Chapter 36
Krishia's POV
"Ang cute-cute ni baby.."
Halos lahat ata kami ay gigil na gigil sa baby ni Xyra, kung hindi nga lang sensitive pa to baka halos lamog na samin tong baby. Hahahaha...
"Hoy! Baka mamaya kung ano ng gawin nyo sa anak ko!" Saway ni Xyra pero di naman namin sya pinansin.
"Hey Tita Janzen, ano pong name ng baby mo?" Tanong ni Zack, habang parehas silang titig na titig ni Cross sa anak ni Janzen.
"Hannah Thea Romella Isabel Quizon Carbonell." sagot ni Xyra.
"Kung ako yang baby mo, pag laki ko kukutusan talaga kita!" Sabi ni Faith.
"Bakit naman?! Ang cute nga nung name nya e.."
Grabe talaga si Xyra! Hahaha mukang gusto nyang pahirapan yung anak nya pag nag aral na mag sulat. Hahaha.. Pero sa totoo super saya namin na may baby ulit si Xyra at for sure mag kakaron na din sila Faith sa susunod at si Janzen matagal pa din to bago manganak pero nagiging obvious na din naman yung tyan nya.
Oh! Lahat na ng bestfriend ko may buo ng family. So ako eto ngayon nanatiling single. Pero okay lang naman, hindi pa naman ako ganung katanda. Kaya pa to! Hahahaha..
Focus muna sa career ko, gaya ng nakagawian. Sa work mo na binuhos ang lahat. Hindi na din ako masyadong nakakapag drama, dahil nga sa sobrang busy ko din nakakalimutan ko na kung anong nangyayari sa buhay ko. Pero okay na din, kasi atlis kahit papaano nakakamove on ako.
"Tulala na naman sya."
"Wag mo nga muna isipin yung trabaho mo!" Saway nila sakin.
"Tangeks! 1 week nga yung leave ko hanggang sa birthday ko di ba?!"
Naging payapa naman yung mga muka nila after kong sabihin yon. Simula kasi nung sinabi kong hindi na ako babalik sa America at mag sstay nalang dito, mas naging concern na sila sakin. May kanya-kanya na silang pamilya pero kahit ganon lagi padin naman kaming nag kakasama. Once a week kami minsan na kikita.. Basta kapag free time ang lahat mag kikita kami, ako din naman yung nag aalalaga kay Zack at Cross.
Ang hilig ko din kasi sa bata. Kaya nga pinilit ko si Ate Janet na ako nalang yung mag paaral kay Ayesha, para may marating naman yung pagiging workaholic ko!
"Gusto ko ng apple." Sabi ko, at bigla akong nag crave na ewan.
"Nung nakaraan, icecream na blue berry yung flavor tapos ngayon apple naman?! Yung totoo nag lilihi ka?" Tanong ni Janzen, daig ko pa kasi sya kung mag lilihi man ako.
"Hahaha hindi no!" Sagot ko. Nag lilihi talaga?! Di ba pwedeng gutom lang talaga.
Pero yung sagot ko mukang hindi naman sila na convinced sa sagot ko. "What?!"
"May nangyari ba sa inyo ni Ranz bago ka umuwi dito?" Seryosong tanong ni Xyra sakin. At natahimik naman ako.
"Bondat ka tangeks!" Dagdag pa ni Faith.
"Nag karon ka na ba?!" Tanong pa ni Janzen, dahilan para mafrustrate ako ng sobra. Naman kasi! Yung mga tanong kasi nila e!
"Delay ako ng 3 months, pero ---
"May nangyari sa inyo ni Ranz?!" Madiin na tanong ni Faith. At ako halos maiyak na, dahil yes may nangyari samin ni Ranz! Pero naman isang beses lang yon..
"Lagi naman akong na dedelay.." Kasi naman nag kakaron naman talaga ng time na nadedelay ako. Minsan 2 months ako na hindi dinadatnan at mukang ganun din naman yung nangyayari ngayon...
"May pt na cr, gamitin mo yon." Seryosong sabi ni Faith. At dahil lahat sila ay ganun ang aura nila ay sumunod na din ako.
Ginamit ko yung pt, nag try ako. At yung kabog nung puso ko sobra. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sandali akong nag antay para sa result ng pregnancy test.
At halos maluha na ako sa naging result. Dahil bakit?! Nag sstart na akong mag moving on. Okay na ko...
"Positive."
Niyakap na lang ako nila Faith habang hawak hawak ko yung pt. Kasi naman bakit may ganito pa?! Wala na si Ranz. Wala na sya. Pero bakit may baby pa?!
Gusto ko maging masaya kasi mag kakababy na ako, gusto ko maging masaya kasi finally may baby na akong sarili ko na aalagaan ko.. "Mali lang siguro yung result." Sabi ko at pinunasan ko yung luha ko. Na sa harap ko na yung result, pero gustong umasa na mali lang to.
Mali lang yung result. Dahil may possibility pa din naman na negative lang yung result. "Mag papacheck tayo."
***
Gabi na ng makauwi ako sa bahay. Halos lutang ako, ni hindi ko na pansin na dumaan sa harapan ko si Calix. Nag lakad lang ako hanggang si mommy na yung makita ko.
Si mommy, sya yung kailangan ko ngayon. Sya yung mommy ko, sya yung alam kong never akong iiwan. "Mom." Napayakap nalang ako sa kanya. Umiyak ako ng umiyak, napa tigil naman din si mommy sa ginagawa nya.
"Anong nangyari?" Tanong ni mommy pero hindi ako nakasagot.
Bakit ba kasi may baby?! Bakit ba pati yung doctor kanina sinabing merong baby sa tyan ko?! Bakit meron pa ding mag papaalala kay Ranz? Nakakamove on na ako e..
"Mo..mommy...b..buntis po ako." Sabi ko at nang hina naman si mommy at napa upo nalang sa gilid. Nakita ko naman si daddy at agad nyang inalalayan si mommy, alam kong narinig ni daddy yung sinabi ko. Pero hindi sya nag salita.
Naiyak nalang din si mommy, gaano ba kasi kasakit sa isang magulang na malaman mong na buntis yung anak mo ng walang asawa o kahit boyfriend man lang. Hindi ko din siguro halos maiisip kung gaano kasakit para kay mommy at daddy yon.
"Anak, ano bang pag kukulang ko?" Naluhang tanong ni mommy, at naiyak nalang ako.
Ayoko makita si mommy ko na ganyan at si daddy pinipilit nyang maging malakas para icomfort si mommy. At sobrang sakit para sakin na makita sila mommy at daddy na ganon. "Mommy, daddy, sorry po." Yun nalang yung nasabi ko, at naramdaman kong may yumakap sakin at nakit ko si Ate Janet.
Yumakap nalang ako sa kanya at inilayo nya ako kay mommy at daddy. Siguro kasi kailangan lang din nila ng space at makapag isip.
"Ate Janet, ano bang gagawin ko?! Mali to e! Hindi dapat mag bunga yun."
"Okay lang yan Krish, kaya mo yan. Magiging mommy kana." Sabi ni Ate Janet at pinilit nyang ngumiti.
"Pano si baby?! Wala na syang daddy, Ate Janet."
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!