14:Preparations

355 13 0
                                    

Belle's POV:

Hey guys,pakilala ulit ako sa inyo ha! I'm Elizabelle Venus or Belle.900 years of existence at I'm the Goddess of Beauty.Kung nagtataka kayo bakit 900 years old na ko pero di ako tumatanda,it's because tumitigil ang pagtanda naming mga gods at goddesses at the age of 17 kaya we still exist.I'm the Ninang of Cool.

Safe na kaming nakauwi ng mansyon mula sa school,ako kasi ang sumusundo sa mga bata.I noticed na habang nasa byahe ay di nagpapansinan si Windy at Dragona,nakakapanibago kasi dahil sila yung close.Ni report narin sakin ng school nila na sila ang representatives para sa Ms.SJA,magaganda kaya ang mga alaga ko.

"Tita,anong niluto mo?"-tanong agad ni Hot nang ilapag niya ang bag niya sa sofa at humilata.Kahit kelan talaga tong batang to,napaka matakaw!Naaalala ko tuloy si Flame.

"Adobong manok"-halos matawa nalang ako nang tumakbo siya agad sa kusina.Paborito niya yun!

Nagbihis na ang mga alaga ko at mayamaya ay nagpunta na sila sa Dining Area at ako naman ay naghahanda para sa dinner namin.Nakita ko ring bumaba na si Cool at inaalalayan siya ni Heat kaya agad kung inihanda ang upuan niya.Nakaupo na ang lahat at pansin ko ang katahimikang bumabalot samin.

Kumain na kami at ni isa sa kanila ay walang nagsasalita lalo na si Windy.May problema ba sila? Baka may tinatago silang sikreto na di ko man lang nalalaman.Nagpatuloy akong kumain pero nababahala ako sa kalagayan nila.Parang may mali!

"Ahmm...Tita,pwede na po ba akong pumasok bukas?"-tanong ni Cool.Tinignan ko ang katawan niya at mukhang maayos na naman.

"Sige,pero dapat magpatulong ka ni Hot ha?"-sagot ko naman at rinig ko ang mahinang pag reklamo ni Hot.

"Mukhang,bad idea yan."-dinig kong sambit ni Heat kaya napatingin ako sa kanya.Napatakip naman ng bibig si Heat.

Tumingin ako kay Cool at Hot.Pareho silang nakayuko habang kumakain.Ano bang problema ng mga to?Bakit parang magkaaway sila?

"Bilisan niyo ang pagkain,may pag-uusapan tayo."-mahinahon kong sambit sa kanila.Ayokong pagsabihan sila harap ng hapagkainan.

Natapos na ang pagkain at kanya-kanya na silang pumunta sa sala.Kami naman ni Heat ang naghugas ng pinggan.Matapos naming maghugas ay sumunod na kami sa sala.

Napansin kong parang ang layo ng distansya nila sa isat-isa.Si Dragona ay malapit kay Hot at si Cool naman ay malapit kay Windy kaya kami nalang ang nagtabi ni Heat.Pareho lang silang nakayuko at tahimik.

"Makinig nga kayo sakin.May itatanong ako sa inyo at sana sagutin niyo ko ng tapat."-sambit ko sa kanila at lahat naman sila ay nakatingin lang sakin.

"May problema ba kayo?Bakit ang tahimik niyo?Nag-away na naman ba kayo?"-parang nag-iinit ang katawan ko.Nakita kong nagkatinginan silang apat.

"Hindi ba kayo napapagod sa kaaaway?Ano bang dapat gawin namin para di na kayo mag-away?"-singit ni Heat pero pinigilan ko muna siya.

"Hindi naman kami nag-aaway."-sagot pa ni Windy pero parang nasa maarteng way.

"Hindi kayo nag-away pero parang anino lang ang bawat isa sa inyo,di kayo nagpapansinan."-seryoso kong sambit sa kanila.

"Ikaw Windy,kaya kaba tahimik at parang galit dahil sa nangyari kay Cool o dahil sa iba pang kadahilanan?"-galit kong tugon kay Windy at kita ko sa mata niya na parang natamaan siya.
"Ikaw Hot,may galit ka ba kay Cool o sadyang tamad ka lang at puro ka reklamo?"-turo ko pa kay Hot na nakayuko rin."Ikaw Cool,galit ka pa rin ba kay Dragona o kay Hot?"-nanggagalaiti na ang ulo ko."Ikaw naman Dragona,bakit ba lagi nalang kayong magkagalit ni Cool?!"-napataas ang boses ko dahil lagi nalang may pader sa pagitan ng bawat isa sa kanila.

The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon