Dragona's POV:
Arghhh! Nakakasilaw! Nagising nalang ako dahil sa silaw mula sa sikat ng araw,nakabukas kasi ang kurtina ng kwarto ko kaya nasisilawan ang mata ko.Teka...Paano ako nakapunta sa kwarto ko?! Diba nag-usap lang kami ni Tita Belle kahapon then andito na ko sa kama ko?!Paano niya ko nabuhat?
Pinilit kong bumangon at aalahanin ang nangyari kahapon sa garden.Habang nag-iisip ako ng mga bagay-bagay ay agad namang dumaan sa isipan ko ulit ang ginawa ni Cool.Binuhusan niya ko ng juice para lang sa babaeng yun?! Sa halos 18 na taon naming magkasama kami,simula noong isilang kami ay parati na kaming nagsasama.
Bumagsak ulit ang luha ko habang iniisip ang ginawa sakin ni Cool.Inaamin kong palagi kaming nag-aaway pero masakit sakin na makita na ang isang taong nakasama mo simula bata pa ay naging dahilan upang mapahiya ka sa lahat ng tao.Sino ba naman ako sa buhay ng isang Cool the Cassanova,kundi isang hamak na kaaway lang naman niya!
*Knock! Knock!
"Dragona? Gising ka na ba?"-rinig kong boses galing sa pinto.Si Kuya Hot.Nagpunas ako ng luha kasi ayokong makita niyang ganito.
"Pasok lang Kuya! Nakabukas yan!"-lakas loob kong sambit at umayos ng upo.
Bumukas na ang pinto at nakita ko si Kuya Hot na may dalang tray ng pagkain at gatas.Para namang may sakit ako nito.Alam kaya ni Kuya Hot ang tungkol sa sinabi ko kay Belle?Agad niya namang inilapag sa kama ang tray at nginitian ako.
"Okay ka lang,Dragona?"-derechong tanong ni Kuya Hot kaya napatigil ako sa pag-inom ng gatas at ibinalik ito sa tray.
"Okay naman..."-sagot ko kay Hot pero napayuko ako dahil ayokong malaman niyang namumuo uli ang luha ko.
"Alam mo,Dragona?Sabi nila,kapag sinabi ng babae na okay lang siya ay di yun totoo.Hindi nalalaman sa salita ng isang tao ang tunya na nararamdaman nito kundi sa mga mata nito."-natagimik ako sa sinabi ni Kuya Hot.Nabigla ako nang itaas niya ng bahagya ang mukha ko kaya nakatingin ako sa kanya ng harap-harapan.
"Kuya,diba palagi kayong nag-aaway ni Windy?Bakit minsan ay nakukuha niyo pang magkabati?"-tanong ko sa kanya.Bahagya naman siyang umupo sa tabi ko.
"Minsan kasi napaparamdam ng isang tao ang pag-aalala niya sa tao sa pamamaraang may galit.Anger is the best way to hide true concern or feelings to someone."-quoted naman ni Kuya Hot.
"Pero Kuya...Kung pinahiya ka sa harap ng lahat...Concern paba tawag dun?"-tanong ko.Naramdaman ko ulit ang pagbagsak ng luha ko kaya napailing ako at pinahiran to.
"Alam ko Dragona kung anong pakiramdam ang napahiya.Minsan talaga ang buhay,mapaglaro kaya maki-ride ka nalang.Revenge?Gusto mo?"-napaisip ako bigla sa sinabi ni Kuya Hot.Revenge?Ba't di ko naisip yun?Pero,masama ang paghihiganti.
"Masama ang paghihiganti,Dragona.What I mean is A Friendly Revenge or Sweet Revenge,yung tipong nakakagawa ka ng mga bagay in a good way pero at the same time nakakapaghiganti ka na."-explain naman ni Kuya.Napaisip tuloy ako kung anong dapat na gawin para sa Sweet Revenge ko.AHA! May naisip na kong balak kong paghihiganti kaya namutawi sa labi ko ang saya.
"Parang may naisip ka na ha?Mag-ingat ka,Dragona.Mahirap kalaban ang isang cassanova."-advice pa ni Kuya pero mas lumapad pa ang ngiti ko.
"If he is the Cassanova,I am his opposite the Amazona.Kung kaya niyang paibigin lahat ng babae,kaya kung maging baliw sakin ang mga lalaki.Just watch and learn."-nakangiti kong sambit kay Kuya na ngayo'y nakangiti rin.
"Just eat,para naman may lakas ka para sa Operation:Sweet Revenge mo.Hahahaha!"-natatawa pa niyang sambit sakin saka sabay na kaming kumain ng dinala niyang pagkain para daw ganahan ako.
BINABASA MO ANG
The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016
Fantasy(Book 2 of The Pearl Powerful Princess) Ano kayang kalalabasan kapag pinadala ang mga susunod na henerasyon nina Hance,Hanrien,Fire,Flame,Ice,Jaynan,Lavalee,Jurishia,Ryl, at Vince sa Mortal World para pagkasunduin at matuto ng leksyon tungkol sa tot...