3:First Day

707 17 1
                                    


Yung nasa taas na picture ay si Elizabelle Venus.She is a Goddess of Beauty and Godmother of Cool Windchester.Hindi siya namamatay so ngayon ay nasa 900 years old na siya.

She's the most beautiful  girl.🎀

---------------------------------------

Dragona's POV:

*TRING! *TRING!

SOOOOOOO BULLSHIT! Ano ba kasi yang napaka-ingay na bagay na yan?! Nakakasira siya ng tulog! Sobrang puyat pa nga kami kahapon dahil sa paglilinis ng bahay tapos ngayon?Sisirain pang tulog ko?!

*TRING! *TRING!

ARGHHHH! ANO BA?! DI KABA TITIGIL HA?! MAMATAY KA NGA!

*Blag!

"Ouch! Ano ba Dragona?!"-naalimpungatan ako bigla sa narinig ko.Kinusot ko muna ang mata ko para maaninag ang paligid.Shocks....

Nasa harap ko ngayon si Cool,ang pinaka-ayaw ko sa lahat.Parang nakakasilaw naman siya habang ako tulala lang,naka-twalya lang siya at tanging baba lang ang natatakpan.Abs Attack! Parang nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa abs ni Cool.

Hindi tama yan,Dragona! Kaaway mo siya! Nagpapa-pansin lang yan sayo.

Iniwas ko agad ang tingin ko sa abs este kay Cool kasi baka isipin naman ng mukong na to na pinagnanasaan ko siya.Nakahawak siya ngayon sa noo niya,dun ko pa napagtanto na alarm clock pala ang nabato ko sa kanya kanina.Agad akong tumayo at kinaladkad siya palabas ng kwarto ko.

"Labas!"-tinutulak ko siya palabas pero pinipigilan rin niya ko.Mas malakas kasi siya no,siya kaya yung lalaki.

"Ano ba?! Ba't mo ba ko pinapalabas?"-reklamo naman niya habang pinipigilan niya ko sa pagtulak sa kanya.

"Magbihis ka nga muna! Laswa mo!"-patuloy parin ako sa pagtulak pero sadyang malakas siya kaya bigla niya kong natulak at.....

*Booogshh!

Arghhhh! Shit! Nag-iinit ako.Nasa ibabaw ko kasi si Cool at ako ang napailalim,sabay kasi kaming natumba kanina kaya sabay rin kaming bumagsak sa sahig.Nakatitig ako ngayon sa mata niya at ganun rin siya sakin.

Parang may electrical connection ang bawat mata namin.Sobrang gwapo pala niyang tignan kapag malapitan lalo pa kasi basa pa ang buhok niya,bagong ligo.Ano bang nangyayari sakin?Bakit may nararamdaman akong kakaiba na para bang ang hirap maipaliwanag?

Hoy! Dragona,tama na ang ilusyon!

Agad akong napatayo mula sa pagkakadagan kay Cool.Nang makatayo ay natumba si Cool,siya kaya yung nasa ibabaw.At......

"Ahhhhhhh! Labas!"-napatakip ako bigla sa mga mata ko.Sino bang di magtatakip ng mata kung nahubad bigla ang tuwalya na suot ng isang lalaki? Shit!

"Huwag mong kalimutan,it's our first day of school here in Mortal World."-alam kong nakalabas na siya dahil rinig ko ang pagkasara ng pinto.Nakahinga ako ng maluwag at tinanggal ang kamay na nasa mata ko.

Agad akong pumasok ng CR at tinignan ang sarili sa salamin.Ano kaya yung kanina?Anong pakiramdam yun? Inikot ko ang gripo at isinala ang tubig sa kamay ko at pinahid ang malamig na tubig saking mukha.

Matapos akong maligo ay agad na kong nagbihis ng uniform,nasa cabinet na lang kasi ang mga uniforms namin.Isang white long sleeves at may blazer pa siya na color gray at ang skirt naman  na above the knee ay checkered na gray.Agad ko ng sinuot ang uniform at infairness,ang ganda pala.Naglagay lang ako ng light make-up tapos kinuha ko na ang bag ko at bumaba na.

The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon