Third Person's POV:
"Alam mo Vlademus,kapag nakalabas ako rito! Papatayin kita!" -nanggagalaiti na sa galit si Heat habang pinipilit na ipalabas ang kapangyarihan niya.
"Kahet magsisigaw kapa dyan,walang makakarinig sayo! HAHA!" sa lakas ng tawa ni Vlademus ay naririndi na si Heat.
"Ililigtas ako ng mga kapatid ko!"
Napatingin si Vlademus sa orasan at napangiti ng bahagya.Lumapit siya kay Heat habang nakapamulsa.Sobrang galit ang makikita sa mata ni Heat habang sinusundan ang bawat paghakbang ni Vlademus.
"Wala ng oras, Heat. Walang magliligtas sayo dahil ubos na ang oras mo. Ngayon,sisimulan ko na ang pagkuha sa buong kapangyarihan mo at magiging makapangyarihan na ako sa buong Enchantia, Bwahahahaha!" hinimas-himas pa ni Vlademus ang makinang gagamitin niya.
Sinusubukang sirain ni Heat ang pinaglalagyan sa kanya ngunit wala itong epekto.Napaluhod nalang siya habang nakatitig sa makina kung saan siya ilalagay anumang oras.
"Pero may kailangan ka munang makita munting Prinsipe..."- napataas ng ulo si Heat nang biglang nagbukas ang pinto.
Nanlaki ang mata niya nang makita ang isang pigura ng babae.Ang babaeng ito ay bahagyang lumapit sa kanya at tinitigan siya ng mata sa mata.Kahit saang anggulo ay alam niyang totoo ito ngunit parang may mali kaya biglang naningkit ang mata ni Heat.
"Ate D-dragona?" -nabigla ang babae sa sinabe ni Heat pero nagbalik ito sa normal.
"Ako si Talia, hindi Dragona."-tipid nitong sambit sa kanya na sobrang ikinabigla ni Heat.
Alam niya ang tungkol sa nakalipas na tatlong siglong henerasyon dahil napag-alaman niya ito nang dahil siya ni Cool sa tagong lugar na kasabay rin nung mga panahong yun na dating si Logan si Cool. Kilala niya si Talia dahil ito ang nakatakda noon kay Logan kaya halos hindi siya makapaniwala na ang kaharap niya ngayon ay si Dragona pero ang alam nito ay siya si Talia.
"Dragona?"-naisingit ni Vlademus.Hindi masyadong pamilyar si Vlademus kay Dragona.
"Vlademus?! Anong ginawa mo sa kanya?!"- sigaw na tanong ni Heat na nagpasobra sa kanyang galit.
"Vlademus?..."-tanong ni Talia.Naguguluhan si Heat sa mga nangyayari.
"Oo Talia, ako si Vlademus.Hindi ko muna ipinaalam sayo nung nasa mansyon pa tayo. Uunahin muna natin tong isang Prinsipe ng mga Good Enchanters dahil nagtataglay siya ng malakas na kapangyarihan kaya babawiin natin 'to para matalo natin sila."- pangising sambit ni Vlademus at sinimulang ihanda ang makina.
"Mabuti kung ganun upang mawala na silang lahat sa buhay ko."-halos di makapaniwala si Heat sa naririnig niya mula kay Talia na nasa katawan ni Dragona ngayon.
"Handa na..."
Nagsisimula ng umandar ang makina.Kailangan nalang nitong ilagay sa higaan si Heat upang masimulan ang proseso.Nagsisipasok na rin ang ibang alagad ni Vlademus sa kwarto upang pagtulongang ilagay si Heat habang si Talia naman ay nasa gilid lang at nakamasid.
Nakagapos ngayon si Heat at di nito magagamit kapangyarihan niya dahil sa hinihigop ito ng resist power na nasa kwarto. Pinagtulungan ng mga alaga ni Vlademus na pahigain si Heat at itali sa bawat gilid nito upang di makawala.
"Tapos na po, Mahal na Prinsipe."-sambit ng isa sa mga alagad ni Vlademus at hinayaan na si Vlademus sa kung ano ang gagawin nito.
"Paalam munting Prinsipe!HAHAHA!"- malakas na paghalakhak ni Vlademus at agad na niyang pinindot ang red button upanh simulan na ang proseso.
Pinipilit na kumawala si Heat sa papalapit na malalakang injection na paparating sa kanya at ibang aparatu na gagamitin sa pagsalin ng kapangyarihan ngunit wala talagang pag-asa na makawala pa siya.Nakangisi lang si Vlademus habang pinagmamasdan si Heat.
"Ate! Kuya! Tulong!"- naisigaw ni Heat bago tumarak sa kanyang utak ang malalaking injection.
Parang nakukuryente si Heat dahil sobra ang panginginig nito.At ang malakas na bultahe ng kuryente ay dumadaloy na ngayon sa makina at ang dugo ni Heat na nahahalo sa kanyang kapangyarihan ay dahandahang nalilipat sa malaking makina na konektado sa ugat ni Vlademus. Napatayo bigla si Talia.
"Anong nangayayari Vlademus?"-natanong niya kay Vlademus nang mapansin na naging kulay pula ang buhok neto.
"Ibig sabihin nito Talia na ang dugo ng batang 'to ang magpapalakas sa isang katulad ko."- pagmamayabang ni Vlademus at mas nilakasan ang pagpapadaloy ng kapangyarihan upang mabilis itong matapos.
Lumapit ng bahagya si Talia sa kinaroroonan ni Heat na halos nalasog-lasog na ang kasuotan nito at nagiging maputla na ang kulay ng balat. Ang buhok rin ni Heat ay biglang pumuti at may tagaktak ng dugo ang lumalabas sa ilong nito. Hindi maintindihan ni Talia ang kanyang nararamdam habang pinagmamasdan ang mukha ni Heat.
"Vlademus? Mamatay ba siya?"-di mapigilang tanong ni Talia.
"Hindi ko alam dahil wala akong pake! HAHA! Gusto ko lang na makuha kapangyarihan niya upang makapaghigante na tayo sa mga nanakit saten.Diba? Gusto mong maghigante! Ito ang isang paraan upang matalo natin sila."- sambit ni Vlademus na ngayon ay dahan dahan na ring dinadaluyan ng kapangyarihan ni Heat.
Tumigil ang makina at dun na natapos ang proseso.Ang balat,mata, at kulay ng buhok ni Vlademus ay nag-iba. Sobrang lapad ng kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.Di magkamayaw ang saya ni Vlademus na tuluyan na niyang nakuha ang kapangyarihan ni Heat.
"Talia, sisimulan na nating maghasik ng lagim!"- sambit niya kay Dragona at naghanda na para umalis para sirain ang Pearl Enchantia.
"Papaano ang bata?"-naitanong ni Talia.
"Wala na tayong paki-alam dyan! Tara na!" -agad na hinablot ni Vlademus si Talia at umalis.
BINABASA MO ANG
The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016
خيال (فانتازيا)(Book 2 of The Pearl Powerful Princess) Ano kayang kalalabasan kapag pinadala ang mga susunod na henerasyon nina Hance,Hanrien,Fire,Flame,Ice,Jaynan,Lavalee,Jurishia,Ryl, at Vince sa Mortal World para pagkasunduin at matuto ng leksyon tungkol sa tot...