Hanrien's POV:
Hay! Ilang taon narin mula nung nakapasok sa kwentong 'to.Sobrang dami ng nangyayari na di namin inaasahan.Parang ganito na talaga yata hanggang katapusan.
"Ate..."-napalingon ako ng bahagya.
Akala ko pa kung sino, si Heat lang pala.Alam ko na simula't sapul na mangyayari ang lahat ng ito.Nanganganib ang mga bata kaya napilitan kaming bumalik dito sa Mortal World.
Hindi ko na isinama si Ice kasi siya ang mangangalaga muna sa Pearl Enchantia habang wala kami.Kahit alam ko na gusto niyang makita si Cool ay di pwede dahil nahihirapan na ang Inang Reyna at Amang Hari na kumilos kaya siya muna ang nagbabantay run.
"Heat, mukha atang pamilyar sakin yang uniform mo."-pangiti kong sambit habang nakatitig sa suot niyang uniform.Ang gwapo niyang tignan, para siyang si Papa.
"Ha? Sige nga! Hulaan niyo kung kaninong uniform 'to dati?"-pag cha-challenge pa ni Heat sakin.
Sinuri ko 'to ng mabuti at nag ala detective ako.Pamilyar sakin pero nalilito ako minsan sa dalawa hanggang sa napansin ko ang color blue na line sa edges ng collar kaya naka-conclude ako kaagad.
"Sa tingin ko, kay Fire yan dati. Tama ba ko?"-sagot ko kay Heat na naging dahilan upang ikalaki ng mga mata niya.
"Paano...?"-di makapaniwalang tanong niya sakin.
"Kilalang-kilala ko ang kambal dati.Halos pareho sila sa lahat mapa mukha, ugali, kakulitan, hilig, kapangyarihan ay parehong-pareho sila ngunit may isang napakaliit na detalye ang kaibahan ng dalawa at tanging nakakaalam lang nun ay ako at si Hance."-kwento ko kay Heat na ikina-interes niya.
"Ano yun, ate?"-tanong niya.
"Huwag mong sasabihin sa iba." pagpapaalala ko sa kanya at tumango naman siya. "Si Fire ay mahilig sa kulay na asul samantalang si Flame naman ay mahilig sa pula."-bulong ko sa kanya.
"Pero bakit di nagmana si Dragona sa kanya? Sobrang init ng ulo dati ni Dragona nung nasa Enchantia pa kami kapag nakakita siya ng kulay asul tulad nalang ni Cool na mahilig sa asul."-nagtatakang tanong pa niya kaya napangiti nalang ako ng bahagya.
"Ganito kasi yun,Heat."pagsisimula ko."May ginawang parang sumpa ang kambal pero katuwaan lang nila yun dati pero ako mismo ang nakapansin agad na nagkatotoo yun. Pinangako ng kambal sa isa't isa na kapag nagkaanak sila ay magkakapalit ito ng prinsipyo at hilig base sa kaibahan nilang dalawa. Kaya ganun, mahilig si Dragona sa pula na galing kay Flame at mahilig sa asul si Hot na galing kay Fire."-paliwanag ko.
"Ate, may tanong pa ko. Bakit di nakikita ang mga marka namin? Bakit sa inyo nakikita?"-tanong niya.
"Nang matapos ang digmaan dati ay napagdesisyunan ng lahat na hindi na ipapakita ang marka sa mga susunod na henerasyon ngunit mag-iiwan ito ng bakas sa dibdib ng bawat isisilang.Kaya ang mga marka niyo ay nasa dibdib ngunit nakabase na ito sa kung anong merong kapangyarihan ka. Kami rin nag-iba, dahil sa di na pwedeng tanggalin, iniba nalang namin. Tanging mga Good Enchanters lang ang nakakakita sa mga marka namin."-paliwanag ko ulit sa kanya.
"Bakit niyo po yun ginawa?"-tanong niya.
"Para malaman agad kung may nasaktan ba at para...makaiwas sa mga Dark Enchanter."-mahinang sambit ko na ikinalungkot ng mukha ng kapatid ko.
Nilapitan ko nalang siya at niyakap.Ramdam ko na sinisisi niya ang sarili niya at yun ang di ko papayagang mangyari.
"Tita Hanrien! Alis na po tayo, baka malate po tayo sa school."-tawag samin ni Windy kaya sumunod na kami ni Heat.
BINABASA MO ANG
The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016
Fantasía(Book 2 of The Pearl Powerful Princess) Ano kayang kalalabasan kapag pinadala ang mga susunod na henerasyon nina Hance,Hanrien,Fire,Flame,Ice,Jaynan,Lavalee,Jurishia,Ryl, at Vince sa Mortal World para pagkasunduin at matuto ng leksyon tungkol sa tot...