6: Guilt

470 15 1
                                    

Yung nasa picture ay si Ms.Natasa Hell,latest photo niya yan sa facebook account niya.

-----------------------------------------
Dragona's POV:

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko at hapdi sa mata.Parang sobrang init rin ng paligid.Inayos ko muna ang buhok ko at bahagyang ibinuka ang aking mga mata.

"What the F***!"-I covered myself with my hands dahil sa sobrang pagkabigla.Nakayakap ako sa kanya?!

"Da-Dra......*Pak! "-agad ko siyang nasampal dahil sa pagte-take advantage niya sakin.

Magkaaway nga kami pero kailangan ba talagang humantong ang lahat sa ganito?! Wala na ba siyang respect sa kapwa?! Prinsipe naman siya kung maituturing pero bakit niya ko pinagsamantalahan?! No!!!!!! THIS CAN'T BE HAPPEN!

"Dragona,let me explain."-hahawakan niya sana ako nang tinabig ko ito bigla habang tinititigan siya ng derecho.

"Explain?! Ano pang i-explain mo sa pananamantala mo sakin ha?! ANO?!"-derestang tanong ko kasi di maatim ng diwa ko kung ano pang ginawa niya saking kababalaghan.

"Wala! Walang nangyari,Dragona!"-insist pa niya.Anong kala niya sakin martyr?Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin, Prince Cool Windchester!

Tumayo ako at naghakbang palayo.Kailangan kung ipaghiganti ang pananamantala niya sakin.Ngayon,mararanasan na niyang maghirap.Agad kong inilabas sa bawat kamay ko ang apoy na kasing-init ng impiyerno at naglalagablab na init ng aking paghihiganti.Napansin kong nakatunganga lang sa harap ko si Cool at walang balak na labanan ako.Natatakot ba siya?
Pagkakataon ko na to!

"Ako si Dragona Phyra Delhott-De Fuego,Reyna ng Apoy.Ngayon Prinsipe,mawawala ka na sa mundong to! AHHHHH!"-ihahagis ko na sana kay Cool ang ginawa kong Fire Balls pero bigla nalang umikot ang paligid kaya natigilan ako dahil sobrang nakakahilo.

Napapikit nalang ako sa sobrang pagkahilo.Parang binagsakan ng isang building ang ulo ko dahil sa sakit at yung katawan ko parang patay.Sinubukan kong buksan ang mata ko at agad na tumambad sakin ang isang napakagandang dyosa,si Belle.

Tunayo ako at pinipilit na i-sink in ang mga nangyari.Speaking of nangyari,asa'n si Cool?! Napatay ko ba siya?! Lagot ako nito! Napansin kong seryoso lang ang mukha nila Tita Belle,Hot,Windy at si Heat narin.Anong nangyari?

"Are you okay?"-matamlay na tanong ni Tita Belle at ako naman ay umayos ng upo sa sofa.Nasa sala kasi kami ngayon.Ewan ko ba,bakit sa sala ako napunta?!

"O-opo,nasaan nga po pala si Cool?"-napansin kong nagkatinginan sila kaya sobrang confuse na ako kung anong nangyari.Napatay ko ba si Cool?

"Dragona,bakit mo ba nagawa yun kay Cool? Muntik ka ng mabuking na may powers dahil almost 7:00 a.m.Mabuti nalang at mabilis si Tita Belle."-problemadong tanong ni Windy habang naka pout ang lips.

"Alam mo ba na lumabag ka sa rule? Nagpadala ka na naman ba sa galit mo?"-parang nainis ako sa tanong ni Tita Belle.Ako yung pinagsamantalahan,kaya ako dapat ang nagkakaproblema ngayon.Hindi ako ang pinoproblema ngayon! Sila kaya ang nasa posisyon ko ngayon,magiging proud ba sila?

"Teka lang ha! Parang ako yung masama eh.Windy at Tita Belle,parehas tayong babae kaya kapag pinagsamantalahan ang pagkababae natin.LABAN AGAD!"-sambit ko sabay inom ng mainit na kape.

"Pinagsamantalahan?! Alam mo ba kung paano mo ipagtabuyan ang pinsan ko nung time na nagka-anxiety attack ka kagabi?! Hindi siya halos makatulog dahil ayaw mong kumalas sa mga yakap niya dahil takot ka sa dilim.Tapos ano?! Pinagsamantalahan! Kapal mo rin!"-parang kumirot bigla ang dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ni Windy.Hindi ko alam na ganun pala pero paano kung may ginawa talaga si Cool?Malalaman ba yun ni Windy?

The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon