26.Pagbabalik

262 6 0
                                    

Dragona's POV:

Sobrang gulo nitong mga nakaraang araw. Imbes na mag relax kami galing bakasyon ay parang tinambakan naman kami ng isang building na problema.

Una, kailangan namin protektahan si Heat laban sa mga   dark Enchanters.Pangalawa, kailangan namin baguhin si Vlademus. Pangatlo, itong si Cool ang higit naming pinoproblema dahil hanggang ngayon ay di pa siya nagigising. Hay!  Buhay nga naman! Akala ko magiging normal kaming mamumuhay rito, akala lang pala...

"Ate Dragona, bukas po ba ay papasok tayo ng school?"-tanong ni Heat sakin.

Dun ko palang na realize na back to school na pala kami bukas. Pero paano kung pumunta ang mga Dark Enchanters dun? Maraming madadamay. Nakakalito minsan kung ano ang dapat naming gawin pero kailangan namin tong lampasan lalo na ngayon na wala rito si Tita Belle.

"Ewan ko,Heat. Alam ko na kapag pumasok tayo ulit ay may possibility na sasalakayin tayo ng mga Dark Enchanter at may madamay pa na mga tao."-mabigat sa puso kong sagot kay Cool.

"Alam mo ate... "-sambit ni Heat at bahagyang umupo sa tabi ko. "..minsan naiisip kong puntahan ang isang time turner at baguhin ang nakaraan para iligtas ang kasalukuyan at hinaharap sa magulong dala ng dugo ko."-pangiting sambit ni Heat pero alam ko ang pait sa bawat letrang binibitawan niya.

"Heat, sasabihin ko sayo 'to makinig ka..."-pagsisimula ko habang hinihimas ang likod niya."Huwag mong pagsisihan ang lahat ng nangyari sa buhay mo Heat.Ang nangyari ay nangyari at ang nakatakda ay ang nakatakda.Espesyal ka kaya ka pinaghahanap at sana gamitin mo ang pagka espesyal mo sa tama. Dapat handa kang lumaban para sa Enchantia at sa sarili mo."-pangaral ko sa kanya.

"Dapat handa kang magsakripisyo para sa lahat."-isang pamilyar na boses mula sa likod ang narinig namin kaya napalingon kaming dalawa ni Heat.

Laking gulat ko na makitang ang isang gwapong nilalang na ligtas at nakangiti ng malapad.Ewan ko sa sarili ko pero di ko mapigilang lapitan siya at yakapin.Habang ginagawa ko yun ay tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig at nararamdaman ko.

"Dragona, miss mo na pala agad ang kagwapuhan ko."-sambit niya kaya napabitaw ako kaagad.

Bakit ko nagawang yakapin siya ng ganun ganun lang? Ano bang nangyari sa sarili ko na parang ako yung kinokontrol? Nakakahiya pa naman.....

"Ah... ah..... "-tanging salita na lumalabas sa bibig ko dahil sa hiya.

"Ano? Bakit namumula ka? Kinilig ka sa karisma ko no?"-tanong pa ng mahangin na mokong na to. Gagawin ko na talaga 'tong grilled liempo.

"Anong namumula? Sadyang rosy cheeks ako no! Huwag kang mahangin kasi ni minsan di ako kinilig sa karisma mo."-asik ko sa kanya.

"Okay,alam ko naman na di ka aamin kasi nahihiya ka."-asar pa niya sakin.

"Bahala ka! Basta ako, hindi ako kinikilig sa mga paandar mo!"-iritado kong sagot sa kanya at bumalik sa pwesto ko.

"Tama na ang bangayan, may problema pa tayo. Diba?"-pag-aawat naman ni Windy na nasa likuran ngayon ni Cool kasama si Hot at Vincent.

"Problema? Diba naayos na natin ang kay Vincent. Ano pa ba?Nakatulog lang ako saglit ay problema na naman?"-tanong ni Cool. Pero teka... Anong sabi niya? Nakatulog saglit? WTF!

"SAGLIT?!"-parehong react naming lima kay Cool na ikinabigla lang naman niya.

"Ha? Grabe naman kayo! Isang araw lang akong tulog tapos violent reaction agad, di patas yan!"-pag-poprotesta pa ni Cool kaya natawa nalang kami.

"Sigurado ka talagang isang araw ka lang nakatulog?"-natatawang tanong ni Vincent.

"Vincent naman! Ang hina lang naman ng suntok mo kaya isang araw lang yun!"-sagot naman ni Cool at sa di mapigilang emosyon......

The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon