24:Buhay

317 11 0
                                    

Dragona's POV:

It's been 1 week ago simula nung nagbakasyon kami dito sa Paradise Beach Resort.Kunting panahon nalang ay babalik rin kami sa Mansyon at sa aming boring school.

Bawat segundo ay sinusulit naming anim.Sobrang saya rin kasi sobrang close na namin ni Cool.Sabay kaming kumakain ng breakfast sa isang sea food buffet,sabay kaming nag si-swimming sa pool man o sa dagat,naglalaro rin kami minsan ng volleyball.

Halos wala kaming sinasayang na oras para magsaya.Lahat ginagawa namin na parang mga normal lang kami.Mas nagiging malaya kami mula sa gulo,sermon,awayan,at sakitan.Sana nga lang ay manatili kaming ganito hanggang sa dulo.

"Dragona? Ba't gising ka pa?"-sambit ng isang kilala kong boses na kahit di ko pa lingunin ay kilala ko na.

Nandito kasi ako sa baybayin habang nakaupo sa isang mahabang putol na puno.Naisipan ko kasing maghintay ng falling star at magpahangin.Sabi kasi nila rito na kapag may falling star ay pwedeng humiling at matutupad raw kaya sinusubukan ko.

"Wala lang..."-tipid kong sagot kay Cool.

May naramdaman akong kakaiba na dumampi sa balat ko.Isang makapal na jacket pala ang ipinasuot niya sakin.Sa totoo lang,sobrang lamig dito sa Resort at mas ramdam ko ito dahil naka sleeveless lang ako at shorts.

"Dragona,may problema ba?"-tanong niya ulit sakin pero this time ay nasa tabi ko na siya.

"Cool,nanaginip lang ba ako?"-pangiti ko pang pagbabalik tanong sa kanya.Ang baliw ko rin no!

"Dragona,kung panaginip lang 'to ay di mo masisilayan ng husto ang kagwapuhan ko."-banat niya pa sakin.Nawala tuloy ang pag ka kilig ko sa kanya.Charoot!

"Cool,malamig na ang panahon kaya huwag mo ng dagdagan."-pa snob ko pang sambit sa kanya.

Napansin kong di na nagsalita si Cool.Nabigla nalang ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay sa balikat ko,Si Cool pala.Napatitig ako sa cuteness niya.His pointed nose,seductive eyes,at sobrang refreshing na bango.Nakaka-baliw!

"Dragona,gusto mo ba ko?"-napalunok laway ako sa tanong niya.Wala man lang pause 'tong lalaking 'to!

"Kapag sinabi ko bang Oo,di mo na ako aasarin?"-nasambit ko pero dun ko pa naisip na bakit ko ba sinabi yun.

"Aasarin parin,ang cute mo kasi kapag na aasar.Para kang Panda."-mahinang sambit niya at dun nalang ang panginginig na buto ko kasi sobrang lamig ng hininga niya na parang gumagapang sa leeg ko.

"Huwag kang mag-aalala,Hindi ang sagot ko."-pahagikhik ko pang sagot kaya napatingin siya sakin na para bang naluluhang tuta.So Cute!!!!!!!

"Dragona naman eh..."-pagrereklamo pa niya na parang nagtatanong kung bakit hindi ang sagot ko.

Ewan ko ba sa sarili ko,I feel comfortable when I'm with him.Dahil sa cuteness niya ay di ko napigilang ma pinch ang ilong niya,nanggigil kasi ako.Parang Tomato na si Cool,ang pulang pula!Hahahaha. Hindi magkamayaw ang puso ko sa katatawa dahil parang kamatis na si Cool sa pula.

"Para ka talagang Kamatis!"-kutya ko sa kanya habang tawa ako ng tawa.

"Dragona...Para kang...Panda! HAHAHAHAHAHA!"-asar niya sakin kaya nag-iba ang expression ng mukha ko.

Nagpeace sign lang sakin si Cool pero umaarte siya na parang Panda.Napa 'arghh!' nalang ako nang mapansing kulay panda ang jacket na pinasuot niya sakin.

Di na ako nakatiis kaya pinagsusuntok ko si Cool pero di tumatalab sa kanya.Naghahabulan lang kami na parang bata dun.Naghahalong emosyon ang nasa isip at puso ko ngayon.Ang sarap pala kasama si Cool.

"Dragona! Cool!"-biglang tawag samin kaya napatigil kami sa paghahabulan.

Paparating si Windy at Hot ngayon sa kinatatayuan namin na para bang problemado ang mga mukha.Anong problema?May nangyari bang masama?

"Windy,bakit nandito kayo ni Hot?"-pangunang tanong ko kay Windy.

"Dragona...Cool...Kailangan na nating umuwi bukas."-mahinang sambit ni Windy.

"Diba may 2 days pa tayo?"-tanong naman ni Cool

"Oo,pero nagbago yun.Dapat mas maaga tayong makaka-uwi sa Mansyon dahil anytime ay lulusob sa atin ang mga Dark Enchanters upang kunin si Heat at pasabugin ang lugar na 'to."-sagot ni Kuya Hot na sadyang ikinabigla ko.

"Paanong may Dark Enchanters? Diba patay na si Hecate? Papaanong nabuhay sila?"-takang taka kong tanong.

"May sasabihin kami ni Windy sa inyo pero atin atin lang 'to.Okay?"-sambit ni Kuya Hot kaya nag thumbs kami ni Cool.

"Isa sa bumuhay ng mga alagad ni Hecate ay si......"-sambit ni Windy pero nag aalinlangan siya.

"Sino?!"-sigaw ni Cool kay Windy na ikinagulat nito.

"Si Vincent...."-sagot niya.

Biglang sumabog ang puso ko nang marinig ang sagot ni Windy.Siya? Bakit siya pa? Nagtiwala ako sa kanya dahil sa inosente siya kung titighan kahit mahangin minsan.

Pati si Cool ay di makapaniwala at napansin ko ang pagkuyom ng kanyang kamao.Sana nga lang ay di niya masaktan si Vincent,baka kasi may makakita.

"Nasaan yung mokong na yun?!"-pagwawala pa ni Cool pero pinigilan siya ni Windy.

Hindi nagpaawat si Cool dahil sa galit niya ay iwinaksi lang niya ang kamay ni Windy na ikinainis naman nito.Patuloy siyang naglakad palayo pero mayamaya pa'y bigla nalang siya lumutang sa ere at nahulog sa kinatatayuan niya kanina.

"Windy,ano ba?!"-asik ni Cool kay Windy.

"Cool,makinig ka muna please! Huwag kang magpapadala diyan sa galit mo!"-sambit ni Windy kay Cool.

"Windy,ano ba talaga ang nangyari?Bakit nabuhay ulit si Hecate?"-tanong ko.

"Dragona,hindi pa tuluyang buhay si Hecate dahil wala pa siyang nahahanap na katawan pero meron parin siyang taglay na malakas na kapangyarihan."-sambit ni Kuya Hot.

"Si Vincent ay may kakambal na Dark Side,siya si Vlademus.Hindi pa ito alam ni Vincent na may kakambal siyang isang sakim dahil pilit siyang inilalayo ng mga magulang niya sa kapahamakan."-paliwanag ni Windy.

"Ano bang pakay nila?"-tanong ni Cool.

"Si Heat ang gusto nilang makuha.Gusto nilang makuha ang dugo ng magiging susunod na Hari ng ikatlong Henerasyon."-sagot ni Windy.

"What's the purpose?"-tanong ko.

"Ang dugo ng isang katulad ni Heat ay isang napaka-uncommon na dugo.Isa rin siyang Fire Salamander at susunod na Hari kaya mas napapalakas nito ang kapangyarihan ng isang Enchanter."-paliwanag ulit ni Windy pero parang wala talaga akong maintindihan.

"Sana,walang mangyaring masama."

The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon