Third Person's POV:
Naimulat na ni Dragona ang kanyang mga mata mula sa mahabang oras ng pagtulog.Tumayo siya at inayos ang higaan.Agad siyang nagtungo sa napakalaking bintana at dumungaw sa ibaba.
Pansin niya ang ganda ng lugar pero parang nakatago ito sa dilim.Naririnig niya ang musika mula sa ibaba at napapangiti siya habang pinagmamasdan ang mga taong palakad-lakad.
"Talia,anak.Mabuti't nagising ka na.Anong gusto mong ipahanda ko sa ating alipin?"-tanong ni Joana na Reyna ng mga Dragon.
Simula nung hinawakan ni Joana ang pisngi ni Dragona ay iniba na niya ang pananaw at alaala nito na kapangyarihan niya.Ibinalik niya sa katauhan ni Dragona ang anak niyang si Talia.Dalawang araw ang pagtulog ni Dragona.Ngayon, ang nasa isip niya ay siya si Talia.
"Ina, gusto kong ipahanda ang aking espada at ako'y magsasanay na para sa paghaharap namin ni Logan."-sagot niya kay Joana.
"Sige anak, aking ipahahanda ang iyong espada.Pumunta ka nalang sa baba para sa iyong pagsasanay."-sambit ng kanyang ina at lumabas na ng kawarto.
Naghanda na si Talia para sa kaniyang pagsasanay.Matapos niyang magbihis ay sinubukan niyang palabasin ang kapangyarihan niya.Napangiti siya nang may lumabas na apoy galing sa palad niya.Bumaba na si Talia para magsanay.
***
"Ikinagagalak ko po ang inyong pagbabalik, mahal na Prinsesa Talia."-bati sa kanya ng tagapagsanay na si Ramon.
"Bakit Ramon,nawala ba ako? Bakit mo natanong? Diba araw-araw tayong nagsasanay."-natigilan si Ramon at napalunok ng laway dahil sa tanong ni Talia.
Mahigpit kasing pinagbabawal ni Joana at Thaimus na sabihin kay Talia na siya talaga si Dragona De Fuego at di si Talia.
"Ahmm... Ibig ko pong sabihin na pagbabalik sa pagsasanay."-palusot niya.
"Salamat Ramon.Ngayon? Pwede na ba tayong magsanay?"-striktang tanong ni Talia.
Pati ugali at pananalita ni Dragona at nabago sa katauhan ni Talia.Kung dati ay magalang si Dragona, ngayon ay magpagka suplada na.
"Sige po, mahal na Prinsesa."-sagot nalang ni Ramon at sinimulan ang pagsasanay.
Habang tumatagal ang pagsasanay nila Talia at Ramon ay mas nadadagdagan ang lebel ng lakas, husay, at talas ng isip ni Talia sa pakikipaglaban kasi mas naaangat na siya ngayon kay Ramon.Sobrang bilis ni Talia sa paggalaw at mabilis siyang nakakaiwas sa atake ni Ramon.
"Mahal na Prinsesa, ang lakas niyo na."-bati ni Ramon kay Talia.
"Sa tingin mo Ramon, kaya ko na bang labanan si Logan?Mapapatay ko na ba siya?Makakaganti na ba ako sa pananakit niya sakin?"-tanong ni Talia kay Ramon na ikinabigla niya.
Nalilito si Ramon sa isasagot niya kay Talia.Inaamin niyang tapat siyang naglilingkod sa pamilya ni Talia pero di naman niya maaaring hayaan o pabayaan ang pinsan niyang si Logan.Nagkakilala kasi si Talia at Logan dahil kay Ramon.Matalik na magkaibigan si Ramon at Talia pero pinsan naman ni Ramon si Logan.
"Ramon, matagal na tayong magkaibigan.Alam kong pinsan kayo ni Logan pero alam mo rin kung paano niya ako sinaktan.Masakit yun pero kinaya ko Ramon!Kinaya ko!"-sambit ni Talia kay Ramon at di na naiwasang maluha.Napabuntong-hininga nalang si Ramon.
"Talia, walang magandang naidudulot ang pagganti.Kaibigan kita at ayokong masaktan ka at manakit."-pangaral niya kay Talia pero inisnaban siya nito.
"Ramon, nung nagpaulan ba si Bathala ng kabaitan ay sinalo mo lahat? Parang walang galit yang puso mo.Di mo ba naranasang magalit man lang ng kunti?"-tanong ni Talia kay Ramon kaya napatawa ito.
"Siguro..."-tanging nasagot ni Ramon sa kaibigan niya.
Agad na inayos ni Talia ang damit niya.Nagtaka si Ramon sa ginagawa ng Prinsesa.Kapag nag-ayos na kasi ito ay ibig sabihin nun na tapos na ang pagsasanay at aalis na ito.
"Prinsesa, saan ka pupunta? Di pa tapos ang pagsasanay natin."-nagtatakang tanong ni Ramon.
"Gagawin ko na ang nararapat kong gawin.Mauna na muna ako sayo Ramon."-sagot nito at umalis na.
Hindi nakapagsalita si Ramon.Nagtataka siya sa ibig sabihin ng sinabi ni Talia.Maraming mga dahilan na bumabagabag sa isip ngayon ni Ramon kaya si siya mapakali at palihim na sinundan ang Prinsesa.
----------------------------------------------------
Author's Note:Alam ko po na naguguluhan kayo kina Talia,Logan, at Ramon.
CLARIFICATIONS
-Ramon
Si Ramon po ay anak ng kapatid ni Arviana na si Agatha.Si Agatha ay naging alipin nila Thaimus at Joana.Namatay si Ramon nang tangkain niyang ibahin ang kapalaran nito.Nabuhay siya muli sa katauhan ni David na anak ng kaibigan ni Joana pero mas pinili niyang maging Ramon nalang.-Talia
Si Talia ay kilalang Prinsesa na anak ni Reyna Joana at Thaimus.Namatay ito dahil sa pagmamahalan nila ni Logan.Kinuha ni Bathala ang buhay niya at ibinalik ulit sa katauhan ni Dragona De Fuego.Hindi na nakuha nila ni Joana at Thaimus si Dragona dahil di sila nakakapasok ng palasyo ng mga Pearl dahil wala silang pahintulot.Di rin alam ni Dragona ang tungkol dito at pinipilit itong itinatago nina Lavalee at Fire.
-Logan
Si Logan ay kilalang anak ni Arviana at Craven.Namatay rin siya dahil sa pagmamahalan nila ni Talia.Binawi ni Bathala ang buhay niya at ibinalik sa katauhan ni Cool Windchester. Ginawang tangapangalaga si Arviana at Craven kaya umigting ang inggit ni Joana at Thaimus.Pinatugis nila si Arviana at Craven pero di nila alam na may kakayahang kakaiba si Cool at yun na nga ang paggawa niya ng bagong mundo na kung saan kasalukuyang nakatira sila dun.
Gets niyo na? Resurrection sila Cool,David, at Dragona nina Logan, Ramon, at Talia.
Just Vote & Comment
Thank you
BINABASA MO ANG
The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016
Фэнтези(Book 2 of The Pearl Powerful Princess) Ano kayang kalalabasan kapag pinadala ang mga susunod na henerasyon nina Hance,Hanrien,Fire,Flame,Ice,Jaynan,Lavalee,Jurishia,Ryl, at Vince sa Mortal World para pagkasunduin at matuto ng leksyon tungkol sa tot...