1:Here Comes Mortal World

1.1K 28 8
                                    


Dragona's POV:

(Year Passed)

It's been a year ago mula noong ininform kami ni Tita Hanrien na sa Mortal World na kami magka-college.

Bakit dun pa?! Were immortals! Anong saysay pa na mag-aral kami run?!

Heto ako! Nag-aayos ng gamit kasi mamayang 2am na ang oras para pumunta na kami sa Mortal World.Its already 9 pm.

By the way,ako pala si Dragona Phyra Delhott-De Fuego,18 years old at anak ako ni Lavalee at Fire De Fuego.Isa akong fire manipulator,fire queen,at isa rin akong fire salamander tulad ng kapatid ni Tita Hanrien na si Heat.Kung nagtataka kayo kung saan ako nakatira ay nasa Pearl Castle kaming lahat.

"Shhhh! Ano ka ba Dragona?Ang ingay mo!"-bigla pumunta ang lahat ng dugo ko sa utak nang magsalita ang pinaka mortal kong kaaway.

"Cheee!"-sobrang nang gagalaiti talaga ako sa Cool na yan.Kahit anak siya ng Prinsesa na soon to be reyna ay di ko papalampasin ang pagka stupido niya!

Nang tapos na akong mag-impake ay agad akong natulog para naman hindi ako haggard fes bukas no! Baka asarin naman ako ng Cool na yun!

(2am)

"Hayyyy,antok pa ko!"-reklamo pa ni Windy na halatang pagod na pagod pa.

Nandito kami ngayon sa harap ng Pearl Castle para hintayin ang sasakyan papuntang Mortal World.Nandito na si Windy,Hot,at si Heat.Di sana pinayagan si Heat pero napilit niya si Tita kaya nakasama si Bunso.Pero.....parang may kulang? Nasa'n pa si Cool?

"Oyy,hinahanap niya ko."-biglang uminit ang katawan ko at anytime ay pwede ko na tong ibuga.Nakalimutan ko na Mind Reader pala siya!Arghhh! Shets...

"Hindi no! Ayoko lang na ma delay ang pagpunta namin sa Mortal World."-inis-naban ko nalang si Cool na nakapamulsa ngayon.Yabang talaga!

"Oyyy,bakit ka naka red? Wala ka nabang alam na ibang color?Since birth kasi natin ay color red lang ang alam mong color.....Bwahahahaha!"-nagsimula ng maging pula ang mata ko na para bang Bampira pero di ako Vampire! Basta tinignan ko nalang si Cool mula ulo hanggang paa.Nilapitan ko siya with my head erect.

"Bakit?Ikaw?Asul lang ba ang alam mong kulay?Tignan mo nga sarili mo! Para ka nang dugyot na isda galing dagat.Mmm!"-aalis na sana ko nang hinawakan niyang ng napakahigpit ang braso ko.

Biglang nanlamig ang braso which is my great weakness.Napansin kong nag smirk si Cool at mas diniinan pa niya ang lamig sa katawan ko.Feel ko ang lamig niya at nagsisimula ng manghina ang katawan ko kaya napa groaned ako ng konti.

"Cool! Stop it!"-bigla nalang akong nahimas-masan nang binitawan ni Cool ang braso ko.Nakita ko na nasa harap pala sina Tita Hanrien pati na ang mga magulang namin.

Pumunta na ako sa place ni Windy at agad na tinignan ang braso ko.And I was......😮 so shock! Sobrang maga ng braso ko na parang black eye lang.Patay ka talaga sakin Cool!

"Okay,after 2 mins. ay dadating na ang sundo niyo papunta sa Mortal World."-introduction ni Mama Lavalee.

"At kapag nandun na kayo ay magbabago ang lahat."-parang tumindig ang balahibo ko sa sinabi ni Papa Fire.

"May rules kayo..."-tinuro naman ni Tita Jaynan si Tita Hanrien na sobrang seryoso ang mukha.

"Only one rule that changes your whole soul,life,manner,attitude,and social issues."-lumapit kaming lima kay Tita Hanrien na para bang nagtataka kung ano ang ibig sabihin ng katagang lumalabas sa bibig ni Tita Hanrien.

