4:Strong Force

597 19 0
                                    


Windy's POV:

*Kring! *Kring!

"Ok,class dismissed!"-kinuha na ni Prof. ang mga libro na nasa mesa niya at lumabas.Nagsilabasan narin ang iba kaya kaming apat nalang sa room.

Parang nahilo ako kay Teacher or Prof. ba yun! Sino bang di mahihilo kung ang first subject mo sa umaga ay history?! Wala nga kaming alam tungkol sa history ng mortal world kaya nganga nalang kami...

"Windy,are you okay?"-tanong ni Dragona na halatang hirap rin na i-sink in sa utak niya ang mga tinuro ni Prof. kanina.

"Sino bang magiging okay kung palagi nalang bukambibig ni Prof. si Jose Rizal at si Andres Bonifacio na kahit isang idea man lang about sa kanila ay wala tayong alam?"-napakamot nalang ako ng ulo at sinipa ang silya na nasa harap ko (mahina lang).

"Wala kang alam? Ang bobo mo naman Windy!"-mas uminit pa ang utak ko nang marinig ang pang-aasar ni Hot.Bakit may alam ba tong kumag na to?!

"Ano namang alam mo? Kumain? Hahaha,parehas lang kayo ni Cool!"-natawa nalang kami pareho ni Dragona habang nakatingin kay Hot na napipikon na.Dragona is a frank kind of person.

"Hoy,anong sabi mo?! Narinig ko yun!"-papalapit samin si Cool habang may dala-dalang libro.Ang likot ng kamay kaya kahit anong mapag-interisan na bagay ay kinukuha.

"Stupido! Narinig mo pala,bakit tinatanong mo pa?!"-inisnaban nalang ni Dragona si Cool.

"Hoy! Ano ba kayo?! May alam ako.Si Dr.Jose Rizal ay isang doctor pero yung si Andres ay wala akong alam dun.."-singit uli ni Hot kaya napahawak nalang kami pareho ni Dragona sa tiyan,natatawa kami kay Hot.

"Gago! Dr.Jose Rizal nga kaya Doctor! Saang planeta ka ba galing at lutang ka?!"-napansin ko nalang na umupo si Hot sa likod ni Dragona at nagtatampo.

"Hi,ate! Kuya!"-agad kaming napalingong apat sa pinto.Si Heat lang pala.

"Hello Heat!"-sabay naming sambit at ito namang si Heat ay agad kaming sinunggaban ng yakap.Childish pala si Heat kaya siya sweet samin.

"Ate,Kuya? May ipapakikilala po ko sa inyo."-nagkatinginan kaming apat.

"Who?"-nagsmile lang si Heat at tinuro ang pinto.

May tatlong babae akong nakita sa pinto.Tinitigan ko sila mula ulo hanggang paa at may napapansin akong kakaiba.A strong force.Parang nangangati saking paa at kumakabog ang dibdib ko.Napansin ko rin na kinikilatis nila Dragona,Cool,at Hot ang tatlong babae.Magaganda naman sila pero may kakaiba lang sa bawat aura nila.

Sinenyasan ni Heat na palapitin sila kaya agad naman silang nagtungo sa place namin.Na speechless kami at sila naman ay halatang awkward kasi nakatitig kami sa kanila.

"Hi po..."-sambit ng babaeng maputi at may dimples sa pisngi.

"He-hello..."-sambit rin namin kaya napangiti sila.

"Hi,I'm Juliana Marie Stone.16 years old na po ko at classmate ni Heat."-pagpapakilala nung girl na may dimples.Nakipag-shake hands naman siya samin.

"Ako si Susana Katelyn Hours,16 rin at classmate ni Heat.Nice meeting you ate and Kuya."-pagpapakilala ng girl na may magandang mata at may suot na kwintas na ang pendant ay parang hourglass.Nakipag-kamay rin siya.

"Nice meeting you,Sue."-na shock nalang ako nang hinagkan ni Hot ang palad ni Susana.Tinignan siya ni Dragona kaya agad siyang napabitaw.Takot siya sa pinsan niya eh kaya under.

"I-I'm Shanelle Kendra Hours,16 years old at I'm the twinny sister of Susana."-kaya pala magkamukha si Susana at Shanelle is kambal talaga sila.

"Kami? Pwede ba kaming magpakilala sa inyo?"-patawa ko pang tanong.

"Actually,alam na namin.Sinabi kasi samin ni Heat ang tungkol sa inyo kaya no need ate Windy."-nag smile lang si Juliana.

"Okay,so nice meeting you."-sambit ko at nakipag kamay ulit.


"Teka girls,may napansin akong kakaiba sa mga Family name niyo.Parang familiar sa ears ko."-napansin kong nagkatinginan ang tatlo sa sinabi ni Dragona.

"Bakit po?"-tanong ni Susana.

"Ahmm....ahmm..Basta! Ang unique."-ngumiti nalang si Dragona at ang mga girls naman ay nakipag beso-beso samin.


"Sige,ate and Kuyas! Kailangan na naming umalis."-sigaw ni Heat at sabay na lumabas kasama ang mga girls.


Nang makalabas na sila Heat at ang mga girls ay para kaming mga detective.Ikot ng ikot at lakad kami ng lakad habang nag-iisip.Nagkatinginan kaming apat at parang nag-kokonect ang mga thoughts namin.Dahil sa hindi ko makayang situation ay sinabi ko na sa tatlo.

"May napansin ba kayo sa mga bagong kaibigan ni Heat?"-derechong tanong ko at bahagyang tumango naman ang tatlo.

"Ang mga Family name nila,kakaiba."-mahinang sambit ni Dragona pero narinig ko.

"Ano sa tingin mo,narinig mo na ba yung mga apelyidong yun?"-tanong ko sa kanya.

"Stone and Hours...Para silang mga element ng Earth at Time."-singit ni Cool.

"Check! Ganun nga,Element ng Earth at Time."-pagsang-ayon naman ni Dragona kay Cool.


"Baka ganun lang talaga ang Family name nila,nagkataon lang na pang element."-may punto rin si Hot.

*Kring! *Kring!

"Naku,next class na!"-nagpanic agad si Dragona nang marinig niya ang bell.

Nag-ayos na kami at lumabas na ng classroom para sa next subject.Di parin kami maka get over about sa tatlong new girls,may strong force na bumabalot sa kanila.Malalaman rin namin yun.

--------
Author's Note:

Grabe! Kahit si Jose Rizal ay wala silang alam?! Saklap!

Yung pic na nasa taas ay si Windy yun in present time.Ganda niya,sobra!

Sinong fan dyan?Kaway-Kaway?

Stay a Fan😊 Just Vote and Comment

Thank you Watty's....

The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon