Chapter 24
Xyra's POV
"Xy ilang araw mo na kong iniiwasan at sorry. Sorry sa ginawa ko. Sorry kung nag take advantage ako sayo. Pero please mag usap tayo. " text ni Kian at napabuntong hininga nalang ako.
"Hi hon, kamusta kana?" Tanong ni Steven sakin.
Simula nung kiss simula nung sabihin ni Kian na mahal nya ko, nag karon na ng doubt kung mahal ko pa ba si Steven. Bakit na ganito?! Tssshhh... Ugh!
"Hindi ako okay." Sagot ko, habang lutang parin ang pag iisip.
"Hon bakit? May nangyari ba?!" Worrying tanong ni Steven.
"Ah wala, comotose padin kasi si Krish." Sagot ko. Isa naman talaga yun sa dahilan kung bakit ako lutang, nag aalala ako sa bestfriend ko. Pero ang pinaka dahilan kasi ay si Kian, dahil -- ng dahil sakanya ay nag karon ako ng doubt sa pag mamahal ko kay Steven.
Kasi parang gusto na sabihin ng sarili ko at ng puso ko na mahal ko na si Kian. Hayss! Ayoko na!
"Hon may sasabihin ako sayo." Panimula ko.
"Ano yun?"
"Hon kasi, may nanliligaw sakin." Panimula ko at medyo nagulat naman si Steve. "Hon tingin ko nagugustuhan ko na sya." Napayuko nalang ako, at nakita ko na tumulo yung luha ni Steve.
"Hon sorry kung nakikita ko sa kanya yung ikaw. Sorry kung tingin ko minamahal ko sya kasi sobrang namimiss ko yung presence mo at sa kanya ko nakikita yon. Hon mahal kita, pero nahuhulog na ako sa kanya." halos maiyak na din ako sa sinabi ko.
Ayoko masaktan si Steve pero ayoko mag sinunangaling sa kanya. Mahal ko sya at sobrang mahal ko sya na nahuhulog na ako sa iba kasi nakikita ko sya dun sa taong yon.
"Mahihintay mo ba ko?" Tanong nya at pinunasan nya yung luhang patuloy na umaagos sa muka nya.
"Hon hindi ko alam." Sagot ko at nag out na sya.
Nasaktan ko si Steve, at pero nasasaktan din ako e. Kasi mahal ko sya. Mahal na mahal ko si Steve kaya hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nag mamahal ng iba.
***
"Xyra." Tawag nya sakin
"Di ba time mo pa?" Tanong ko.
Hinawakan nya yung kamay ko at pinatayo nya ko mula sa kinakaupuan ko, "nag palit ako ng time kanina pa parehas nung out mo. Kaya tara." Sabi nya at sumama naman ako.
Dinala nya ako sa rooftop ng building at nakaset up dun yung isang parang pang picnic.
Tumingin ako kay Kian, "alam mo naman na--"
"Oo, alam ko. Pero mahal kita e, kaya kahit si Steven yung dahilan ng pag mamahal mo sakin okay lang. Gusto ko sulitin yung panahon na pwede pa kitang makasama. At sorry kung ganito ako." Napatingin nalang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano yung isasagot ko e.
Niyaya na ko ni Kian na lumapit don. Nag kwentuhan kami ng nag kwentuhan gaya ng dating ginagawa namin.
Ang tanga ko na siguro dahil sa pumapayag ako na maging ganito kami ni Kian kahit na may iba akong mahal. Pero kasi kung ikaw yung asa kalagayan ko maiisip mo din na sobrang hirap. Sobrang hirap na pigilan yung sarili mo na hindi mahalin yung isang tao ma alam mong mahal mo na.
Minahal ko sya kasi nakikita ko si Steven sa kanya, minahal ko si Kian kasi para syang si Steven kapag kinocomfort ako. Para syang si Steven na gagawin ang lahat para lang mapasaya ako. Para syang si Steven na gagawin ang lahat para lang hindi na ako umiyak at malungkot.
Janzen's POV
Yumakap ako kay Joshua, at dinama ko yung napakawarm nyang yakap. "Ipaalala mo sakin ang lahat." bulong nya at hinalikan nya ako sa noo.
"Andito ako Josh, at gagawin ko ang lahat. Ipapaalala ko sayo ang lahat. Basta wag na akong iiwanan ulit, baka hindi ko na makayanan e."
"Hindi kita iiwan, kahit na hindi ko matandaan ang lahat ng nangyari, ang buong pangyayari. Hinding hindi na kita iiwan, kasi andito kana. Yun yung alalaalang kahit kelan hindi mawawala." Sabi nya at tinuturo nya yung puso nya.
Akala ko talaga wala na sya. Akala ko hindi na sya babalik. Halos ikamatay ko nung mawala sya, ngayon bumabalik sya at papatunayang hindi nya ako iiwan.
"Papakasalan kita Janzen." Dahil ako to si Joshua. Yung taong minahal mo simula nung una pa lamang." Halos maluha-luha ako dahil sa sinabi ni Joshua.
Wala pa syang gaanong maalala bukod sa pangalan ko at pangalan ng ate nya at yung drawing ng muka naming dalawa sa loob ng kwarto namin. Pero sapat na yon, sapat na yon para masabi na sya si Joshua. Dahil sya naman talaga.
"Thank you kasi bumalik ka."
Steven's POV
Lumipas ang mga araw...buwan.. Taon at inabot na din ako ng taon, at ilang buwan na lamang ay uuwi na ako ng Pilipinas.
Hindi ko na gaanong nakakausap si Xyra, hindi na kami nakakapag video chat pero still nag leleave padin ako ng message sa kanya, kinakamusta ko sya at nag rereply naman sya.
Sobra kong nasaktan ng malamang may iba na, sobrang kong nasaktan ng malaman ko na may mahal na iba na si Xyra. Pero kahit ganon kahit may luhang tumulo sa mata ko hindi ko pading maiwasan na hindi mapangiti dahil alam ko na nag mahal si Xyra kasi nakita nya ako sa tao na yon. Minahal nya si Kian kasi para syang ako.
At kahit ganon, mahal ko padin si Xyra. Kahit na may iba sya, hindi ako bibitaw at kakapit padin. Kasi babalikan at babalikan ko si Xyra.
Kasi kung sila na, mag hihintay ako na mag break sila. At babalikan ko si Xyra kahit na mag karon pa sya ng anak sa lalaking yon.
Nathan's POV
Malaki na ang tyan ni Janet, 7 months na din kasi yung baby. Kaya nga lang hindi ko padin sya ganung malapitan kaya ipinapabigay ko nalang kila Ranz yung mga pag kain na gustong kainin ni Janet. Namiss ko talaga sya. Kaya nga minsan sa bahay kapag nag papahinga at nakakatulog sya lumalapit ako at kinakausap ko yung baby namin. Umaalis din naman ako agad at baka magising sya. Hindi ko alam kung okay na ba kami o hindi basta sakin gusto kong palagi syang okay. Baka makasama din kasi sa baby namin e. Kaya nga excited na din akong gumising yung Ate Ayesha namin para kapag nanganak na si Janet kasama syang unang makakakita sa kapatid nya.
"Mommy pabilan mo ko kay daddy ng pusit tska kamyas tapos mangga na may bagoong." Napakangiti nalang ako ng marinig kong sabi ni Janet yun habang kausap nya ang mommy nya sa phone. Asa faculty pa kasi sya at nasaktuhan naman na may kailangan akong ibigay sa isang coteacher at ayun narinig ko.
Agad naman akong lumabas sa loob ng faculty ng mga english teacher after kong ibigay yung mga card sa isang english teacher din at pumasok na sa loob ng faculty namin.
San naman kaya ako mag hahanap ng kamyas at mangga na may bagoong plus pusit pa! Hayss! Naman oh! Pero nag lilihi yung asawa ko kailangang mag hanap hays! Kahit di pa talaga tag mangga ngayon! Dagdag pa yung pusit tska yung kamyas!
BINABASA MO ANG
Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)
RomancePag katapos ng highschool life at maka graduate na ng college, mag tatrabaho na. Ganun na nga siguro talaga lang ang buhay?! Pero sa lahat ba ng pag dadaanan nyo sa buhay sigurado ka na ba na enough na yung love nyo para umabot kayo sa dulo?!