31: Pagkikita

120 4 0
                                    

Talia's (Dragona) POV:

Ito na ang panahon upang akoy gumanti. Nagmahal lang naman ako pero nasaktan lang, ganun ba talaga ang buhay? Ngayon,matitikman ng Logan na yan ang bagsik ng aking paghihiganti!

Umalis na ako matapos ang pagsasanay namin ni Ramon upang ako'y maghanda. Pababa na ako ng hagdan nang biglang humarang si Ama kaya ako napa-urong bigla.

"Ama?! Ba't bigla bigla ka nalang sumusulpot?"-tanong ko kay Ama sabay yukbo bilang paggalang.

"Saan ka na naman pupunta Talia?"-seryosong tanong ni Ama.

"Ama, ito na ang panahon upang ako ay gumanti kay Logan.Hahanapin ko siya upang patayin."-sagot ko sabay lakad palabas ng mansyon.

"Hindi ka muna aalis,anak."-napatigil ako bigla.

"Bakit......"-tanong ko kay ama.

"May importante tayong bisita ngayon.Gusto kong makilala mo siya at pinaghandaan ko ang inyong pagkikita."-sagot niya.

"Sino ama?" -tanong ko ulit

"Bumalik ka muna sa iyong silid at mag-ayos.Makikilala mo siya mamaya."-tanging sagot ni Ama at umalis.

Sino kayang bisita? Wala akong nagawa kaya bumalik muna ako sa silid upang mag-ayos ng kunti, maaga pa naman kaya maayos lang na mamaya nalang ako magsimulang maglakbay.

(Makalipas ang ilang minuto)

"Mahal na Prinsesa Talia, kayo po ay ipinatatawag na ng inyong ama at ina upang magtungo sa hapagkainan at paparating na rin po ang inyung bisita.Yun lamang po!"- sambit ng isa sa mga kawal namen.

"Sige"-tipid kong sagot at bumaba na.

Habang ako ay papunta sa dining hall ng mansyon ay parang ang bigat sa pakiramdam at ang bawat hakbang ko ay napakabigat dalhin. Ano bang meron? Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad.

Pinagbuksan ako ng isa sa mga kawal at bumungad saken ang engrandeng disenyo ng paligid at mesang punong puno ng pagkain. Si ina at ama ay nasa bandang  gitna ng mahabang mesa at nakasuot ng sobrang kintab na robe.Dumako ako at na upo.

"Nasaan po ang bisita?"-tanong ko kase kaming tatlo lang.

"Paparating na si....."-hindi natapos ni Ama ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pinto.

Iniluwa nito ang naka itim na tuxedo at sobrang pormal tignan na lalake.Pinagmasdan ko ang bawat paghakbang niya hanggang siya'y maupo.Parang pamilyar ang taong to... Napansin nyang nakatitig ako kaya nakatitigan kaming dalawa.

Hindi ko mawari ang malakas na enerhiyang nasasagap ng katawan ko.Sumikip bigla ang dibdib ko at ang ulo ko biglang sumakit kaya napangiwi ako ng bahagya.SINO BA SIYA? KILALA KO BA TO?

"Talia!" -nagising bigla ang diwa ko kaya napatingin ako kay Ama.

"Talia? Kay gandang pangalan."-biglang sambit ng lalake.Ba't ganun ka lamig boses nya?

"Magandang gabi, mahal na Prinsipe."-bungad na bati ni Ama at ina at yumuko kaya pati ako ay yumuko narin.

"Magandang gabi rin mahal na  Reyna Joana, Haring Thaimus, at sayo Prinsesa Talia."- isang ngiti ang inaalay niya sakin kaya nanginig bigla ang kalamnan ko.

Ano ba Talia! Umayos ka nga! Hindi ko mapigilan na sulyapan siya habang ngumunguya ng pagkain. Ang hugis ng mukha niya, ang tangos ng kanyang ilong, ang balat niya ,ang kanyang mata , at lalo na ang ngiti niya, nakaka bighani. Talia! Arghhhh!Umayos ka kase! Huwag kang magpapaapekto sa karisma ng lalakeng yan! Para akong baliw kase kinaka-usap ko sarili ko.

The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon