25.Konektado

288 7 0
                                    

Heat POV:

"Heat! Heat! Wake up! Wake up! "

Isang maingay na boses ang gumugulo sa tenga ko ngayon. Ano bang problema ng mga taong 'to eh kaaga-aga pa ay nanggigising na?! Sumakit tuloy bigla ang ulo ko.

Pinilit kong imulat ang mga mata ko kahit sobrang pagod pa ang katawan ko dahil sa mga pinaggagawa namin kahapon. Napatayo nalang ako bigla nang mapansing limang tao ang nakatitig sakin ngayon at bihis na bihis na sila.

"Anong ginagawa niyo dito? Bakit nakabihis kayo?"-tanong ko sa kanila at pansin ko rin na ready na ang mga maleta nila at maleta ko?! Anong nangyayari?

"Heat, maligo ka na at babalik na tayo sa mansyon."-utos sakin ni Ate Windy na panay ayos ng mga gamit.

Sa pagkakaalam ko ay may 2 days pa kami. Bakit uuwi na kami agad at sa ganitong oras pa?

"Ha? Bakit tayo uuwi? Diba may 2 days pa tayo? "-confused kong tanong sa kanila pero tanging tinginan lang nila ang nakikita ko.

"Dun na namin ipapaliwanag sa mansyon ang lahat, bilisan mo na diyan."-madiing sambit ni Ate Windy kaya dali dali rin akong naligo at nag-ayos.

Fast Forward>>>

Naglalakad kami ngayon patungo sa sasakyan kahit na sobrang dilim pa. Imagine? 2:30 am! Ginising ako! Sobrang mahangin pa dito sa labas.

"Hurry up! Bilisan na natin!"-atat na atat na sambit ni Ate Windy kaya mas binilisan namin ang pagkilos. Mukhang may kakaibang nangyayari ha?

Sumakay na kami sa sasakyan at si Vincent ulit ang nag drive.Pansin ko ang pagkatahimik nila na para bang may mangyayaring masama. Naka seatbelt kaming lahat kasi sobrang bilis magpaandar ni Vincent.

Tahimik kami sa byahe kaya inantok ako uli pero mas nakaka-curious ang asta ng mga kasama ko na para bang naligo sa kape dahil mulat na mulat ang mga mata.

Nang masilayan ko na ang mansyon ay nakahinga na ako ng malalim dahil makakabalik na ako sa mahimbing kong pagkatulog.

"Heat! Lumabas ka na nga dyan! "-tawag sakin ni Ate Windy kaya lumabas na ako ng sasakyan bitbit ang maleta ko.

(Vincent Bedroom)

Nakakalito na ang mga kilos nila kasi kapag humiwalay ako ay panay tawag sila sakin.Ano bang problema nila sakin? Sakto rin ang pagdating namin sa bahay dahil na timing ito sa pagbubukang-liwayway.

"Bakit ba kailangan nating mag-usap rito sa kwarto ni Kuya Vincent?Pwede naman sa sala o sa kitchen, diba? "-tanong ko sa kanila pero pawang pagyuko lang ang sagot nila.

"Heat!"-asik sakin ni Ate Windy kaya tumahimik nalang ako.

"May sasabihin kami sa inyo pero mahigpit itong pinagbabawal na kumalat sa iba. Maliwanag ba?"-seryosong tanong ni Ate Dragona kaya napatango nalang kami.

"Vincent.... May sasabihin kami sayo."-sambit ni Ate Windy.

Mas lalo tuloy gumulo ang isip ko. Ano ba kasi ang sasabihin nila? Para tuloy akong kinabahan sa kung ano mang malalaman ko  sa araw na 'to.

"Vincent, alam mo bang... "-nauutal pa na sambit ni Ate Windy pero napansin ko ang pag ngiti ni Vincent. Ano ba talaga ang nangyayari?

"....Na may kakambal ako? Kakambal kong isang demonyo? "-pagtatapos ni Vincent.

Anong kakambal? Sino? Demonyo?  Parang sasabog na 'tong puso ko sa pag-aalala dahil sa mga nakikita at naririnig ko sa kanila.Ang hirap i-sink in sa utak.

The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon