Heat's POV:
Nakakasakal ang sobrang kadiliman kung nasaan man ako ngayon. Wala akong maalala sa mga nangyare kase bigla nalang may enerhiya na nagdulot ng pagkahilo ko.Hindi ko rin magamit ang kapangyarihan ko, may resisting power ang kwartong to para di ko magamit kapangyarihan ko.
"Kumusta aking munting Prinsipe." -isang boses na pamilyar para sakin ang umaalingawngaw ngayon sa kwarto.
Biglang nagliwanag ang paligid kaya nakita ko ang mukha ng lalaking matagal ko na talagang kinaiinisan.Si Vlademus.Ganito rin ang ginawa niya saken dati sa school.
"Vlademus! Wala ka na bang magawa sa buhay kaya ako ang pinaglalaruan mo?!"-buong tapang kong sigaw sa kanya.
"BWAHAHAHAHA! Hindi kita pinaglalaruan Heat,ikaw ang magbibigay sakin ng lakas upang matalo ko sila."-pangiting sambit pa ng Vlademus na 'to.
"Kapangyarihan lang ba habol mo?! Haha! Nakakatawa kase inggit ka na may kapangyarihan akong ganito o baka naman naiinggit ka kase may nagmamahal saken na PAMILYA!"-pangiti ko ring insulto sa kanya.Pansin ko ang galit sa mata niya kaya mas alam ko na ngayon kung bakit nagkakaganito siya.
"Tsk! Pamilya? Ang tanong totoo ba sila sayo?"-tanong rin niya saken na ikinalito ko kung bakit natanong niya yun.
"May pamilya ako na nagmamahal saken ng buong-buo.IKAW? Meron ba?! Meron ka ngang kapangyarihan pero wala namang pamilya."-asik ko rin sa kanya na ikinuyom ng kamao niya.
Kung hindi lang talaga ako nakakulong sa isang bakal na 'to at walang resist power, matagal ko na sanang natalo 'to si Vlademus.Hindi patas talaga 'tong isang to!
"Tignan lang naten ang talas ng dila mo bata kapag nakuha ko na ang kapangyarihan mo."-pagmamalaki pa niya.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at may ipinasok na malaking makina na may nakakonektang maraming wires dito. Isang higaan sa gilid na may matutulis na injection.
"Ito Heat, kapag nakalagay na dito lahat ng kapangyarihan mo ay mapapasaken na ang buong Enchantia.Bwahahahaha!"-di ko pinakita sa kanya na kinakabahan ako habang nakatingin sa malaking makina.
Ano kayang mangyayare saken kapag wala na akong kapangyarihan? Maliligtas kaya ako ni Ate Hanrien o ni Kuya Hance? Pero teka...Paano napasok ni Vladimus ang Pearl Castle na hindi namamalayan?Malaking pala-isipan sa utak ko kung paano.Pwede rin siyang magpanggao na si Kuya Vincent pero malalaman yun ni Ate o ni Ina ang enerhiya maliban nalang kung mismo si Kuya Vincent ang gumawa saken nun.Tama! Si Vincent ang tumulong kay Vlademus! Isa siyang traydor! Kailangan kong balaan sina Ate at Kuya.
"Ngayon, Heat.Bibigyan lang kita ng sampung oras upang mailigtas kapag wala ay magpaalam ka nalang.HAHAHA! Gusto ko pa kaseng maglaro."-sambit ng baliw na si Vlademus.
Naalala ko tuloy ang tawa ni Vincent kay Vlademus.Pareho pala silang traydor kaya dapat mabalaan ko sila ate sa lalong madaling panahon.Sila Tita Ryl at Tito Vince, kasabwat kaya sila?
-----------------------------------------------------
Hanrien's POV:
Matapos ang mahabang oras ay agad na akong naghanda upang hanapin si Heat. Kilala ko na kung sino ang traydor pero gusto ko paring sakyan ang kanyang alibi kaya hindi ko muna ito sasabihin kahit kanino.
"Hanrien, may liham para sayo."-pag-aabot ni Jurishia ng sulat na agad kong binasa.
Kung gusto mo pang makita kapatid mo, puntahan mo kami sa pinakamalayong lugar ng Pearl Enchantia na malapit sa dagat.May sampung oras ka para gawin yun.
BINABASA MO ANG
The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016
Fantasy(Book 2 of The Pearl Powerful Princess) Ano kayang kalalabasan kapag pinadala ang mga susunod na henerasyon nina Hance,Hanrien,Fire,Flame,Ice,Jaynan,Lavalee,Jurishia,Ryl, at Vince sa Mortal World para pagkasunduin at matuto ng leksyon tungkol sa tot...