumain sa restau kaya mag sasariling luto nalang muna ako.

Tumingin ako ng mga kung ano-anong pag kain, pero sandali akong mawindang ng mahagip ng mata ko si....

"Joshua!" Sigaw ko at patakbong lumapit sa kanya, pero dahil sa sobrang daming tao halos matakpan na sya. Pero kahit na hinabol ko sya ng hinabol ay bigla na lang syang nawala sa paningin ko.

Si Joshua naman kasi talaga yung nakita ko. Nakita sya ng dalawang mata ko. Hindi ako pwedeng mag kamali.

Umuwi nalang ako sa bahay at humiga sa kama. Hindi padin kasi maalis sa isipan ko yung nakita ko kanina. Muka kasi syang totoo e! Pero pano nga kung hallucination ko lang yun, gaya ng lagi kong nakikita.

Hayss! Nabigyan na naman ako ng pag-asa. Aasa na naman yung sarili ko na buhay si Joshua at hindi talaga sya patay. "Wag ka ng umasa!" Sabi ko sa sarili ko at pinunasan ko yung luhang tumulo sa mata ko.

Xyra's POV

"So gano na katagal kayo ni Steven?" Tanong ni Kian sakin habang enjoy na enjoy sya sa pag kain namin ng lunch.

"7 years." Maikli kong sagot napabuga naman sa harapan nya yung kinakain nya, buti nalang magaling akong umiwas at hindi ako natamaan.

Pinunasan ko naman yung lamesa, "kadiri ka Kian!"

"Seryoso 7 years na kayo?!" Gulat na gulat nyang tanong.

"Ulit-ulit?!" --________--

"Bakit di pa kayo nag papakasal? Grabe tatag nyo!" Ang oa talaga mag react ni Kian kahit kelan! Tsss..

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na mag papakasal nga kami mag balik nya galing Italy!" Sagot ko sabay kaltok sa kanya.

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon