Chapter 14
Janet's POV
"Mommy, why are you sad? Today is your day po di ba?! Today is your birthday, pero bakit ka po malungkot?" Tanong ni Ayesha at napatingin naman ako sa kanya. Ayoko na nakikita ng anak ko na lulungkot ako. Pero siguro nga malaki na talaga ang anak ko at pati yung mga ganitong bagay alam nya na.
"I'm okay baby, don't worry okay lang si mommy." Sabi ko at niyakap nya nalang ako. "Tara na baby, kainin na natin yung tirang cake dun sa ref."
"But Mommy Janet, sabi mo para kay daddy yon?"
Saglit naman akong napahinto dahil sa sinabi ni Ayesha, gabi na din kasi at tapos na kaming mag dinner. Umuwi na din yung mga coteacher ko na pumunta dito para makicelebrate ng birthday ko. Pero hanggang ngayon wala padin si Nathan.
Sabi nya sakin, may tututor daw sya ngayon hindi naman nya pwedeng ipag paliban dahil monthly test na nung tinuturuan nya. Pero hanggang ngayon wala pa sya."Ahh madami naman yun, tirhan nalang natin si daddy Nathan. Okay?!"
"Okay mommy." Sagot nya at kinuha ko na yung cake at kumain kami ni Ayesha.
Habang kumakain ay muli namang nag tanong si Ayesha, "mommy, may problem kayo ni daddy?"
Muli naman akong napatingin kay Ayesha dahil sa tanong nya, dahil alam ko na kahit hindi ko sabihin sa kanya, nararamdaman nya na may problema kami ng daddy nya. Hindi naman kasi kami ganito. "No Ayesha, okay lang kam ng daddy mo." Sagot ko at tumango nalang sya at hindi na muling nag tanong.
Pag lipas ng ilang oras ay umakyat na kami ni Ayesha sa kwarto nya para makapatulog sya. May pasok pa kasi sa school bukas.
~||
Pag kababa ko ng kwarto sakto namang bukas din ang pinto at pumasok si Nathan at umupo ito sa sofa. Agad akong lumapit at umupo sa tabi nya. "Sorry." mahinang sabi ni Nathan habang nakayuko ang ulo nya.
"Hindi na kita tatanungin kung anong nangyari, kung saan ka galing at kung naalala mo ba yung araw na to." Tumingin lang sya sakin, "Nate may problema ba?"
Hindi kami ganito. Hindi sya ganito sakin. Kilala ko si Nathan at hindi sya ganito. Hindi sya to! Dahil yung Nathan na kilala ko sobrang-sobrang yung care samin ni Ayesha. Na araw-araw tinuturing nyang especial kasi kasama nya kami. Pero bakit unti-unti syang nag babago?
"Jan sorry." Lalo akong nalito sa isinagot ni Nathan. Bakit ba sya nag sosorry?! Bakit ba sya palaging nag sosorry na hindi ko naman alam kung may nagawa syang kasalan?!
Hinawakan ko yung mga kamay nya, "Nate sabihin mo kung may problema tayo para maayos natin. Di ba ganun tayo?" Sabi ko at para na akong maluluha.
"Janet mahal kita."
"Kaya sabihin mo kung anong problema. Nathan hindi ka ganito, hindi ka madalas nag iinom, hindi ka nag tatago sakin kung san ka pupunta. Ngayon alam ko na may mali. Kaya Nate sabihin mo na. Kasi Nate, nag bago ka e... Nag bago ka simula nung mag karon nung inuman nung birthday ni sir. Valdes." Napaisip naman ako sa huli kong sinabi. At dun napa isip ako kung anong nangyari nung nag celebrate nung birthday ni sir. Valdes, dahil simula nung araw na yon nag bago si Nate.
Nakatingin lamang ako sa kanya at ganun din naman sya sakin. Inaantay ko syang sumagot habang hawak-hawak ko yung kamay nya. Gusto ko marinig yung sasabihin nya, pero mukang ayaw nya talagang mag salita. "Nate anong nangyari nung birthday ni Sir. Valdes?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"M..may...may nangyari sa..samin ni Anallyn."
Sobrang tagal bago nag sink sa utak ko yung sinabi ni Nathan. Para kong sinaksak sa puso tapos dahan-dahan na inalis yung pinang saksak. "Nate, sa..sabihin mo ulit. Kasi bingi na ko, hindi ko marinig." Nanghihina kong sabi sa kanya.
"May nangyari samin ni Anallyn. Nung gabi na yon, parehas kaming lasing na lasing. Janet, sorry. Sorry Janet." Pag katapos sabihin ni Nathan yon, napapikit na lamang ako sa sobrang sakit. Upon hearing those word from Nathan, yung puso ko parang sinabuyan ng asido sa sobrang sakit.
"Nate, pagod na ko. Mag papahinga na muna ako." Mahinahon kong sabi kay Nathan, at tumayo na ako habang pinipigalan ko padin yung pag tulo nung mga luha ko.
Hinawakan ni Nathan yung mga kamay ko at hindi ko napigilang maluha, "Janet mag usap tayo. Jan please.." Sabi nya pero bumitaw ako at nag lakad na papaakyat sa kwarto.
Hindi ako dumiretso sa kwarto namin sa halip pumasok sa kwarto ni Krishia. "Ate.." Bungad ni Krish, at bumangon ito mula sa pinag kakahigaan nya.
Agad akong lumapit at huminga sa tabi nya, umayos nalang din naman sya ng higa at agad akong niyakap. At don hindi ko na napigilang umiyak. Sobrang sakit e. Para kong pinunit. "Ate, anong nangyari?" Mahinahong tanong ni Krishia, habang nakayap padin sya sakin mula sa likuran ko.
Hagulgol na yung iyak ko, hindi ko masabi yung dahilan nung pag iyak ko ngayon. Dahil ayaw padin tanggapin ng isipan ko na nagawa sakin ni Nathan yon. "Krish, ang sakit."
Nathan's POV
Suntok duon...
Suntok dito..
Halos dumugo na ng sobra yung kamao o dahil sa kakasuntok sa pader. Dahil sa narinig kong pag iyak ni Janet mula sa sa kwarto ni Krishia.Kasalanan ko naman kasi talaga to e! Kasalanan ko kung bakit nasasakatan si Janet ngayon! Kasalanan ko kung bakit iyak sya ng iyak ngayon dahil sa ginawa ko. Kung hindi ako sumama at nag pakalasing, edi sana walang nangyaring ganon! Edi sana hindi umiiyak ng ganito si Janet! Hindi nya deserve to. Hindi deserve ng asawa ko ang umiyak dahil sa ginawa ko! Hindi nya deserve to!
Krishia's POV
"Krish, ang sakit." Yun nalang ang nasagot ni Ate Janet matapos ko syang tanungin kung anong nangyari.
Nakayakap lang ako kay Ate Janet. Ganito naman kami kasi ni ate sadalan namin yung isa't isa e. Ayaw kasi namin minsan na sabihin yung problema kila mommy at daddy kasi masyado na silang matanda para mastresss kaya kapag may problema kadalasan kamig dalawa yung nag dadamayan. Dahil si Kuya Roco naman ay may sariling mundo hahahah de joke nasa ibang bansa lang naman.
Hindi ko alam kung anong problema nya ngayon pero isa lang ang sigurado ako na nahihirapan na sya ng sobra ngayon. Nakekwento na din naman sakin ni Ayesha yung nangyayari sa kanila. Oo bata pa nga si Ayesha, pero ganun na kalawak ang isipan nya para maintindihan ang mga bagay-bagay sa paligid. At alam nya na laging nag kakatampuhan ang mommy at daddy nya.
Muling nag ring ang phone ko dahil sa isa pang text ni Ranz.
"Krish, please I need you. Kailangan kita ngayon dito. Bwist na bwsit ako sa nangyari kanina sa trabaho at kanina nung umuwi ako sa bahay nag aaway na naman sila mommy at tito. Krish please. Kailangan kita ngayon lang."
Lalo akong na windang dahil sa text ni Ranz na yon, kailangan ko syang puntahan. Dahil alam kong kailangan nya ng karamay at kausap pero kailangan din ako ni Ate Janet. Hindi ko pwedeng iwanan ng ganito si Ate, pero shemay! Pano naman si Ranz?!
Binukasan ko yung phone ko at nag reply kay Ranz, pero kalaking kamalasmalasan nga naman! Ayun kasabay naman text ng globe at sinabing expired na yung load ko! Whaaa!!! Mababaliw ako! Kailangan kong puntahan si Ranz pero hindi ko naman pwede iwanan na ganito si Ate Janet dahil baka kung ano pang mangyari dito.
"Sorry Ranz." Bulong ko at niyakap ko muli si Ate Janet.
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!