Windy's POV:
HALOOO! Ako na naman ulit.Sensya na ha,ako muna ngayon.
Makulimlim na ang kalangitan ngunit di pa dumarating sina Cool at Dragona kaya kaming apat lang ang nandidito sa isang
Restaurant na puro grilled foods lang ang sini-serve.Naisipan kasi ni Hot at Heat na dito kami gumimik at kumain ng dinner kasi masarap daw.Kaso nga lang,wala pa ang dalawa.
"Hot,tawagan mo nga sila Cool."-sambit ko kay Hot na kanina pa naiinip at panay inom ng tubig.
"Sige..."-walang ganang sagot ni Hot at nag dial.Sa tingin ko ay kausap na niya si Cool.
"Ano na?"-tanong ko.
"Papunta na raw."-sagot pa niya sabay subsob ng mukha sa table.
Halos 5 minutes na kaming naghihintay at after 1239374749291272 years ay natanaw ko na mula sa malayo si Dragona with...........COOL?! Himala na ba tong nakikita ko?! Magkasama sila?!
Napatakip ako ng bibig dahil sa pagkabigla.May pa hampas hampas effect pa 'tong si Dragona kay Cool at akbay naman kay Cool para kay Dragona.Gugunaw na ba ang lahat? May amnesia ba sila? Sa pagkaka-alam ko ay ni minsan ay di sila nagkasundo.Anong nangyari?!
"Nilalagnat ka ba Cool?"-di rin makapaniwalang tanong ni Hot.
"Ikaw ate Dragona? Mamatay ka na ba bukas?"-banat rin ni Heat sa dalawa habang ako ay speechless lang.
Infairness,may spark rin 'tong dalawa! Teka...sino bang kay Dragona talaga? Si Vincent or si Cool? Kung si Cool,sobrang gwapo pero masungit then kung si Vincent naman ay gwapo pero parang ang hilig mag sikreto.Hay....Kalito naman!
*Boog!
Nabigla kaming lima sa narinig naming malakas na tunog.Pati ibang tao ay napansin yung tunog at panay tingin samin.Anong nangyari kay Vincent? Nagseselos ba siya? Hinampis kasi ni Vincent ang mesa kaya nagkaroon ng malakas na impact then nag walk-out.Haba na talaga ng hair ni Dragona,lahat nalang sa kanya na.Di naman maikakailang,sobrang ganda at HOT pa niya.Nakakatomboy!
"Ahmm,kain na tayo?"-pagbabasag ng katahimikan ni Cool.
"Eh,paano si Vincen...?"-pagsasalita ni Dragona pero napansin kong natigilan siya.Kita ko rin ang pagka-bad mood ni Cool.Anong meron sa dalawa? Huwag nilang sabihing.......WAHHHHHHH!
"Kakain rin yun kapag nagutom."-sagot ko with matching kilig-kilig effect.Panay kurot naman sakin si Hot kasi ano daw ang nangyari sa dalawa.
"Sige na nga,ikaw na umorder Heat.Please."-sambit ni Dragona at agad namang tumayo si Heat.
Umupo na kami ng maayos at mga after 6 minutes ay dumating na ang order namin,ganda rin ng restaurant kasi UnliRice pero alam naming masama kapag sobra na at ayaw naman naming tumaba.Matapos naming kumain ay may free dessert pa na Salad kaya sobrang busog na busog kaming lima.
Minsan nga napapa-isip ako na bakit di kami ganito ka close dati?Masaya rin pala na hindi kami nag-aaway at mas lalo akong napapangiti habang tinititigan ang dalawa na sobrang close na.Kami naman ni Hot ay wala pa namang away na nagaganap kaya safe pa siya ngayon sa bagsik ko.Si Heat naman ang kawawang great wall sa pagitan naming apat para di magkasakitan.Salamat talaga sa araw na to! SOBRANG SAYA! Sana manatili kaming ganito.
"Windy,what if maglagay tayo nung parang apoy tapos lalagyan ng kahoy then mag ci-circulate ang magkakaibigan.Yung napanood ba natin sa TV ba?"-sambit ni Hot kaya napaisip ako ng bahagya.NICE IDEA!
"Good idea,Hot! Bumuo tayo ng Camp Fire dun sa baybayin tapos dun tayo mag-uusap ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay natin as a normal person.Walang powers,walang rules or law na sinusunod,at kikilalanin pa natin ng husto ang bawat sarili natin.Okay ba?"-tanong ko sa kanila at kitang-kita ko ang ngiti nila.
BINABASA MO ANG
The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016
Fantastik(Book 2 of The Pearl Powerful Princess) Ano kayang kalalabasan kapag pinadala ang mga susunod na henerasyon nina Hance,Hanrien,Fire,Flame,Ice,Jaynan,Lavalee,Jurishia,Ryl, at Vince sa Mortal World para pagkasunduin at matuto ng leksyon tungkol sa tot...