28:Umuwi

243 6 0
                                    

Cool's POV:

Bwesit! Bwesit talaga yang lalaking yan! Muntik na niya akong mapatay. Sobrang naiinis na talaga ako sa mga nangyayari.

Ito namang naka-itim na lalaki ay panay sakal samin.Ayaw ba niyang lumaban ng patas?! Pinipilit kong makawala pero hindi ko talaga magalaw o magamit man lang ang kapangyarihan ko.

Bitawan niyo sila! Ako ang harapin niyo!"-buong tapang na sigaw ni Mama.

Nasaksihan ko kung paano pinahirapan ng lalaking yun si Mama.Pati siya ay di rin nagagamit ang kapangyarihan niya.Gusto ko sanang magwala ngunit di ko kaya.Patay talaga yang lalaking yan sakin!

Napapikit nalang ako dahil hindi ko gustong makitang naghihirap ang Mama ko.Mayatmaya pa'y...

"Saktan mo ko! O baka  gusto mong patayin nalang ako! Sige! Lapitan mo ko at kunin mo lahat ng kapangyarihan ko.Alam mo ang mangyayari kapag ginawa mo yun!"-nabigla ako sa nakita kong aura ni Vincent.Nakakatakot siya.

Nakatayo lang ang lalaking naka-itim at walang imik.Lumapit ang isa sa kasama niya at tinutukan ng espadang itim si Vincent.Akmang sasaksakin niya ito nang pigilan siya ng lalaking naka-itim.

"Nahihibang ka na ba?! Papatayin ko siya!"-asik ng babae sa kanya.

"Hindi pwede...."-sambit ng lalaki.

Nagtataka tuloy ako kung bakit yun ang sagot niya.Bakit kaya?

"Hindi pwede?! Si Heat lang ang pakay natin, kaaway natin sila at kung di mo papatayin itong isang 'to ay ako ang papatay!"-pagtatalo ng dalawa.

"Gusto mo bang mamatay rin ako?! Konektado ang buhay naming dalawa kaya huwag kang magkakamaling saktan siya dahil kung madadaplisan man lang siya ay papatayin kita."-sambit ng lalaki.Ha? Di kaya siya si...

"Vlademus,anak ko?"-narinig ko mula kay Tito Vince.Tama nga ang hinala ko.Siya si Vlademus Stygian.

Lahat ay natuod sa sinabi ni Tito pati ang lalaking naka-itim at ang kasama niya.Nagkatinginan kami ni Dragona at kahit alam na namin ang tungkol dun ay di kami makapaniwala na nandito na nga siya.

Napaisip ako at tyempong napatitig ako sa nakatali kay Heat.Agad ko tong sinira at mabilis namang nag teleport si Heat sa gilid ko na ikinagulat ng isang babae na nakabantay sa kanya kanina.

"Ha....Hahahahaha! Bwahaha!"-malakas na tawa ng lalaking naka-itim.

"Lumayo na kayo, anak"

Agad kong sinunod ang pagtetelepathy ni Mama at dinala na sa malayo si Heat.Alam kong mahirap ang matunton ang lugar na pinagdalhan ko kay Heat kaya di nila kami masusundan.

-secret place

"Kuya Cool? Anong ginagawa natin rito?Nasaan ba tayo?"-sunod sunod na pagtatanong ni Heat.

"Utos ni Mama na ilayo na kita."-sagot ko sa kanya at umupo ako ng bahagya sa isang malaking bato.

"Ha?!Bakit natin sila iniwan? Baka saktan sila ni Vlademus! Bumalik na tayo."-sigaw pa niya sakin habang umiindak ang paa.

"Heat,di ko dapat labagin yun.Alam mong Reyna ang Mama ko at ang paglabag sa utos ng isang Reyna ay kasalanan sa buong Pearl Enchantia."-paliwanag ko kay Heat.

"Alam ba nila ang lugar na ito?Susunod rin ba sila satin?"-pangungulit muli ni Heat.

"Mahihirapan silang makapasok rito.Kailangang may malinis na puso ka bago ka makakapasok."-sagot ko ulit sa kanya.

"Ngayon ko lang narinig ang ganitong klaseng lugar.Teka, nasaan ba tayo? Ngayon lang ako nakapunta rito."-sambit niya at nagpalibot-libot sa lugar.

The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon