Dragona's POV:
"Dragona, sundan mo muna sila si Cool."-utos sakin ni Mama.
"Sige po!"-agad kong sagot at tinulungan ako ni Tita Hanrien na mabilis na makapagteleport.
Naiwan sila sa labanan sa pagitan ng panig namin laban sa panig ni Vlademus.Ako naman ay patuloy parin sa paghahanap kina Heat at Cool pero di ko alam kung saan sila nagpunta.
Paikot-ikot lang ako sa burol.Hanap parin ako ng hanap nang may nakita akong kakaibang bahay o mansyon na nakatago sa isang masukal na gubat.Parang nag-iiba rin ang kulay ng paligid dahil parang dumidilim.
"COOL! HEAT!"-tawag ko sa kanila pero walang sumagot.
Di ko alam ang pakiramdam ko ngayon dahil parang hinihila ang paa ko patungo sa bahay.Hinayaan ko nalang ang katawan kong pumasok sa lugar na mukhang may maitim na aura.Nakapasok na ako sa gate at di ko mawari na parang pinipilit mismo ng kamay kong buksan ang pinto at wala na nga akong nagawa kundi ang pumasok.
"Anak ko, ikaw na ba yan?"-rinig kong sambit ng babae na nasa likuran ko ngayon.Bakit ba kasi ako pumasok?!Kainis!
"Ahmm...pasensya na po.A-alis na po ako."-nanginginig ko pang sambit at tumalikod palabas ng pinto habang di siya tinignan.
"Talia, bakit ka aalis? Dito ka nakatira."-nagtatakang tanong niya pero mas lalo rin akong nagtaka.Sinong Talia? Ako? DRAGONA naman ang pangalan ko.
"Pasensya na po pero Dragona po ang pangalan ko.D-R-A-G-O-N-A De Fuego."-diinan ko talaga ang pagkakasabi ng 'dragona'
"HINDI!"-napapikit ako sa lakas ng boses ng lalaki na nasa gilid ng babae ngayon.Napangiwi nalang ako kasi di ko alam kung paano ako lalabas.
"Pasensya na po...Kailangan ko na pong umuwi.Patawad po sa pagpasok ko sa mansyon niyo ng wala man lang pahintulot."-todo yuko naman ako habang sinasabi yun.
"Alam mo...Hindi totoong ikaw si Dragona.Ikaw si Talia na anak ng Reyna ng mga Dragon na si Joana at ng Hari ng Lobo na si Thaimus."-sambit ng lalaki na ikinagulo ng utak ko. Ano na naman bang kalokohang pinagsasabi ng lalaking 'to?!
"Pasensya na po pero aalis na ako."-pagpapaalam ko ulit sa kanila at agad na nagpunta sa pinto pero agad akong natigilan nang may humarang sa harap ko.
Isang Lobo at Dragon."Talia! Susuway ka na naman ba sa utos ko!"-galit na sumbat ng lalaki sakin at nakahawak pa siyang ng mahigpit sa braso ko. Feeling close ni bes!
"Ano ba?! Hindi nga ako si Talia! Ako si Dragona De Fuego at hinahanap ko si Cool Windchester, may alam po kayo?"-iritado kong tanong w/ matching pilosopong tono.
"Cool? Cool Windchester? Hindi! Siya si Logan na anak ng kaaway natin."-sambit ng babae sa lalaki at mas naging beast mode yung lalaki habang nakatingin sakin.
"Talia! Alam mo bang yang Cool na yan ang Logan na anak ng kaaway nayin?"-asik ulit ng lalaki sakin.
"Teka nga lang, sino ka ba para tanungin ako?"-naiinip kong tanong sa kanya.
"Ako si Thaimus, ang iyong ama.Ito naman si Joana, ang iyong ina.Kami ang tunay mong mga magulang."-paliwanag niya at parang nangangatog yung buong katawan ko sa sinabi niya. Paano kung totoo?
"Gusto mo anak, ipaalala ko sayo ang lahat?"-alok ng babae na Joana daw.
"Sige..."-tanging nasagot ko at bahagyang lumapit ang babae sakin.
Nang makalapit na siya ay bahagya niyang hinimas ang pisngi ko gamit ang napaka-smooth niyang mga daliri. Kainggit ka ha.Nakatayo lang ako habang siya naman ay nakatitig sa mata ko at di ko maipaliwanag ang nararamdaman kong kakaiba.Parang inantok ako bigla at habang tumatagal ay bumibigat ang talukap ng aking mga mata.
***
Third Person's POV:Ang babaeng nagngangalang Talia ay panay habol sa lalaking si Logan kahit na nagpunta ito sa matarik na bundok at nahihirapan sa suot niya ay todo habol parin siya sa lalaki.
"Logan,hintayin mo naman ako!"-sigaw ni Talia habang hingal na hingal.
"Ano ba Talia?! Huwag mo na nga akong sundan,huwag mo na akong kausapin,huwag mo na akong hanapin, at kahit kelan man ay ayoko ng makita ang mukha mo!"-agad na sumbat ni Logan kay Talia na ikinunot ng kanyang noo at nagsimula ng maluha.
"Logan! Di kita naiintindihan, ba't mo na 'to ginagawa sakin? May mali ba akong nagawa sayo?"-sunod sunod na tanong ni Talia at di na napigilang maiyak.
"Talia! Bumalik ka na sa magulang mo! Di na kita kailangan pa sa buhay ko. Umalis ka na!"-pagtutulak ni Logan kay Talia paalis.
"Logan naman! Diba mahal mo ko? Bakit mo 'to ginagawa sakin? Sinaktan ka ba ng magulang ko o binigyan ka nila ng ginto?! Logan, mahal na mahal kita at ayokong mawala ka sa buhay ko!"-hagulhol ni Talia at agad na sinunggaban ng yakap sa Logan sa likuran nito upang pigilang umalis.
"Pasensya na Talia, pero di na kita mahal.Ginamit lang kita upang makuha ko ang gusto ko.Sa tingin mo,papatol ako sayo?Pwes,Hindi! Umalis ka na bago pa kita masaktan.Alis!"-pagtataboy ni Logan kay Talia kaya napabitaw nalang ito ng yakap.
Sobrang nasaktan ang damdamin ni Talia dahil sa mga masasakit na salitang binitawan ni Logan.Akala niya ay tunay itong nagmamahal sa kanya pero lahat pala'y pawang kasinungalingan lamang.Hindi niya maipaliwanag ang naghahalong sakit at galit kaya may nasabi siyang katagang di niya alam ay masasaktan rin si Logan.
"Tandaan mo Logan! Sa susunod na magkaharap tayo ay ipapatikim ko sayo ang galit at sakit na naranasan ko hindi lang sayo kundi sa lahat ng nagmamahal sayo.Mawawala ang lahat ng sayo.Itataga ko yan! Magdusa ka rin sana! "-sigaw niya kay Logan ngunit nagpatuloy lang sa paglalakad si Logan.
Lumipas ang maraming panahon at naging mas palaban, matapang, at mabagsik si Talia.Wala siyang sinasanto kahit inosente pa dahil nakatatak na sa puso niya ang ginawa ni Logan na kahit kelan man ay di niya malilimutan.
BINABASA MO ANG
The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016
Fantasy(Book 2 of The Pearl Powerful Princess) Ano kayang kalalabasan kapag pinadala ang mga susunod na henerasyon nina Hance,Hanrien,Fire,Flame,Ice,Jaynan,Lavalee,Jurishia,Ryl, at Vince sa Mortal World para pagkasunduin at matuto ng leksyon tungkol sa tot...