"Ano po yun?"-parang naging connected ang isip namin kasi sabay namin yung natanong.

"One rule is,you will act as a mortal."-halos nabulunan ako ng sarili kong laway.Umarte kaming parang mortal ayy este mortal talaga! Nakita ko rin na nabigla ang mga  kasama ko pero bago pa ko maka react ay....

*Totoootooott

Tama ba tong nakikita ko? Nakalutang na tren?!

Bigla nalang akong lumutang sa ere pati na ang apat kong kasama na halatang sobrang nabigla sa mga pangyayari.Ano to?!

Parang nahihilo ako kasi parang pinaglalaruan kami ng hangin at pinagbabaligtad-ligtad.

"Enjoy!"-sambit nilang lahat kahit na nahihirapan kaming lima sa ere.

Ahhhhhhhh! Hinihigop kami ng hangin papasok sa tren. Ang harsh naman nila! Tuluyan na nga kaming nakapasok sa tren at nabigla ulit ako nang biglang sumara ang pinto ng tren.Take note!Nakalutang parin kami kahit na nasa loob na kami.Bigla kaming pinaupo at nilagyan ng seat belt.Hayyyy...

*Shinggg!

Halos laglag ang panga ko at kaluluwa nang biglang umandar ang tren at sobrang bilis.Naiiwan yung kaluluwa ko sa hangin! Sobrang bilis naman nito!

(30 minutes passed)

"Passengers of Pearl Train,please be ready cause we almost reach our destination."

Di ko na napansin ang sinasabi ng harsh train na to! Parang nasusuka ako,Futtttaaa! Mga kasama ko rin ay parang lantang dahon na halatang nahihilo tulad ko.

*Bogbog

Lindol! Bakit lumilindol?! At......

Halos di ko na maigalaw ang katawan ko kasi parang sinasakal ako ng matinding kadiliman.Bat ang dilim? Di ko na talaga kaya ang sobrang kadiliman,kahit isang aninag lang kasi ay wala akong makita.

Nasusuka ako! Susuka na sana ako nang biglang sumakit ang mata ko dahil sa sobrang silaw na parang nagmumula sa napakalaking bola ng liwanag.Arghhhh! Ang sakit pa ng tyan ko pati pa mata ko!

*Blink *Blink

Tina-try kong ibuka ang mata kahit na sobrang sakit dahil sa ilaw.Napansin ko rin na tumigil nalang bigla ang tren kaya kinusot kusot ko ang mga mata ko.

Napatingin ako malapit sa bintana at....

Ang ganda...

Halos laglag ang lahat ng ngipin ko dahil sa nakita ko sa labas mula  sa bintana.Napalingon ako sa likod at napansin kong nakabukas na ang pinto ng tren.

"Guize,tayo na!"-nahimas-masan narin ang mga kasama  ko kaya agad na kaming lumabas ng tren upang salubungin ang napakagandang lugar.

Ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa makinis naming balat

Ang bawat tunog ng hayop na alam kong nasa paligid lang at nagmamasid

Ang bawat patak ng tubig sa napaka berdeng dahon

Ang napakagandang sapa na para bang tirahan ng mga isdang masaya sa kung ano sila

Ang nasa harap naming napakalaking bukirin na may magagandang palay

At sa likuran na kahit sa malayo ay naamoy ang napakabangong simoy ng bulaklak mula sa napaka eleganteng hardin.

"HERE COMES MORTAL WORLD!"-buong lakas kong sigaw na para bang nag e-echo sa buong paligid.

-----

Author's Note:

Ang harsh ng tren no?! Hahaha,okay lang.Mawawala rin ang pagka gago nun kapag nakita ang charisma ko,Charrotss!

Hahahahaha nahirapan ako sa last kasi parang gumagawa ako ng tula! William Shakespeare lang ang peg ko!

Basta,tuloy niyo lang ang pagbabasa para di kayo ma bored! HEHEHE,Joke lang Watty's. Yung nasa taas pala ay si Dragona yun.Kainggit ang ganda niya!

Just Vote and Comment

Thank You!

The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon