Dragona's POV:
I'm back! Kumusta sa inyo?
Ako,okay lang naman.Sobrang saya ko kasi nagkasundo na kami ni Cool.Sobrang tagal na naming magkaaway pero sa huli ay nagkaayos rin kami.
Di naman pala masama 'tong si Cool,ma pride lang.Nagmamature narin ang utak namin kaya siguro wala ng awayan.May problema lang ako,itong si Vincent.I admit na crush ko siya pero na turn-off ako kasi parang plastic yung ugali niya at mas mahangin pa kay Cool.May mga sweet moments rin kami pero naiba yung trato ko dahil nga sa ugali niya.
Nagtapat narin siya sakin na 'Love at fist sight' daw siya pero ang hirap paniwalaan yun lalo pa't ang bata pa niya at nakasanayan niya ang Mortal World.Yun yung bad news pero good news naman at nagkaayos na kami ni Cool.
"8pm pa,mag spin the bottle muna tayo."-suggest ni Vincent at napayuko nalang ako kasi diyan ako nanghihina...sa truth or dare.
"Okay,ikaw na ang umikot Windy!"-excited na sambit ni Hot.
Infairness kanina sa sharing si Kuya Hot.May pa double color pa kay Windy.Mukha atang may tinatagong sikreto 'tong si Kuya Hot.Hmmm,aalamin ko nalang mamaya!
Inikot na ni Windy ang bote ng beer na dala ni Kuya Hot at sobrang bilis ng tibok ng puso ko kasi bandang sakin humina ang ikot kaya napapikit nalang ako at naghihintay na hindi nga ako ang matapatan.
"Si Cool!"-sigaw ni Windy kaya laking tuwa ang namayani sa puso ko.
"Ang magtatanong ay si Hot."-sambit ni Windy.
"Ano pre? Truth or Dare?"-tanong ni Kuya Hot kay Cool at nahahalata ko ang pagiging kabado nito,namumutla kasi.
"Truth nalang,bro."-pagkakamot pa ng batok ni Cool.Pansin ko rin ang pag ngisi ni Kuya Hot.
"Sa lahat ng tanong na gusto mong masagot ni Dragona,ano ang tanong na ito at bakit?"-tanong ni Kuya Hot na ikinabigla ko.Me? Ako talaga ang topic? SHEYYYTS!
Parang ako yung natatae dito sa kinauupuan ko kasi di ko alam kung anong tanong ang nais masagot ni Cool.Mas kumabog pa ang puso ko nang lumingon si Cool sakin at dahandahang inangat ang mga palad ko gamit ang kamay niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Mukhang nag-iba ang klima sa paligid kasi naghahalo ang lamig at init sa pagitan naming dalawa.Wala akong ibang maramdaman kundi ang salitang 'ligtas ako kapag kasama niya' parang ganun.
Di ko pa maintindihan ang sarili ko kasi alam kong mahuhulog at mahuhulog rin ang puso kay Cool.Sabi nga nila diba Opposite Attracts kaya natatakot ako.
"Dragona...."-parang namaos siya.
"Cool..."-sambit ko.
"Gusto kong itanong sayo kung pwede ba kitang ligawan?"-halos pati kulangot ko nalaglag sa sinabi niya.Ha? Bakit naman?
"Cool,hindi nakakatawa yang sinasabi mo.Kung gusto mo ng joke sana yung havey naman."-natatawa kong sambit sa kanya at dun ko na realize na ako lang ang tumatawa habang sila ay nakatingin lang sakin.awkward.
"Dragona,gusto kitang ligawan kasi mahal kita.I admit na inaaway kita at iniinis pero simula nung na trap tayo sa abandoned room na yun dati,dun ako nagsimulang magkagusto sayo."-paliwanag niya pero sadyang di talaga ako makapaniwala.Isang Cool,mamahalin ang kaaway niya dati? WTFudge!
"Cool,tatawa na ba ko? Ang waley na jokes mo..."-sambit ko sa kanya pero nagmukhang baliw ako.Sobrang seryoso ng mukha niya at kitang-kita ang sinceredad sa mata niya kaya nakakalito.
BINABASA MO ANG
The Cool Casanova VS. Hot Amazona #Wattys2016
Fantasy(Book 2 of The Pearl Powerful Princess) Ano kayang kalalabasan kapag pinadala ang mga susunod na henerasyon nina Hance,Hanrien,Fire,Flame,Ice,Jaynan,Lavalee,Jurishia,Ryl, at Vince sa Mortal World para pagkasunduin at matuto ng leksyon tungkol sa tot...