Chapter 2

117K 2.5K 265
                                    

Feel


"I'm so tired.." mahina kong bulong.


Pawisan kong tinungo ang waiting area ng field. Agad akong na-out, as usual. Sigurado akong si Alice na niyan ang susunod sa akin. Kanina pa kami nag lalaro at kanina pa kami nangunguna ni Alice sa unang na a-out.

Kinalkal ko ang bag ko habang nag pupunas ng pawis at kinuha ang cellphone ko. May dalawang unread messages doon. Isa kay Ivan at isa kay Simon.

I clicked the important one.

From: Simon Chase

Are you enjoying?

Kumunot ang noo ko sa tanong niya at mabilis na nag tipa ng sagot.

To: Simon Chase

I'm out already. Ikaw, kumusta ka diyan? Don't anger dad. Tiis ka na muna.

Ni-lock ko muna ang cellphone ko at tinuon ang mata sa field.

"Rian!" Sigaw ni Agatha.

Pinanuod ko si Rian habang sinusubukan niyang i-out si Alice. Damn Agatha, sa sobrang pagpipigil niya kay Adrianna ay hindi niya ito tinawag na ate.

Napangiwi ako ng barilin niya 'to at gumulong si Alice.

Sabi ko na nga ba..

"Ayoko na!" Daing niya.

"Al, lumabas ka muna. You'll get hurt there." Sigaw ni Clyde.

Mabilis na tumayo si Alice at lumapit sa akin. Kumuha siya ng towel at nagpunas na din. Umupo siya sa tabi ko at pinanuod namin si Agatha na habulin ang mga pinsan naming lalaki.

Damn! She's fast!

"Pumayag si Simon na sumama kay Tito?" Tanong ni Alice.

"Kung alam mo lang kung paano niya sundan sundan si dad kanina para lang pakiusapan." Sabi ko habang nanatili ang mata sa field.

"I feel bad for him." Ani Alice.

Tumango nalang ako.

I feel bad for him too. Natigilan ako nang mag vibrate ang cellphone ko at nakitang nag reply na si Simon.

From: Simon Chase

It sucks in here but I can manage. You're out already? Dapat pala ay nandyan ako para hindi ka agad na out. I'll protect you.

Gusto kong matawa sa reply niya. Ang bait ata ng kapatid ko ngayon? Kuyang kuya siya.

To: Simon Chase

Aww.. you're so kind, kuya.

"Your smell.."

Napalingon ako kay Alice habang nilalapit ang mukha sa buhok ko. Kusa naman akong napa atras dahil sa ginagawa niya.

"I smell bad! Stop smelling!" Depensa ko at pilit linalayo ang buhok ko mula sakanya.

"Kaamoy mo si Simon!" Aniya na para bang inaakusahan niya ako ng masamang gawain.

Nagtaas ako ng kamay at tumawa. I'm guilty! Ginamit ko naman talaga ang shampoo ni Simon. Pinanliitan ako ng mata ni Alice pero sa huli ay tumawa rin siya.

"Sabi ko na nga ba.. kaamoy mo si Simon ngayon. Ninakaw mo siguro ang shampoo niya. Pahingi nga! Ang bango ng shampoo ng mokong!" Natatawa niyang wika.

Ngumiwi ako at umiling iling nalang. Ang tapang kaya ng shampoo niya.

"Gath!" Sigaw ni Rian.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon