35: Hinagpis

107 0 0
                                    

Hanrien's POV:

Nang makatapak ako sa isla napagpasyahan kong ilabas ang buong pwersa ng kapangyarihan ko upang malabanan ang sumpa. Bahagya kung ipinikit ang aking mata at alam ko na dahandahang tumataas ang porsyento ng kapangyarihan ko.

"Ate..."

Biglang sumagi sa isipan ko si Heat.Ang tono ng boses niya na sumisigaw ng tulong.Hindi ko inisip ang mangyayari sakin at agad na nagtungo sa isla.Ililigtas ko ang kapatid ko!

"Isang taga ENCHANTIA! Handa!"-sigaw ng isa sa mga kampon ni Vlademus at agad na sinalakay ang kinatatayuan ko.

Agad agad ko silang pinatumba lahat at ngayon may hinahawakan akong isa upang malaman ko kung nasaan si Heat.

"Nasaan ang kapatid ko?!"- tanong ko habang nasa gilid ng kanyang leeg ang matulis kong espada.

"At bakit ko naman sasabihin?! Mamatay man ako di ko sasabihin!"-pagmamayabang at agad kong itatarak sa kanya ang espada nang pigilan niya ko.

"S-sige sige! Sasabihin ko na! Nasa bandang kanan ang kwartong pinaglagyan sa kanya! Pagliko mo ,iyan ang una mong makikita.Ayan! Bitawan mo na ako!"-sambit niya saken at bahagya akng napangiti at agad na ibinaon ang espada sa kanyang katawan.

Agad kong sinuong ang isang masikip na lagusan at nang mapagawi akong kanan ay nakita ko ang kwartong pinaglagyan ng kapatid ko.Sobrang daming alagad ni Vlademus ang nandirito ngunit hindi ko pinansin kung gaano sila karami, inubos ko sila agad agad at nang akma ko nang bubuksan ang kwarto ay biglang napatigil ako...

'ARFFFFF!'

'ROAAAAAR'

Isang malalakas na alulong ang naririnig ko kaya bahagya akong napalingon at di ko mawari kung bakit biglang nanigas ang buong katawan ko habang nakasandal sa pintoan ng kwarto.

Isang dalawang napakalaking lobo at tatlong magkadikit na ulong dragon ang nasa harapan ko ngayon.Napalunok bigla ako ng laway kase alam kong alagad 'to ni Thaimus at Joana na posibleng kumuha kay Dragona.

Papalapit ng papalapit sila sakin at akmang susugod na sila ay agad akong napapikit habang hinihintay ang aking katapusan.Alam kong nabuhay na ako sa pangalawang pagkakataon pero kapag tatlo na ,ewan ko kung kaya paba. I was waiting for a couple of minutes pero wala kaya agad akong dumilat at nabigla ako na masilayan ang nagkapirapirasong katawan ng dragon at lobo.

"Hanrien! Sa susunod, isama mo ko kase kapag sumuway ka ulit.Lagot ka saken!"-biglang sermon ni Kuya. Oo si Kuya Hance ang nagligtas saken kasama si Cool.Teka?!!!!!!! Ano?! Anong ginagawa ng anak ko?!

"Bakit sinama mo si Cool Kuya?!"-asik ko kay Kuya.

"Nagmana sayo...Tara na!"-agad na sambit ni Kuya at walang alinlangang binuksan ang pinto.Sana hindi pa huli ang lahat...

Nang masilayan ko ang kalagayan ni Heat agad akong napaluhod at di ko lubos maisip kung ano ang magiging reaksyon ko.Nanghina bigla ang buong sistema ng katawan ko habang pinagmamasdan si Heat na sobrang putla. Dahandahan akong lumapit sa kanya at nanginginig kamayng hinaplos ang kanyang mukha habang kasabay nito ang pagtulo ng aking luha.

"Heat...Kapatid ko? Uuwi na tayo.Iuuwi ka na ni ate,tumayo ka na."-pangiti ko pang sambit kay Heat habang mahigpit kong hinahawakan ang nanglalamig niyang kamay.

Walang sagot.Yun ang pinakamasakit sa buong pagkatao ko na wala man lang sagot si Heat. Sinuong ko naman lahat para makarating rito pero wala, bakit wala pa rin? Bakit anf unfair ng buhay? Bakit kapatid ko pa kung pwede namang ako nalang?! Bakit?!

Isang haplos ng kamay ang dumapo sa aking mga balikat at agad akong niyakap ng mahigpit.Si Kuya.Nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang hinagpis dahil si Heat ang isa sa nagpasaya ulit saming pamilya dahil siya ang bunso namin.

"Ma, gamitin natin kapangyarihan natin.Baka sakaling may maitulong ito."-sambit ni Cool habang inalis ang mga aparatung naka konekta kay Heat at dahan dahan rin nyang tinanggal ang karayom na nakatarak sa ulo ni Heat.

Sinubukan kong tignan si Heat ng malapitan kahet na sobrang kirot na makita ang dugo na umaagos mula sa kanyang ulo,ilong,at bibig.Nagfocus kaming tatlo at agad na pinagaling si Heat.Halos tatlong pagkakataon naming sinubukan pero walang kapanyarihang lumalabas kaya napayakap at napahagulhol ako ng iyak habang nakayakap kay Heat.

"Heat?! Kapatid ko! Bakit?! Kailangan mong gumaling upang makauwi na tayo! HEATTTTTTTT!"- sobrang sakit na di ko marinig ang pagpitik ng puso ng kapatid ko.Kahet anong pag-alog ko walang response man lang galing kay Heat.

*BLAAAAAG!

Napansin ko ang pagsipa ni Kuya ng malakas sa makinang nakakonekta kay Heat at winasak to ni Kuya ng todo todo.Walang sinasabe si Kuya pero nasisilayan ko ang galit niya sa nangyari habang umiiyak at pinagsusuntok ang pader.

"Mama, Tito Hance! Baka mag resist power ang kwartong 'to kaya di magagamit kapangyarihan natin."-bigla akong napatigil sa pag-iyak at nagkatinginan kami ni Kuya.

"Kailangan ilayo natin siya rito at pagalingin natin siya.Hindi natin pwedeng i-uwi na ganyan si Heat kase alam mo ang magiging reaksyon ni Ama at Ina."-nagpatango-tango ako sa sinabe ni Kuya at dahan dahang iniakay si Heat sa kanyang likuran.

"Kuya, hindi tayo pwedeng magteleport dahil sobrang layo."-naisingit ko.

"May alam akong paraan..."-sambit ni Kuya ata agad agad kaming lumabas sa kweba.

Hindi ko naalala ang paraan na naisip ni Kuya.Nakasakay kami ngayon sa tren nung pumunta rin kami dati sa Mortal World at sinakyan rin ng mga bata.Nasa tabi ko si Heat habang yakap yakap ko at hinaplos ang kanyang buhok gaya ng madalas kung gawin sa kanya noon.

Biglang tumigil ang tren pero di ko alam kung saang lugar kami napunta.Inakay ulit palabas ni Kuya si Heat at nagpatuloy kami sa paglalakad sa isang madilim na lugar.

"Alam kong di mo alam ang lugar na 'to Hanrien dahil mahigpit na ipinagbabawal ni Ina at Ama na may pumunta man rito maliban sa kanila.Pero kinakailangan nating labagin yun para kay Heat."-sambit niya at agad na pinahiga namin si Heat sa lupa na kung saan puno ng tuyong dahon.

Sinimulan na naming tatlo ni Kuya at ng anak ko ang pagpapagaling kay Heat.Halos lahat lahat ng pwersa namin inilabas namin mabalik lang ang buhay ng kapatid ko pero isang nanlulumong pangyayari ang biglang nagpahina sa aming tatlo na naging dahilan upang kami ay napaluhod at nawalan ng pag-asa.

"Ma? Bakit ganun? Maharlika naman ang dugo ni Heat kaya mapapagaling natin siya!"-napayakap ako bigla sa anak ko.Wala rin akong masabeng dahilan kung bakit,anak.

"Kinuha na ni Vlademus ang kapangyarihan at ang dugo ni Heat kaya sa ngayon isa na siyang mortal.Wala na sa dugo niya ang pagiging immortal."-paliwanag ni Kuya na naging dahilan upang maintindihan ko kung bakit di namin siya mapagaling.Hindi na siya immortal.

"W-wala...*sniff na ring pulso si Heat.."- parang natabunan ako bigla ng maraming bato dahil  nahihirapan akong huminga sa sinabe ni Kuya.

Matagal kaming naka-upo at humahagulhol sa iyak habang pinagmamasdan namin ang inosenteng mukha ni Heat. Bakit ganun? Wala man lang akong nagawa para iligtas si Heat? Bakit sobrang bilis ng oras? Bakit ?! Bakit sa dinami-rami sa mundong to,ba't kapatid ko pa?!

Napupuno ngayon ng galit at hinagpis ang puso ko dahil sa ginawa ni Vlademus.Ngayon,kailangan ko na ring gumawa ng mabigat na desisyon para bigyang hustisya ang pagkawala ng kapatid ko.Buhay ang inutang, buhay rin ang kabayaran. Tumayo na ako kaagad at naghanda upang magbalik na sa Pearl Enchantia upang malaman na nila Ina at Ama.

"Malulungkot ng sobra si Ina at Ama..."-pahinang sambit ni Kuya habang binubuhat si Heat.

"Kailangan nilang malaman at kailangan  na ring tapusin ang Vlademus na yan!"- naikuyom ng anak kong si Cool ang kanyang kamao habang binibitawan ang mga katagang yun.

"Sinusumpa ko si Vlademus sa lahat ng dugong nanalaytay sa ating pamilya na buhay niya ang magsisilbing kapalit sa pagkawala sa susunod na Hari ng Pearl Enchantia.Pagbabayaran niya ang lahat." -sambit ni Kuya Hance at sa kadahilanang pwede naming magamit ang teleportation ay agad na kaming nagbalik sa Enchantia.

The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon