Hanrien's POV:
Matapos makakuha si Cool ng tyempo upang kunin si Heat ay agad ko na silang pinaalis dahil habol nila ang kapatid ko.
Sobrang lakas na halakhak ang umalingawngaw sa buong paligid. Si Vlademus ay biglang nag iba ang aura.Mas umitim at mas naging mabigat ang buong paligid.At kitang kita ko sa mata niya ang poot at galit. Ang hindi ko lang mawari ay kung bakit may kakambal si Vincent? Sa pagkakaalam ko ay isa lang ang anak nila Ryl at Vince.
Nagkatinginan lang si Vlademus at si Vincent.Alam nila na kapag may masaktan sa isa man lang sa kanila ay masasaktan ang isa.
"Ano ba Vlad?! Saktan mo ko! Yun naman diba gusto mo?! Ang makapaghigante samen! Sige! Saktan mo ko!" -buong tapang na sigaw ni Vincent.
"Haha! Iyan ba ipinagmamalaki mo Vincent?! Alam mo na kapag nakuha ko na ang dugo ng isang maharlikang si Heat ay di ko na kailangan maging konektado sayo. May sarili na akong buhay at makakasama ko na ulit ng buong buo si Lola Hecate. Diba ang saya?! Bwahahahahaha!"-sobrang nakakainis na sagot ni Vlademus.
Gusto naming lumaban ngunit naiisip namin na baka masaktan namin si Vincent kaya wala akong magawa.Si Ryl naman at Vince ang naiipit sa dalawa dahil parehong anak nila ang naglalaban.Ayaw nilang may masaktan na isa sa kanila.
"Ngayon Vlad, mas naiintindihan ko na hindi na ikaw ang Vlad na kilala ko, na kakambal ko!"-sigaw ni Vincent at nakikita ko ang maliit na butil ng luha na lumabas sa mata niya.
"Wala akong panahon para magdrama Vincent. Makukuha ko ulit si Heat at ako na ang magiging makapangyarihan sa buong Pearl Enchantia! HAHAHAHA!"-bigla nalang naglaho si Vlademus sa harap namin at nagbalik sa normal ang paligid.
Wala akong maisip na mabisang paraan para malabanan si Vlademus at ayoko rin siyang saktan dahil ikasasama yun kina Ryl at Vincent. Isip Hanrien! Isip! Mag-isip ka! Marami akong di maintindihan pero ang mas importante ay kung paano ko mapoprotektahan ang kapatid ko, paano ko matatalo si Vlademus, at paano ko pangangalagaan ang Pearl Enchantia?
"Dragona, sundan mo muna sila si Cool."-utos ni Lavalee kay Dragona.
"Sige po"-sagot ni Dragona.
"Tutulungan nalang kitang mag teleport Dragona upang mabilis mo silang mahahanap. At sa mga natira rito, kailangan na magbalik sa Enchantia"-singit ko para naman maprotektahan nilang dalawa ni Cool si Heat at matuunan namin ang Enchantia.
Bahagya kong hinawakan ang kamay ni Dragona at nag concentrate.Hindi ko alam kung nasaan sila Cool at Heat kase di ko masagap ang enerhiya mula sa kapangyarihan nila. Napag-isipan kong dahil sa mataas na parte ng Pearl Enchantia si Dragona malapit sa mga burol, yun ang una kong naiisip na puntahan nila Cool.
Nang makatapak na kame sa lugar ay iniwan ko na muna si Dragona kase kailangan ko ring magbalik sa Enchantia dahil baka umatake dun si Vlademus. Kailangan kong magmadali upang alamin kina Ryl at Vince ang totoong nangyari noon at kung bakit may kakambal si Vincent.
Agad akong umalis upang magbalik sa Pearl Enchantia.Pinatawag ko silang lahat sa Meeting Hall ng Pearl Castle.Tahimik ang buong Pearl Castle nang dumating ako.
"Ngayon sisimulan ko na ang pagtatanong."-pangunang sambit ko nang akoy maupo habang sila ay nasa paligid ko.
"Hanrien, anong gagawin natin ngayon?"-tanong ni Jurishia.
"Hindi na muna yan ang pag-uusapan natin.Gusto ko munang alamin ang buong pangyayari. Gusto kong kilalanin kung sino si Vlademus."-napako ang tingin ko kay Ryl at Vince.
"Nang ipinanganak ko si Vincent,akala ko siya lang ang pinagbubuntis ko ngunit ako'y nagkamali dahil may sumunod sa kanya.Halos pareho sila ngunit napansin ko na nagiging itim ang mata ng kakambal niya at nag-iiba ang paligid."-kwento ni Ryl.
BINABASA MO ANG
The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016
Fantasy(Book 2 of The Pearl Powerful Princess) Ano kayang kalalabasan kapag pinadala ang mga susunod na henerasyon nina Hance,Hanrien,Fire,Flame,Ice,Jaynan,Lavalee,Jurishia,Ryl, at Vince sa Mortal World para pagkasunduin at matuto ng leksyon tungkol sa tot...