Chapter 35
Krishia's POV
"Sir.Wade?!"
"Oh Krish, wag mo munang pilitin na bumangon kung hindi mo kaya." Sabi ni sir.Wade at lumapit sya sakin para alalayan akong bumangon. Medyo masakit pa din kasi yung ulo ko.
"Bakit ako nandito? Anong nangyari kagabi?" Tanong ko.
"Nag block out ka, kaya dinala kita dito sa bahay ko. Hindi ko din naman alam kung san yung bahay mo."
Natahimik nalang ako after kong mag tanong kay sir.Wade. Gusto ko kasing tanungin kung anong nangyari kay Ranz, dahil alam ko na alam nya kung ano ng nangyari kay Ranz ngayon, bestfriend nya kaya si Ranz.
"Kung si Ranz yung iniisip mo, wala na sya." Napatingin naman ako kay sir.Wade.
"Ano?"
"Umalis na si Ranz. Pumunta sya ng France kaninang madaling araw. Gusto nyang bitawan kana, dahil di ba yun yung hinihiling mo sa kanya." Halos hindi na ako makasagot sa sinabi ni Sir. Wade, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Eto kasi yung hiniling ko sa kanya di ba?! Pero bat masakit pa din?!
"Alam mo bang halos mabaliw si Ranz nung panahon na yon?! Pero atlis na sa alak at bisyo nya ituon ang lahat ng sama ng loob, sa trabaho nya ibinuhos ang lahat. Kahit kasi na sobra mo syang sinaktan, mahal ka padin nya. Ginawa nya yung best nya para maging mataas yung posisyon sa kompanya, hanggang sa malipat sya sa company nyo. Nagalit sya sayo, pero lagi pa din nangingibabaw yung pag mamahal nya sayo, at kahit hindi man nya sabihin iyon -- ramdam ng lahat yon. "
"Sir, worth it pa ba ako sa kanya?! Lagi ko syang sinasaktan, pero mahal nya pa din ako. Lagi nyang ginagawa yung best nya, pero sinasaktan ko pa din sya."
Gusto ko mag karon ng pag asa dahil sa sinabi ni Sir. Wade, gusto kong umasa na mamahalin pa ulit ako ni Ranz, kahit na hiniling ko na namawala sya sakin.
"Nakaya nga nya mag hintay ng ilang taon hanggang sa gumising ka sa mag kakacomatose mo, kahit nung time na yon halos walang kasiguraduhan kung gigising ka pa. Pero humawak pa din si Ranz, laging andyan si ranz at patuloy na kumakapit, pero ngayon ikaw na yung humiling na bumitaw sya."
**
1 week later...
Habang nag lalakad ako sa mall ay may bigla namang may kumausap sakin. Medyo lutang pa din ako kaya hindi ko sya masyadong pinansin.
"Di ba ikaw si Krish?! Krishia Lane Legaspi right?!" Paninigurado nya, habang gulat na gulat na nakita ako. Akal nya ata artista ako.
"Ako nga, bakit?" Sorry naman sa sagot ko. Wala talaga ako sa mood.
"Ako to si Tricia Cruz, highschool friend mo!" Pag kasabi nya nun, tska naman nag sink sa utak ko na isa sya sa mga naging tropapips ko nung highschool ako.
"Tricia?! Oh my ikaw nga!" Gulat na gulat kong sabi. Medyo may pagka late reaction lang, pero na schock talaga ako na nakita ko sya ngayon.
Nag kwentuhan kami ni Tricia at tumambay kami sa isang coffee shop, at dun pinag kwentuhan ang lahat ng nangyari.
Nalaman ko na naengaged na pala sila after nilang grumaduate ng highschool dahil nalaman ng parents nila na ang mga mga magulang nila ay kapwa mag kakabussiness parter. Inarranged marriage sila, pero kahit ganon naging masaya naman pala sila sa relationship nila.
"Sobrang swerte ko nga kay Nick e! Lakas lang maka story sa mga libro. Hahaahha.."
"Kaya nga, naka tulong pa pala yung pagka reject sayo ni Jc." Biro ko sa kanya at nag tawanan naman kami.
Maya-maya pa ay dumating na din si Nick. May isa na silang anak, at nung pinakita ito ni Tricia ay talagang kamuka nga ni Nick. Ang swerte nila..
"Oh kamusta na kayo ni Ranz? May baby na rin ba kayo?" Tanong ni Tricia. Kaya natahimik naman ako.
"Break na kami." Maikli kong sagot at natahimik naman din sila.
"Kayo yung tinagurian na legend couple dun sa school natin dati, ang akala naming lahat kayo na forever. Tapos ngayon kayo pa pala yung mag hihiwalay." may pang hihinayang na sabi ni Nick.
"Sayang namana kayo." Dagdag pa ni Tricia.
Sandali kaming natahimik dahil sa nangyari, kahit naman kasi ako nanghihinayang sa relasyon namin ni Ranz. Akala ko din naman kasi, sya na talaga yung makakasama ko forever!
"Hayaan na natin." Sabi ko nalang.
Nag kwentuhan nalang kami ng iba't ibang bagay, at alam ko naman na hindi padin talaga sila maka get over sa nalaman nilang break na kami ni Ranz. Kaya hanggang sa maka uwi ako ng bahay ayun lang yung naikot sa isip ko.
Ang panghihinayang na nawala na si Ranz sakin.
**
"Tita Krish, another bad day?" Tanong ni Ayesha at tumabi sya sakin.
"Ayesha, hindi ko maiwasang manghinayang na iniwan ko si Ranz."
Matalino nga si Ayesha, at alam kong intindi nya ako. Kaya nag sasalita ako sa kanya ng straight to the point kasi kahit na hindi, alam nya na din naman. Kaya papahirapan ko pa ba yung sarili ko?! Sasabihin ko lang din naman sa kanya.
"Tsssh pinapahirapan mo pa kasi yung sarili mo! Pumunta kana kasi ng Frace! Habulin mo si Kuya Ranz." Oh di ba?!
"Anak ka nga ni Ate Janet." Yan nalang yung nasagot ko sa kanya.
"Tita Krish, where's my gift?!" Sigaw ni Calix na halos mag tatakbo papalapit sakin. At si Ayesha napailing nalang.
"Mommy nyo ba asan?"
"Nagawa ata sila ng daddy Nathan ng baby. You know." Sagot ni Ayesha, na halos ikagulat ko.
O____O "Ayesha!"
"What?!"
"Manahimik ka, bad yun ah!" Saway ko sa kanya.
"Hula lang naman! Hahaha.. Tska mag asawa sila. Duh! Tita Krish, alam mo na yun. Di na ako bata pa sa mga ganyang bagay! Hahaha.." Nag dadalaga na talaga si Ayesha. Pero shems! 11 years old palang tong bata na to! Yung utak grabihan!
"Ayesha, ano na namang sinasabi mo sa Tita Krish mo?!" tanong ni Ate Janet, at napatingin naman kami sa kanya.
"Sabi ni Ate Ayesha ano daw nagawa daw kayo ng baby ni daddy. Mommy pano yun?!" Sabi ni Calix. At agad naman tinakpan ni Ayesha yung bibig ni Calix. Eto din namang bata na to, grabe mag tatatlong taon palang grabe na din! Sobrang kulit at daldal na.
Pinanlakihan naman ng mata ni Ate Janet si Ayesha kaya tumahimik naman si Ayesha, at nag basa nalang ulit ng libro.
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
Roman d'amourPag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!