Janzen's POV
Huminto muna ako sa pag dedesign at umupo muna sa table ko. Ilang oras na din pala akong puro pag dedesign ng mga gown ang pinag gagawa ko.
Kinuha ko nalang yung phone ko, at mag tingin ko namab puro missed calls ni Xyra. At may isa namang tumawag pero mukang telephone number naman.
"Hello ma'am good evening po, kayo po ba si Ms.Janzen Quizon, fiancé ni Sir. Joshua Carbonell? "
"Ah yes, sino to??" Tanong ko dun a babaeng kausap ko..
"Ahm Ms.Janzen, nag crash po kasi yung eroplanong sinasakyan ni sir.Joshua. At isa po sya sa mga hindi pa nahahanap. Mga around 4PM pa po kaninang hapon nangyari yung trahedya."
"Ah baka nag kakamali ka lang, nag message pa sya sakin kanina ang sabi nya pasakay na daw syang eroplano. Imposibleng masama sya don.." Paliwanag ko. Dahil okay pa kanina e, nag send din sya ng last text before syang sumakay ng eroplano.
"Ah Ms.Janzen yun po kasi talaga yung nangyari. Isa po sya sa hindi pa mahanap. Ilang oras na po mahigit since nung bumagsak ang eroplano and until now hindi pa po sya nakikita.."
Pinatay ko na yung tawag, at napa upo nalang ako sa gilid. Hindi ko alam yung mararamdaman ko.
Nag text si Xyra na pupuntahan nya daw muna yung airline na sinakyan ni Joshua.
Kanina lang, sabi nya sakin sasakay na sya sa eroplano. Nag iwan pa nga sya ng note sa table. Asan na sya?!
Naramdaman kong tumulo na yung luha ko. At ng may mag bukas na kita ko si daddy. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko sya.
"Daddy ko.." Sabi ko habang na iyak.
"Bakit Janzen, anong nangyari?" Pero atleast na mag salita, humagulgol lang ako ng iyak habang nakayakap kay daddy. Dahil hindi ko masabi e...
Ano na bang nangyayari?!
Di ba sa teleserye lang nangyayari to, at hindi sa totoong buhay?!
Papakasalan nya pa ko di ba?!
Krishia's POV
Asa office pa ako ngayon at breaktime pa namin kaya payapa akong nakakain ngayon dito sa table ko, niluto kaya to ni mommy for me. Kaya na eenjoy ko sya! Kahit na di na ako sumama sa mga kaoffice ko na mag lunch. Medyo wala din ako sa mood dahil hindi din nag paparamdam si Ranz pag katapos nung kahapon. Pero di naman ako pwedeng nag mukmok nalang buong mag hapon, kailangan kong mag trabaho.
At habang payapa at nilalasap ko yung pag kain na niluto ng mommy ko sakin bigla namang tumawag si Xyra sakin, "Oh ang yare sayo?!" Tanong ko sa kanya, dahil may trabaho din to ngayon pero natripan pang tumawag sakin.
Pero para naman syang hingal na hingal at ang bagal pang mag salita, mahina pa talaga yung signal e! -__- "Krish,... Pumunta ka dito..Kila Janzen! Bilis!" Taranta nyang sabi sakin na parang kung anong nangyayari na.
"Bakit nga?! Anong meron?" Tanong ko, dahil may trabaho pa ko, tska remember na kain ako ngayon at ineenjoy ko sya!
"Kasi nag crash daw yung sinasakyan na eroplano ni Joshua... Krish, please puntahan mo kami dito, hindi ko na alam gagawin ko kay Janzen!"
Pag kasabi nun ni Xyra ay dali-dali na akong napaayos dahil mukang iba na yung na rinig ko, "anong sabi mo?!"
"Nag crash yung sinasakyan na eroplano ni Joshua! Papunta na kami ngayon sa airline ng eroplanong sinakyan nya, puntahan mo na si Janzen please!" Pag kasabi nun ni Xyra ay agad ko ng niligpit yung mga gamit ko at kinuha yung bag ko para puntahan na agad si Janzen. Bahala na si batman sa boss ko pero sa ngayon kailangan ko ng puntahan si Janzen.
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!