37.Anger

254 6 1
                                    

Cool's POV:

Nakapanlulumo ang mga bumubungad sa aking harapan ngayon. I was so down while looking the very devastated Pearl Enchantia. Pansin ko ang galit sa mata ni Mama habang sinusuri ang kalagayan ng ibang Enchanter na nasawi.

"Mahal? Ano bang pagkukulang ko? Hindi naman ganito dati..."-sambit ni Mama sabay yakap kay Papa.

It's painful staring at your mother while crying just because of one person.I'm not a good son but I won't let anyone touches my family.Nawalan na kami ng isang pamilya, ayokong madadagdagan pa. Vlademus! Magtutuos tayo at kahit buhay ko pa ang kapalit, lalaban ako.

"Teka...may nararamdaman akong malakas na enerhiya."-sambit ni Papa kaya naging alerto kami.

May mga tunog kaming naririnig.Parang...mga ibon? Agad kaming napatingala at kahit nasa estado kami ng pagkabahala ay bigla nalang akong na amaze sa aking mga nakikita.Parang mga anghel galing kay Bathala.

"Kay Haring Craven ang mga alagad na yan..."-sambit ni Mama na ikinabigla ko.

"Salamat mahal na Reyna at ako'y inyong naalala"

Napalingon ako bigla at sobra akong namangha sa lapad ng pakpak ni Haring Craven o mas kilala bilang Ama ko sa katauhan ni Logan. Nasa likuran rin niya si Reyna Arviana na agad akong sinunggaban ng mahigpit na yakap. Nang makita nila si Papa at Mama ay agad silang yumuko at ganun rin sila Mama at Papa sa kanila.

"Sino bang di makakaalala sa mga makapangyarihang tagapangalaga ng aming anak."-pangiting sambit ni Papa at binigyan ng yakap si Haring Craven.

"Mahal naming Hanrien at Ice, narito kami'y upang tumulong sa pagpuksa sa kasamaan ni Vlademus. Alam ko po na malalakas po kayo pero sana hayaan niyo po kaming tumulong."-sambit ni Reyna Arviana kay Mama na agad namang tinanggap ng isang nigiti.

"Oo, maaari kayong tumulong pero ipangako niyo sakin na walang dapat masaktan sa inyo."-may halong pagkabahala sa mukha ni Mama habang nagbabasbas kay Haring Craven at Reyna Arviana.

"May ibabalita rin po kami sa inyo, kung napapansin niyo po kanina kaya po ako nagpadala ng maraming lawin at nagpadala si Arviana ng mangkukulam ay...pinupunterya po ngayon ni Talia ang Pearl Academy."-biglang nagliwanag ang buong katawan ni Ina nang marinig ang balita mula kay Haring Craven tanda ng sobrang galit.

"MA! AKO NA! Haharapin ko po si Talia. Kayo na pong bahala kay Vlademus."-singit ko at agad na umalis kase alam kong pipigilan ako nila.

---

Sinamahan ako ng ibang Lawin at mangkukulam sa Pearl Academy at nang makarating ako ay halos nawalan ako ng balanse sa aking kinatatayuan. Malaking parte ng Pearl Academy ang tuluyan ng nawasak at ang ibang Enchnaters ay patuloy sa pakikipaglaban sa mga alagad ni Vlademus.Nasaan kaya si Talia..

My eyes widened nang makita ang pinagkakagawa ni Talia. Sinasaktan at pinapahirapan niya ang mga batang Enchanters. How rude is she?! Bigla kong naikuyom ang aking mga kamao at mabilis na tinungo ang kanyang kinalulugaran.

"Stop it!"-agad kong asik sa kanya nang akmang sasaktan niya ang bata pero natigil 'to nang sumigaw ako.

"Well... Logan! Magpapakita ka rin pala.Pasensya na ha? Kailangan ko ng sirain ang pinakamamahal nyong paaralan..."- makikita sa mukha ngayon ni Dragona na naging Talia na siya,galit na Talia.

"Unang-una, hindi ako si Logan.Oo! May parte ako ng buhay ko na ako si Logan pero ngayon ako si Cool Windchester! At ikaw, Dragona ang pangalan mo! Hindi Talia!"- bulyaw ko sa kanya para matauhan siya at maibalik ko si Dragona.

"Tumigil ka?! Ako si Talia! At ngayon, maghihigante ako laban sayo Logan! WAHHH!" -nagpalabas siya bigla ng fire balls na agad kong sinangga ng mga water arrows.

"Lumaban ka ng patas, Talia!"- agad niyang kinuha ang espada niya na naglalagablab at akmang itatarak niya sakin pero nakailag ako at binunot rin ang regalo sakin ng amang Hari na espada na mula pa sa Diyos ng Tubig.

Nagkatinginan kami mata sa mata. Apoy laban sa tubig at tubig laban sa apoy. Nakikita ko ang nag-aalab na aura ni Talia at di ko rin mapigilan na ipakita sa kanya ang tunay na Cool. Siya ang unang sumugod ulit sakin at...

Bakit biglang nag slomo ang paligid? KUMILOS KA COOL! Habang tinitigan ko ang papalapit na si Talia may mga imaheng lumalabas sa isip ko, mga imahe noong masaya pa sila ni Logan. Mga kwentuhan ng dalawa, mga pagsasanay, sabay kumain at magkasamang natutulog sa gabi habang magkahawak ang mga kamay--------

*AKKKK!

Di ko namalayan na naitarak na pala ang espada ni Talia sa dibdib ko at binunot pa niya ito ulit at pansin ko ang pagtulo ng dugo mula saking bibig,para akong nahihilo. Tinitigan ko ang mukha niya, I saw the extreme anger on her face while also looking at my eyes.

"Ta-talia? Ba't mo nagawa 'to kay Logan?"- naitanong ko pa sa kanya kahet na sobrang hilong hilo na ako.Di pa ako pwedeng mamatay dahil ibabalik ko pa si Dragona.

"Hindi mo alam?! ...
  Sinaktan niya ko?! Sinaktan niya ang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin at ipaglaban siya hanggang sa huli!"- biglang nanlambot ang puso ko nang makita ang patak ng luha mula sa mata ni Talia.

"Talia...naalala ko ang mga alaala ni Logan pero hindi sa parte na sinaktan ka niya."-sambit ko kase wala naman akong maalala na sinaktan niya si Talia pero alam ko na may galit si Talia sa kanya.

"Paano mo maalala kung ni minsan wala ako sa kanyang mga alaala?...Ano bang kulang? Ginawa ko lahat para manatili siya kahit na alam kong di kami pwede pero pinaglaban ko...Di ako bumitaw kase ang akala ko hihigpitan pa niya ang kapit pero... pero siya na mismo ang kumawala."- napaluhod si Talia sa harapan ko habang patuloy lang sa paghikbi.

"Talia...pwedeng tumigil ka na? Huwag kang maghigante dahil sarili mo lang sinasaktan mo, sa tingin mo maibabalik mo pa ang dating kayo? Tatlong siglo na ang lumipas Talia at hindi na ikaw si Talia, kay Dragona na yan. Mahal ko ang nakakubli sa katauhan mo ngayon. Paki-usap Talia...hayaan mo kaming sumaya."- bahagya akong lumapit sa kanya at akmang hahawakan ang kanyang kamay nang...

"Huwag mo kong hahawakan! Hayaang sumaya?! Samantalang ako nakakulong sa sobrang kalungkutan?! Bakit?! Bakit ako magiging malungkot kung pwede ko naman kayong paghigantihan?!"- napaatras ko at napangiwi dahil humahapdi at kunikirot ang sugat na nasa dibdib ko.

"Hindi sayo ang katawan na yan! Kay Dragona yan Talia!"- bungad  ko sa kanya pero mas umigting ang galit niya sakin.

"AKO SI TALIA! AKIN TO! AKO TO! AT WALA NA SI DRAGONA!"- kinuha niya ang kanyang espada at nilapitan ulit ako.Mahihirapan akong lumaban dahil nanginginig ang katawan ko dahil sa sugat pero di ko naman hahayaang di ko maibalik si Dragona.

"WALA NA SI TALIA KAYA TUMIGIL KA NA!"-kinuha ko ang aking espada at pinilit na tumayo.

Naglaban kami gamit ang aming mga matutulis na espada upang patas lang. Inaamin kong mabilis siyang gumalaw pero kailangan ko rin siyang sabayan dahil gusto kong ibalik si Dragona. Para siyang kidlat kung kumilos at pati paghawak ng espada ay pulidong pulido siya. Bawat paggalaw ko nasusundan niya.

Palipat-lipat kami ng lugar na pinaglalabanan.Nahihirapan akong masugatan siya dahil mabilis siyang nakakailag.Habang tumatagal ay mas umiigting ang labanan naming dalawa at namamanhid bigla ang katawan ko kaya nabitawan ko ang aking espada.
Paparating na siya sa kinatatayuan ko at nahihirapan na akong maabot ang aking espada kaya ginawa ko ang sa tingin koy solusyon para maibalik ko ang mahal ko.

Niyakap ko si Talia habang ang mga labi ko'y nakadampi sa malambot niyang labi. Hindi ko inisip ang sakit dahil ang nasa utak ko maibalik ko lang ang mahal ko.Bahagya siyang napaatras at ako'y parang nakalutang sa hangin na tila ba wala na akong nararamdaman hanggang sa naging mabigat na ang aking mga mata na pinipilit na itong pumikit.


The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon