Chapter 21

89 2 0
                                    

Chapter 21

Third Person's POV

Pag kapasok ni Krishia sa loob ng bahay ay agad na bumungad sa kanya si Nathan na nakaupo sa gilid ng pintuan, tila problemado ito. Nakita ni Krishia ang pag tulo ng mga luha sa mata ni Nathan, ngunit hindi nya ito pinansin sapagkat ang pag iyak ni Ayesha ang nangibabaw at naging mas importante para sa kanya.

Pumasok ito sa loob ng bahay at nakita nya ang kanyang Ate Janet na naka upo sa sofa nakatayo sa gilid nito ang kanyang mommy at daddy. Nakayuko lamang si Janet, at sa harapan nito ay nakaluhod ang kanyang anak habang pinupunasan ang mga luha na dumadaloy sa muka ni Janet.

"Mommy stop crying please! Mom. Please tama na!" Naiyak na sabi ni Ayesha ngunit halos hindi makapag salita si Janet. Galit din ang nararamdaman ng mga magulang nito dahil sa kanilang nalaman ang ginawa ni Nathan.

"Sorry baby, sorry..." Sagot ni Janet at kanyang niyakap ang kaniyang anak. Mahal na mahal ni Janet si Ayesha, at ayaw nyang nakikitang umiiyak ang anak, ngunit hindi gaya ng ibang bata si Ayesha dahil ito ay malaki na ang pang unawa at alam na ang mga bagay na hindi nila inaakala.

"Mommy please, please mag bati na kayo ni daddy. Lola, lolo, Tito Roco please wag na kayong magalit kay daddy please.." Pag mamakaawa ni Ayesha.

Umalis si Ayesha sa pag kakaharap nito sa kanyang mommy at tumakbo papunta kay Nathan. Hindi na ito napigilan pa nila Janet at tinignan nalang nila ang pag takbo ng bata papunta sa daddy nito.

"Daddy, I know how much you love mommy. And I know that you don't want her seeing crying. Daddy please, please makipag ayos kana kay mommy. Kausapin mo sila lola at lolo, pati na din si Tito Roco mag sorry kana. Please daddy please. Please tell them how much you love mommy Janet, please daddy..." Pag mamakaawa ni Ayesha sa daddy nya na halos lumuhod na ito habang iyak ng iyak para lang mag kaayos ang kanyang mga magulang.

"Ayesha, mahal ko ang mommy mo. Mahal na mahal ko ang mommy mo, pero masyadong masakit yung nagawa ko sa kanya, na sugatan ni daddy yung heart ni mommy Janet mo eh. kaya kailangan muna ni mommy at daddy ng time para mag heal yung sugat." Paliwanag ni Nathan. At muling tumulo yung mga luha sa mata ni Ayesha.

Bumitaw ito sa pag kakahawak ni Nathan sa kanya, "I hate you daddy! I hate you! You told me you love me! You told me you'll do everything I want, basta maging mabait lang ako. And Daddy Nate, you can! You can reconcile with my mommy! Para hindi na sya umiyak! Nag aaral ako mabuti, hindi ako nag papasaway kaila mommy, kila lolo at lola so you can grant my wish and be my old daddy Nathan again! Pero ayaw mo lang! I hate you daddy! I hate you! Lagi mo nalang pinapaiyak si mommy ko! Huhuhu!" Halos umiyak ng umiyak ang bata at ito'y tumakbo palabas ng gate. Tumakbo ng tumakbo si Ayesha at agad namang tumakbo si Krish para sundan ang pamangkin.

Subalit ng dahil sa mga luhang humaharang sa mata ni Ayesha ay hindi nya alintana kung nasan na sya, dahilan para mapunta sya sa gitna ng daan, dahilan upang tumakbo si Krish ng sobrang bilis upang sagipin si Ayesha sa papalapit na truck.

"Ayesha!" Sigaw ni Krishia at napayakap na lamang sya sa bata dahil bigo siyang maitulak ito sa kabilang side ng kalsada.

Janet's POV

Hindi ko alam kung paano na ako nakapunta sa hospital. Hindi ko na maalala ang ibang mga bagay. Basta ang alam ko lang ay may nangyaring masama kay Ayesha at Krish. Halos manghina na ako sa kakaiyak dahil sa nangyari sa kanila.

"Kasalanan mo to! Kasalanan mo to!" Galit na sabi ko kay Nathan habang patuloy na pinag hahampas yung dibdib nya. Halos maubos na yung luha ko kakaiyak, ang dalawang pinaka importanteng tao lang naman kasi sakin ay nasa bingit ngayon ng nakamatayan. At hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong gawin para lang maging okay sila.

Niyakap ako ni Nathan at tuluyan akong nanghina. Wala na akong lakas para sumigaw at magalit pa, dahil pagod na pagod na ko. Gusto kong magalit ng magalit kay Nate dahil sakanya kaya nangyayari ang lahat ng to ngayon, pero hindi ko na magawa dahil pagod na pagod na din ako, hindi ko na kaya. At hindi ko na alam ang gagawin ko kung ang kapatid ko at ang anak ko ay mawawala pa sakin.

"Please umalis kana. Please, ayoko kitang makita." Sabi ko bago ko tuluyang maramdaman ang pag kahilo.

Nathan's POV

Halos mag wala na si Janet sa kakaiyak dahil sa nangyari kay Krishia at Ayesha. Galit na galit sakin si Janet dahil sa nangyari, sapagkat ako sinisisi nya kaya't nangyari ito. Gusto kong maibsan ang lahat ng sakit na nararamdaman nya, pero alam kong hindi ko kayang gawin yon ngayon dahil ako mismo yung nag dulot ng sakit na yon.

Nawalan ng malay si Janet, at agad ko itong dinala sa emergency room. Napaupo nalang ako sa isang gilid habang dinitignan si Janet na nakahiga habang walang malay. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa lahat, sa lahat ng masamang nangyayari ngayon.

Halos mag flash back lahat ng sinasabi sakin ni Ayesha, lagi syang nag mamakaawa hindi para sa magandang mga laruan gaya ng ibang bata nag mamakaawa sya para sa time ko, para saming mag asawa. Naawa ako sa kanila, dahil kasalanan ko sila ang nag dudusa ngayon.

"Daddy, I don't how much your salary-- but here's my piggy bank. I don't know kung enough na po ito, pero ito po. Daddy, gusto ko bilin yung time mo. daddy ang dami mong time para sa iba pero bakit samin ni mommy wala na?!"

"You are the best! I love you daddy! You never fail to surprise my mommy! You always make my mommy smile."

"Daddy, I know how much you love mommy. And I know that you don't want her seeing crying. Daddy please, please makipag ayos kana kay mommy. Kausapin mo sila lola at lolo, pati na din si Tito Roco mag sorry kana. Please daddy please. Please tell them how much you love mommy Janet, please daddy..."

"I hate you daddy! I hate you! You told me you love! You told me you'll everything I want, basta maging mabait lang. And Daddy Nate, you can! You can reconcile with my mommy! Para hindi na sya umiyak! Nag aaral ako mabuti, hindi ako nag papasaway kaila mommy, kila lolo at lola so you can grant my wish and be my old daddy Nathan again! Pero ayaw mo lang! I hate you daddy! I hate you! Lagi mo nalang pinapaiyak si mommy ko! Huhuhu!"

Sobrang bait ng anak ko, sobrang lawak ng pag iisip nya, sobrang galing nya sa lahat ng bagay. Pero hindi deserve ng anak ko na mag kaganito, hindi pa nya dapat nararanasan yung mga ganitong bagay.

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon