Chapter 8

98 3 0
                                    

Chapter 8

Janet's POV

Pagka dilat ko ng mga mata ko, nakita ko agad si Nathan na nakayap sakin.
Hindi ko padin kasi hindi maiwasang mag tampo sa kanya, ilang months din kasi yon. At kung para pa sa kanya lalo syang mapapagod, dahil kailangan nyang mag turo pa ng ibang lesson bukod sa pinaka tinuturo nya ngayon. Grade 10 kasi sya ang klase nya pero yung kay ma'am Clare kasi grade 8 yung iba sa section nya.

At habang tinititigan ko si Nate, dahan-dahan din naman na bumukas yung mga mata nya at sya'y napatitig din sakin, "sorry." Bulong nya habang nakatitig at nakayakap sakin.

"Edi hindi na kita makakasabay sa pag uwi." Sabi ko at medyo teary eye na.

"Ilang months lang naman po, tapos balik na ulit sa dati." Yumakap nalang ako sa kanya. Hindi naman kasi ako sanay na nag kakatampuhan o nag aaway kami ni Nate.

Xyra's POV

Nag iimpake na kami ni Steven, dahil ngayon na yung araw na aalis sya. Ngayon na talaga yung araw na iiwan nya ako, kaya hindi ko din maiwasang umiyak habang tinutulungan syang mag empake, "Babe ako na mag iinpake nyan." at kinuha na naman ni Steven sakin yung mga gamit nya.

Kasi naman itong pesteng luha ko, tulo ng tulo. Halos karamihan tuloy sa mga gamit ni Steve halos may basa na dahil sa tulo ng luha ko. Dati pa naman kasi dapat aalis si Steven tapos di lang natuloy kasi sabi nya mag papakabait sya, tska may honor ako kaya ayun yung gift nya sakin, kaya kung pwede lang ngayon babalik ako sa pag aaral imamaster ko pa yung highschool wag lang umalis si Steven! Kaso naman kasi hindi pwede T___T  kahit na ganon hindi ko padin sya mapipigilang umalis.

After nyang mag empake ay isinara na nya yung dalawa nyang dalang maleta, bago at humarap na sakin, "Steven, wag kana umalis!" At niyakap ko sya ng sobrang higpit. Nakaready na ang lahat, pero ittry ko padin na baka hindi na sya matuloy.

"Xyra sorry, pero kailangan e. Di ba kasi yun din yung gusto ni daddy for me?!" Paliwanag ni Steve at tumango nalang ako.

Pag katapos ay lumabas na kami sa bahay ni Steven at sumakay na sa kotse, "ako na mag dadrive." Sabi ko at inunahan ko na syang sumakay para wala na syang choice, after nyang ilagay sa compartment yung mga gamit nya ay sumakay na din sya.

~||

Iniwasan ko ng umiyak after non, ayokong maging malungkot din kasi sya ng sobra before syang umalis. Before naman tong araw na to, inispend naman namin yung buong time na mag kasama. Kaya ngayon buong byahe hanggang sa pag dating namin sa airport ay iniwasan kong hindi umiyak sa harapan nya, kahit na sobrang hirap kasi hindi ko talaga kayang umalis sya ee...

"Babe alis na ko." Sabi nya habang hawak-hawak na yung passport at nakaipit nadin don yung plane ticket nya.

Ngumiti lang ako sa kanya at niyakap ko sya, "mag iingat ka don, Steve. Mahal na mahal kita." Sabi ko at bumitaw na sa pag kakayakap ko sya kanya. Tumalikod na din ako at nag lakad papaalis after non dahil hindi ko na kasi kayang pigilan yung luha ko, hindi ko kayang makita syang nag lalakad papaalis sa harapan ko.

At mga ilang hakbang palang ay lumingon ako para tignan si Steve, at nakita kong may tumulong luha sa mga mata nya kaya dali-dali akong tumakbo papalamit sa kanya para yakapin sya, "Mahal na mahal kita, and now I already miss you Steven!"
Sobrang higpit ng pag kakayakap namin sa isa't isa at hindi ko maiwasang mapa hagulgol ng iyak.

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon