18.That Green-Eyed

349 15 0
                                    

Dragona's POV:

Halos tatlong buwan na ang lumipas mula nung nanalo kami ni Windy at naging Ms.SJA ako pero parang ang fresh parin sa iba lalo na yung supporters namin ni Windy.

Sa school rin ay nakapost parin ang tarpaulin sa mga hallway na may mukha pa namin ni Windy.Kung dati ay halos tunawin na kami ng titig nila ay ngayon halos sira na mga buto namin sa baba dahil sa pagsa-smile dahil marami paring nagpapapicture.Mas naging kilala pa kami sa school!

"Diba,may trip tayo para sa Paradise Beach Resort?"-tanong ni Windy.Nandito kasi kaming lahat sa sala pati si Tita Belle habang nanonood ng Train to Busan.Sabado kasi kaya naisipan naming mag movie marathon.

"Oo nga tapos malapit na ang semestral break kaya pwede natin yung gamitin para sa vacation natin."-singit ni Heat sabay subo ng popcorn.

"Good idea! Pwede kayong pumunta dun habang wala pa kayong class."-pagsang ayon naman ni Tita Belle.Pero...anong sabi niya?Kayo?Bakit kayo,eh kasama naman siya?

"Tita,diba sasama naman kayo?"-tanong ko kay Tita Belle.

"Hindi,may aasikasuhin pa ko at may dapat akong puntahan sa Immortal World kaya di ko muna kayo masasamahan."-natahimik kami at para bang nadismaya.

"Tita,sayang naman eh.For six yun tapos lima lang kami.Nakalaan po yung isa para sayo kaya useless yun kung wala ka."-pagdadabog namin ni Windy at ipinulupot ang kamay sa braso ni Tita.

"Anong useless?May makakasama kayo no! At panigurado ako na magiging masaya ang trip niyo."-masayang sambit pa ni Tita kaya nagkatinginan kaming lima.Sino?

"Sino po yun,Tita?"-tanong ni Cool.

"Teka lang,tatawagan ko muna siya at papapuntahin ko rito.Okay ba yun sa inyo?"-tanong ni Tita at nag thumbs up lang kami.Baka mabait yun kaya okay lang,masaya naman ang may bagong kasama.

(AFTER 30 MINUTES)

*PEEP! *PEPEEP!

May narinig kaming rinig ng busina ng sasakyan at agad naman kaming natigilan sa panonood nang lumabas si  Tita Belle.Naghintay nalang kami kasi medyo matagal tagal si Tita Belle na bumalik.

"Siya ang makakasama niyo!"-nabigla kami sa biglaang pagsalita ni Tita Belle.

Lumingon naman kaming lima upang tignan kung sino ang makakasama naming bago.Nang makita ko at ng iba kong kasama ang mukha niya ay agad na nanlaki ang mata ko.Bakit siya nandito?Anong balak niya at anong plano niya?Sasaktan niya ba kami o papatayin?Napansin ko rin na nabigla si Windy na katabi ko lang.

Agad naman naming nilapitan ni Windy ang lalaki na nasa tabi ngayon ni Tita Belle at halata rin ang pagtataka.

"IKAW?!"-ako at Windy

"KAYO?!-siya

Sino bang di mabibigla kung makikita mo yung taong may berdeng mata na sumisipol dati malapit sa Cr ng girls?Lumabas ulit ang kulay ng mata niya at pansin ko rin na ganun ang nangyari samin kaya nagkatingin tuloy kaming lima sa kanya.

"Magkakakilala kayo?"-singit na tanong ni Tita at bahagyang tumingin sa kanya yung lalaki.

"Hindi po.Siya yung nakita namin sa Cr dati ng SJA nung time ng pageant habang sumisipol at papasok ng girls room.Dahil po dun nung nakita namin ang berdeng mata niya ay tumakbo po kami.Akala namin Dark Enchanter."-paliwanag ko kay Tita.

"Dahil ba sa kulay berde at may violet na mata ay na conclude niyo na isa siyang Dark Enchanter?"-tanong ni Tita kaya nagkatinginan kami ni Windy.

The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon