Chapter 11

78.2K 1.9K 200
                                    

Sanity

"You're such a dickhead, Uno." Galit na wika ni Simon.

Dama ko ang galit sa boses niya kaya kahit gusto kong magsalita ay pinigilan ko.

Sinubukan ko na tanggalin ang mahigpit na hawak ni Uno sa akin pero sadyang mahigpit talaga siyang humawak at mas malakas siya kay'sa sa akin.

A basketball player's hand? A MVP? It's harder than you thought.

"Answer my question, Simon. Anong kaya mong gawin? I'm really curious." Cockiness was spitting all over him.

Mariin akong pumikit dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko.

"Whoa.. whoa. Kung takot kayo na mag isa sa loob ng maze. Sabihin niyo lang, hindi 'yung nag aagawan kayo para kay Tulip." Natatawang wika ni Agatha.

Nagmulat ako ng mata at tinignan siya. Nauna ng maghanap ang iba, Agatha and Gelo were left behind. Matamang nanunuod si Gelo sa gilid ni Agatha.

I can't read him right now.

Ang alam ko lang sa ngayon, mabilis ang pintig ng puso ko at nangangatog ang binti ko dahil sa panghihina. Hindi ko din alam kung para saan ang kabang nararamdaman ko ngayon pero sobra-sobra ito.

"Let's go, Gelo. Wala tayong mapapala sa dalawang lalaking 'to." Inis na wika ni Agatha nang wala man lang reaksyon ang dalawang lalaki.

Tumingin siya sa akin at kita ko ang pag-aalala doon. Tinanguan nalang niya ako at mabilis na hinila si Gelo para mag hanap sa kapatid nila. Lumipat ang tingin ko sa dalawang lalaki. Pabalik-balik ang tingin ko sakanilang dalawa at hindi ko alam kung kanino mananatili ang tingin ko.

Kung umasta sila ay parang wala ako sa harap nila. Mataman silang nakatingin sa isa't isa. Tila nagsusukatan ang mga matalim nilang tingin.

"What Simon? Where are you coming from? Is this because you're being an overly protective brother? Is that it?"

Wala ng bakas ng kayabangan sa boses ni Uno pero rinig ko ang frustration sa boses niya. I don't why he's frustrated though. Kung tutuusin ay siya ang dahilan ng pagka-frustrate ko. I should be the one who's frustrated instead of him.

"Wala kang pakielam." Matigas na wika ni Simon.

Rinig ko ang malalim niyang paghinga sa tabi ko. I felt bad suddenly. We're family, hindi ko man alam kung bakit sila nagkaka ganito, dapat ay gumawa pa rin ako ng paraan para matigil ang away na meron sila.

Something whispered inside of me, telling me the reason about why are they behaving like this but I didn't accept it. I shook it before I even let it enter my being.

I shook it because it's absurd.

"Ano, Sy? Walang pakielam-"

"Stop this will you!" Inis kong pagpuputol sa sasabihin dapat ni Uno.

Malalim ang ginawa kong paghinga. I was contemplating on what should I do next. Anong pwede kong gawin para makinig sila sa akin? Anong kaya ng isang Tulip laban sa dalawang matigas ang ulo?

I don't have any power over them. They won't listen to me.

Natahimik silang dalawa dahil doon. Hindi ko pinigilan ang sarili kong lingunin si Simon. He was now, looking at me directly. Kung nakakatunaw lang ang tingin ay malamang tunaw na ako.

Malayong malayo ang malambot niyang tingin sa akin, sa matalim niyang tingin kay Uno. Naramdaman kong nag-init ang mga mata ko at hindi ko alam kung para saan 'yon. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko habang nakatingin sa mga mata ni Simon.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon