Cool's POV:
Isang mabigat na paghinga ang aking binitawan dahil sa sakit na aking nasaksihan ngayon. Aaminin kong minsan di ako sumusunod kay Heat pero mahal ko yun,bunso namin yun eh.
"Anong nangyayari,bakit ang tahimik ng kastilyo?"- tanong ni Tito Hance habang karga-karga ang walang buhay na si Heat.
"Maghanda kayo...May nararamdaman akong kakaiba."-mahinang bulong ni Mama samin kaya agad akong naghanda ng aking kapangyarihan.
Patungo kami ngayon sa silid ni Heat upang syay mabihisan pero nakapagtataka na wala man lang kaming nakikitang mga kawal.
"HANRIEN!"
Agad kaming napalingon sa bandang kaliwa nang may tumawag kay Mama.Si tita Jaynan. Hingal na hingal siya habang papalapit sa kinatatayuan namin.Nakakasense ako ng kakaiba ngayon.
"Nasaan sila?"- tanong agad ni Mama nang makalapit si Tita.
"Hanrien! Malaking parte na ng Enchantia ang nasira dahil kay Vlademus at kay Dragona na ang naalala ay siya bilang Talia.Sinubukan ko silang pigilan pero hindi ko kaya na ako lang dahil kailangan naming bantayan ang Amang Hari,InangReyna,at mga bata."- pagbibigay impormasyon ni Tita na naging dahilan upang kami ay nabigla ng husto.
Kasama si Dragona? Dragona bilang Talia? Isa ako sa mga kinasusuklaman ni Talia dahil nasa katauhan ko rin si Logan kaya nasisiguro kong hahanapin niya ko.
"Mahal nasaan sila Jurishia?"-tanong ni Tito Hance kay Tita Jaynan.
"Nasa tagong lugar sila upang di mahanap ng mga kampon ni Vlademus.Sundan nyo ko!"-agad agad kaming sumunod kay Tita Jaynan.
Anong lugar to? Halos nadadapa na ako dahil sa panay titig ko sa lugar. Ang last naming pinasukan ay ang kwarto ni Tito Hance at may inikot lang tapos ibang lugar na at mabilis kaming naglakad pababa sa paikot na hagdan hanggang sa makarating kami sa sobrang lalim na lugar.
"Mga anak ko!"-agad na bungad ni Lola at niyakap si Tito Hance at Mama.Lumapit rin ako kay Papa na nakaupo lang sa gilid habang may hawak na libro.
"Mabuti't ligtas kayo, Ama."-singit ni Windy na nasa tabi ni tita Jaynan.
"Hance, si Heat?"-tanong ni Lolo na agad na nagpukaw sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Bahagyang umatras si Tita Jurishia na naka-upo sa kama at agad namang inihiga ni Tito si Heat na wala ng buhay at sobrang putla.Makikita mo rin sa gilid ng mata ni Hance ang luha na dumaloy.Sobrang sakit ang ipinaranas ni Vlademus sa kanya kaya hindi ako aatras at lalaban ako para kay Heat.
"Anak?"-lumapit si Lola at Lolo sa gilid ni Heat at hinaplos ni Lola ang pisnge ni Heat.
"Ina, pasensya na pero...*sniff ...w-wala akong nagawa..."- napatikod ako kase ayokong makita si Mama na umiiyak sa harap ko at nasasaktan pero di ko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko.
"Sinubukan po naming buhayin si Heat pero...wala na po kase isa na syang ganap na mortal."-dagdag ni Tito Hance at halos ang lahat ay di makapaniwala sa nalaman pati si Papa na napalapit kay Mama.
"Ano?! Paano nangyari yun?! Bakit?!"-halos mawindang ako sa sobrang lakas ng boses ni Lolo na nakakapit sa mga kamay ni Heat.
"Lo...*sniff K-kinuha po ni Vlademus ang *sniff l-lahat ng dugong immortal at kapangyarihan ni Heat kaya di namin siya mapagaling."- di ko napigilang maisagot dahil halos di na makapagsalita si Tito at Mama dahil sa sobrang pag-iyak.
"H-heat? Bunso?... Gising na, anak... Nandito na si Mama mo."- halos mabiyak puso ko habang nakikita si Lola na nanginginig habang hinahaplos ang mukha ni Heat.Napapikit ako sa sobrang hapdi ng nararamdaman ko ngayon.
"Anak.... Malakas ka diba?! Ikaw nga hinahanap nila kase malakas ka! Please anak, lumaban ka..."-nadagdagan ang pighati nang si Lolo na ang umiyak kase matapang siya at ni minsan di ko siya nakitang umiyak.
"Inang Reyna, baka mabubuhay pa si Heat gaya ng nangyari nun kay Hanrien."-singit ni Tita Ryl.
"Ikaw Ryl! Dahil sa anak mo, ayan! Anong nangyare?! Yan ang sinasabe ko eh, kumaibigan kayo sa dugong demonyon na Vince na yan kaya nawala si Heat! Dahil sa anak nyo! Dahil sa inyo!"-Jaynan
"Stop that..." -Hance
"Totoo naman eh! Kasalanan nila kung bakit nagkakaganito! Dahil sa anak ng mga dem---..(*PAK!)!"
Nabigla ang lahat sa ginawa ni Tito Hance kay Tita Jaynan na sobrang ikinagulat ni Windy.Sinampal ni Tito Hance si Tita Jaynan kaya napaluhod bigla si Tita Jaynan na agad na inalalayan ni Windy.
"Pa?! Ano ba?"-Windy
"I said stop it! Walang kasalanan si Ryl, si Vince, si Vincent, o maski sino man kase ang may kasalanan si Vlademus lang! Si Vlademus!"-sigaw ni Tito Hance at agad na umalis.
"Posible kayang mabuhay si Heat gaya ng sinabe mo Ryl?"-tanong ni Lolo.
"Ama, mortal na si Heat.Tao na po siya na tao kaya po...wala na pong pag-asa..."-pagpapaliwanag ni mama na agad na ipinanlumo ng mga mukha ng lahat.
"Saan natin ilalagay si Heat?"-tanong ni Tita Jurishia.
"Sa ngayon dito muna sa silid hangga't hindi pa natatapos ang laban.Safe siya dito kaya kailangan na nating magmadali upang mapuksa ang kasamaan ni Vlademus at maibalik na natin si Dragona."-sambit ni Mama na agad sinang ayunan ng lahat lalong lalona ang ina ni Dragona.
Agad agad kaming naghanda lahat maliban kay Inang Reyna at Amang Hari na patuloy sa pagtitig kay Heat.Iniiwasan kong tignan ang bawat luhang pumapatak sa kanilang mga mukha upang maipakita ko kay Mama na matibay ako para sa kanya.
"Anak...Mag-ingat ka kase kapag nangyare yun sayo yung nangyare kay Heat, baka ako ang unang sumunod sayo.Mahal na mahal ka namin ng Mama mo Cool,anak ko."- agad kong niyakap si Papa Ice ng sobrang higpit at agad na sumunod kay Mama.
Blanko ang emosyon ni Mama habang bitbit ang napakatulis niyang espada.Alam kong magaling si Mama pagdating sa labanan pero nababahala ako sa iba naming kasama.Kailangan ko ring makaharap si Dragona na naging Talia na ngayon, kailangan kong ipaalala sa kanya.
Dinivide sa ibat-ibang grupo ang pagmamasid at paglaban sa bawat parte ng Enchantia laban sa mga kampon ni Vlademus.Kaming tatlo ni Mama at Papa ang magkasam.Kitang kira ko rin ang ibang Enchanters na tumutulong.
BINABASA MO ANG
The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016
Fantasy(Book 2 of The Pearl Powerful Princess) Ano kayang kalalabasan kapag pinadala ang mga susunod na henerasyon nina Hance,Hanrien,Fire,Flame,Ice,Jaynan,Lavalee,Jurishia,Ryl, at Vince sa Mortal World para pagkasunduin at matuto ng leksyon tungkol sa tot...