Chapter 23

90 2 0
                                    

Chapter 23

Janet's POV

Nagising ako at naramdaman ko ang pag sakit ng ulo ko. Tumingin-tingin ako sa paligid, at nalaman ko na asa emergency room ako. Nakatayo sa gilid ko si Kuya Roco at si mommy, nang mapansin ni mommy na nagising na ako ay agad syang lumapit at kinamusta ako.

"Janet, kamusta kana?buong araw kang tulog." Nag aalalang tanong ni mommy ngunit hindi ko alintana yon dahil una agad na naisip ko kay ang anak ko at si Krishia.

Tumingin ako kay Kuya Roco na naka tayo sa gilid ni mommy, "kamusta na yung anak ko? Si Krish? Ano ng lagay nila? Gising na ba sila?" Sunod-sunod kong tanong kay Kuya Roco. Pero nag bago ang aura ng muka ni Kuya kaya't lalo ako nag alala.

"They both had severe head injury. state of coma ang lagay nila Krish and Ayesha. Masyadong malala ang nangyari sa kanila. Lalo na kay Ayesha." Lalo akong nanghina dahil sa ipinaliwanag na Kuya Roco. Naramdaman ko na namang tumulo ang luha ko.

"Mommy ko, kelan sila gigising?" Nanghihina kong tanong kay mommy habang patuloy na umaagos yung luha ko.

"Hindi alam ng doctor kung kelan sila gigising--- kailangan nalang daw hintayin ang pag gising nila."

Gusto kong umiyak ng umiyak, sobrang sakit. Bakit ba nangyayari sakin to? Bakit ba nangyayari sa pamilya ko to? Hindi naman ako masamang tao para mangyari sakin to. Hindi ko na kaya...

"Mom, gusto kong pumunta kay Ayesha, gusto ko silang makita." Sabi ko at tumayo na ako mula sa pinag kakahigaan ko. Tinanggal ko din yung dextrose na nakasalpak sa kamay ko.  Pero bigla namang dumating yung doctor at pinigilan ako.

"Ms.Janet, mas mabuti pong mag pahinga kayo makakasama po kasi sa baby nyo kapag nastress at mas napagod kayo." sabi nung doctor na lumapit samin matapos nyang makita na tinanggal ko yung dextrose ko at pinipilit na bumangon.

Napatingin naman ako kila mommy at kuya Roco, "totoo yung sinabi ng doctor Net, 13 weeks ka ng nag dadalang tao." hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mommy. Pero kahit hindi pa man yon mag sink ng maayos sa utak ko alam ko na nag sasabi sila ng totoo..

Pag lipas ng ilang minuto ay sila mommy na din mismo ang nag dala sakin kay Ayesha. Pinasakay nila ako sa wheelchair at tska dinala doon.

Pumasok ako sa kwarto kung san andun si Ayesha, sobrang kong nasaktan ng makita ang anak ko na nakahiga habang may mga kung ano-anong mga nakalagay sa katawan niya, na patuloy syang binubuhay gamit ng mga aparato na nakalagay sa gilid nya.

Lumapit ako sa kay Ayesha at tumabi sa kanya, hindi ko napigilang maluha. Kawawa naman yung baby ko, nang dahil sa pag aaway naming mag asawa ay nag kaganyan sya.  Ang dami nyang pasa at sugat sa katawan.

"Baby gising kana, andito na si mommy. Gising kana please, uuwi na tayo sa bahay." Sabi ko kay Ayesha habang hawak-hawak yung kamay nya. 

"Sabi mo kay mommy mag luluto tayo ng pancake, pero bakit natutulog ka padin? Baby naman ee.. Pinapaiyak mo si mommy, sabi mo sakin ayaw mong makita si mommy Janet mo na umiiyak.
Gising kana baby please. Halika na."  napayuko nalang ako sa tabi ni Ayesha.

"Alam mo ba baby sabi ng doctor kay mommy,  mag kakababy na daw si mommy. Magiging Ate na ang baby Ayesha ko. Kaya please. Gising kana Ayesha please. Wag mo ng paiyakin si mommy.."

Imperfect Love Story (MHSLS Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon