Chapter 5

118 3 0
                                    

Chapter 5

Krishia's POV

7:30 AM palang ng magising ako dahil asa tadtad na phone calls na nareceive ko mula sa boss ko, actually mukang galit na naman sya.

Agad akong nag open sa computer nila Ranz, lowbat pa kasi yung laptop ko. Kailangan ko muna syang ipahinga, kung ayaw kong matuluyan sya. Buti pa yung laptop ko nag papahinga.

Habang busy sila Janzen na nakain ng breakfast at nag kekwentuhan. Eto ako nakaharap na ngayon sa harap ng computer at ka chat yung mga kateam ko. They still need me, kaya wala akong choice kung di mag chat sa kanila kung anong mga dapat pang gawin.

Siguro nga gift talaga sakin ni Lord ang pagiging magaling na leader, pero minsan napapagod na talaga ako. Siguro dahil lang sa boss ko na sobrang sungit.

Halos mag madali na ako sa kakatype na kung anong dapat sabihin sa kanila, at inumpisahan ko na din iedit at icheck yung mga pinag ssend sakin ng mga kateam ko.

"Krish, tama na yan! Halika na, mag almusal na tayo." Sabi nya habang nakatayo mula sa likuran ko.

"Mamaya na ako, kailangan ko pa kasing ichat yung mga kateam ko." paliwanag ko kay Ranz.

"Asa bakasyon tayo Krish kaya tara na!" Mapipilit nya.

Hindi ko din naman kasi gustong maging ganito pero anong magagawa ko?! Kailangan ko tong tapusin!

"Ranz kailangan ko tong tapusin."

"Tama na yan!" At sabay tanggal nung pinaka saksakam nung computer.

"Ranz, baliw ka ba?! Anong trip mo?! Matatapos na ko sa mga dapat kong gawin, kachat ko din yung boss ko! Bat mo pinatay yung computer?" Naiinis kong sabi at tumayo na ko sa kinakaupuan ko.

"Gusto ko lang naman na kumain kana, kasi ang kanina pa mula pag gising mo yan na agad ginagawa mo." Paliwanag nya. Pero shete lang! Hindi nya ata alam kung ano yung ginawa nya!

"Shit Ranz! Mas lalo akong hindi makakakain sa ginawa mo!" Sabi ko at pumasok na sa kwarto para buksan nalang yung loptop ko.

Ang aga-aga naman kasi dagdag pa sya sa stress na binibigay sakin ngayon ng trabaho ko.

Alam ko naman din na gusto nya lang mawala yung stress na nararamdaman ko palagi sa trabaho ko, pero naman sana kinausap nya muna ako ng maayos hindi yung pinatay nya pa yung computer at nasayang lahat ng mga pinag gagawa ko!

Pag pasok ko ng kwarto ay kaagad ko namang binuksan ko yung laptop ko, at pag open ko ng facebook, tadtad na agad yung mga message. Hayss nag text na din yung boss ko, beastmode na naman!

Napatingin naman ako ng pumasok sila Xyra, Janzen at Faith sa kwarto ko, "Krish, ang yare sa inyo ni Ranz?!" Tanong naman ni Xyra at tumabi na silang tatlo sakin.

"Ayun pinatay lang naman yung computer, kung kelan patapos na ko sa mga dapat kong gawin!" Inis kong sabi. Hindi ko na din kasi maiwasang hindi magalit sa ginawa ni Ranz, dahil mas nakadagdag lang sya sa stress ko.

"Gusto lang naman kasi nya sigurong mag enjoy ka ngayon dito sa Zambales." Sabi ni Janzen.

"Yun na nga e, gusto kong mag enjoy dito. Kaso naman kasi ayun, bwisit pinatay pa yung computer!"

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon