Chapter 6

108 2 0
                                    

Chapter 6

Janzen's POV

Bukas uuwi na kami sa Manila, at after non magiging super busy na kaming dalawa ni Joshua. Dahil ilang weeks nalang at wedding na namin.

Pero kasi pupunta pa sya ng Japan, para ayusin yung honeymoon namin doon. Meron kasing bahay don yung parents nya, at don gusto nya kaming mag stay for 1 to 2 months siguro.

Excited na ko, maging asawa yung taong minamahal ko ng sobra. 2 days lang naman syang mawawala tapos babalik na din sya dito, kasi 3 days after non ay ang araw ng pinaka hinihintay naming lahat. Ang wedding day namin.

"Excited na yung future wife ko!" At niyakap naman nya ako mula sa likuran, tumingin naman ako kay Joshua.

Haysss oo, excited na akong maging asawa si Joshua. Excited na kong tuparin lahat ng pangarap ko kasama sya.

"Sama nalang kaya ako sayo sa Japan." Suggest ko.

"Kapag sumama ka sakin, edi hindi na sya magiging surprise para sa honeymoon natin at sa birthday mo."

"Di ba sabi masama daw na umalis ng bansa bago ikasal?!" So eto na naman ako! Gagawin ang lahat para hindi lang matuloy si Joshua, kahit na mag imbento pa ng mga pamahiin.

"Janzen, kelan ka pa natutong mag imbento ng pamahiin?!" tumingin nalang ako sa kanya at nginitian ko nalang sya. Kasi naman kasi! Ayoko syang umalis! 2 days din yon!

"Ang tagal kasi nung 2 days!" Sabi ko at niyakap ko nalang sya.

"2 days lang yon, kung sila Xyra nga 3 years pa. Ano pa kaya yung satin na 2 days na lang aantayin mo di ba?!" Haysss oo nga. Sa bagay. May point din naman don si Joshua..

"Hi Josh, peram muna ng bestfriend namin ah?! Time na namin ngayon!" Sabi ni Krishia, sabay naman hila sakin kasama sila Xyra at Faith. Kaya eto nakikitakbo lang ako sa kanila kahit di ko naman alam kung san sila pupunta.

"San na naman tayo?! Nag momoment kami ni Joshua dun e!" Sabi ko sa kanila, dahil kasi naman! Ang sweet-sweet nung moment namin ni Joshua dun tapos biglang singit nung mga to!

"Tangeks! Kapag di natin inenjoy to magiging busy na tayo after. Imagine after ng ilang weeks kakasal kana, tapos eto naman si Krishia laging busy sa trabaho at kahit naman ako tska si Xyra busy na din!" Paliwanag ni Faith, habang patuloy padin kaming tumatakbo kahit na hindi ko naman talaga alam kung san kami pupunta.

Maya-maya pa ay dumating na din kami sa dalampasigan, at don nakaready na din yung tent at bonfire.

"Yieeee may na miss ko to!" Masayang sabi ni Xyra at umupo na sa gilid, umupo na din naman kami.

Actually totoo talaga yung sinabi ni Xyra na nakakamiss talaga yung mga ganitong bonding namin. Dahik dati nung college pa lang kami, laging may ganito. Lalo na kapag bakasyon, lagi kaming mag kakasama, laging may kwentuhan at damayan sa problema. Bawat iyak sa mga boyfriend namin ayun laging mag kakadamay ang isa't isa.

"Namiss ko kayo!" Sabi ni Krishia, at humiga napan sya samin ni Faith.

"Naman kasi puro work!work!work! Grabe Krish! Muka ka ng workaholic nyan." grabe naman kasi saming apat si Krishia na ata ang pinaka busy dahil sa trabaho. Sya yung kung hindi late wala pang tulog pag may bonding ang barkada.

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon