Chapter 2

164 5 0
                                    

Chapter 2

Krishia's POV

Mag kahiwalay kaming nag si tulog, ang mga lalaki ay sa guess room na tulog habang kami naman ay tabi-tabi sa kama. Tulog na silang lahat, 2:30 AM na din kasi pero ako still hindi pa din makatulog, until now hindi padin kasi nag rereply si Ranz.

Halos 7 years na kami ni Ranz, at never pa kaming nag humantong sa break up. Siguro nga ganun na katibay yung relationship namin. Kaya ngayon parehas kaming nag iipon para sa future naming dalawa. Kaya nga napapangiti nalang ako kapag naiisip na kaming tatlo nila Xyra nakayanan namin mag karon ng karelasyon na umabot ng 7 years at ngayon malapit ng kasalan ang isa sa mga bestfriend ko. Ang bilis talaga ng panahon parang kasi dati lang highschool pa lamang kami at pinoproblema palang namin ay yung mga minor subject na feeling major. Nakakamiss yung school.

"Asa harap ako ng bahay nyo."   Text ni Ranz at agad naman akong lumabas ng kwarto para puntahan sya.

"San ka galing?!"

"Napashot lang ng konti, nag kayayaan kasi kanina sa office." Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Ranz, halos mag alala na kasi ako sa kanya dahil sa hindi sya halos nag rereply sa mga text ko. At dahil may dinner din ang barkada tapos wala sya.

"Ranz, alam mo pagod ako from work. Then kahit ganon dumiretso ako sa grocery para bumili ng pang dinner kasi pupunta ka lahat ng kaibigan natin. Ranz, alam mo nag aalala ako sayo, hindi ka man lang narereply sa mg text ko! Tapos sasabihin mo nag inom lang kayo ng mga kaoffice mate mo?! Ranz naman!" Hindi ko lang talaga maiwasang hindi mainis sa kanya. Halos dalawang araw na nga lang kami mag kita sa buong week tapos ganito.

"Pati ba naman to pag aawayan natin Krish?!"

"Ranz, alam mo naman na minsan nalang tayo mag kakaron ng time for each other, minsan nalang tayo mag karon ng time para makasama sila Janzen kasi lahat tayo busy sa trabaho. Kaso Ranz inuna mo pa din yang mga ka office mate mo!"

"Sorry na! Oo na, ngayon lang din naman to e! Krish wag na natin pag awayan pa to, hindi ka ba nag sasawa sa puro away na to?!"

"Ranz, ayokong mag sawang punahin ka sa lahat ng pag kakamali at ayoko na ginagawa mo. Dahil Ranz, baka pag dumating yung time na yon baka hindi na din kita mahal non." Sabi ko at tumalikod na ako sa kanya at nag lakad na papasok ng bahay ng hinawakan nya ang kamay ko at pinalapit sa kanya.

"I love you Krish. Sorry na please.." At agad nya akong niyakap. Lagi na siguro kaming nag aaway ni Ranz, pero kahit ganon hindi ko sya kayang bitawan. Siguro kasi mahal na mahal ko lang sya at hindi ko kaya yon.

After nyang akong yakapin hinawakan nya yung muka ko at hinipo yung eye bags ko, "Ang lusog ng eye bags mo wifey. Kawawa ka naman. Lagi ka nalang puyat." Sabi ni Ranz habang hinahawakan nya padin yung eyebags ko.

"Next next week pumunta tayo sa Zambales, sama mo yung buong barkada. Kahit 2 days lang."

"Mahal, marami pa kaming kailangan gawin ngayon e.."

"Gift mo na sa sarili mo to wifey, you need to rest." Sabi ni Ranz at yumakap nalang ako sa kanya.

"I love you wifey ko."

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon