Chapter 18

79K 1.7K 144
                                    

Stick

Malalim ang aking ginawang paghinga. Mabigat ito at ang hirap gawin. I never imagined that breathing can be this hard.

We were just looking at each other. Nakatayo siya sa hindi kalayuan habang ako ay lumuluha sa harap niya. I saw that he was about to talk kaya ako na ang gumawa ng paraan para matapos na ang pag hihirap sa aking puso.

I did what I had to.

"Please Simon, stop this." Puno ng pagmamakaawa kong wika.

"Tul-"

Bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay pinatay ko na ang tawag at mabilis na tumalikod. Nag madali akong maglakad para masiguradong hindi siya makakahabol. Para akong hinahabol sa ginawa kong paglakad.

Kaliwa't kanan ang ginawa kong pag punas sa aking mga luha.

While making my way outside, pilit na pumapasok sa utak ko ang ekspresyon niya bago ako tumalikod. It breaks my heart into small little pieces.

Pain was so evident in his eyes.

"Hey.. what happened?"

Hindi ko pinansin si Kuya Carl at dere-deretsong pumasok nalang sa kotse niya. Umupo ako sa dulo, malapit sa bintana para makakuha ng sapat na hangin.

Siguradong sasakay na rin si Simon in no time and I don't know how to act okay when I am not actually okay. Pakiramdam ko ay nasasakal ang puso ko at unti-unti itong nawawalan ng dugo. It's like I'm draining from within.

Everything makes sense now..

Juliet, Uno's words, Simon's words and actions, I understand everything now. I can't transform everything into words but within me, I know what it is. Pero yun ba talaga ang problema?

Hindi lang 'yon.. it's just a part of it.

The problem is, I feel the same.

The illicit feeling I have for him will make it worst.

"Nag away nanaman ba kayo?" Rinig kong usapan sa labas.

"No." Malamig na tugon ni Simon.

Naiyukom ko ang mga palad ko nang maramdaman ko ang taong pumasok sa kotse at walang pag aalinlangang umupo sa tabi ko. I don't need to confirm who's beside me, amoy palang niya alam ko na.

Reaksyon palang ng puso ko, alam ko na.

"Tul, please talk to me." Puno ng pagsusumamo niyang wika.

Nanatili akong nakatingin sa labas. Nagwawala na naman ang kalooban ko, I can feel his hot stare beside me. Matutunaw ako sa ginagawa niya.

"Tulip.."

Rinig ko ang paghinga niya ng malalim. Alam ko naman na nahihirapan siya pero hindi ko talaga siya kayang harapin. Lalo na sa mga narinig ko kanina.

Ano namang sasabihin ko?

Great! I feel the same. Let's live happily ever after.

What the heck? Nasisira ang pagtingin ko sa mga fairytales dahil dito. Things like this are not butterflies, unicorns, rainbow and flying hearts.

It's pain, thorns, dark and storm..

"Oo, nasa bahay daw sila dad. Pero ayaw nilang magpa-istorbo lalo na at nasa study daw sila. He told me not to worry because food is ready." Rinig kong wika ni Clyde pagkapasok niya ng kotse.

Kuya Carl followed and he's the one sitting on the driver's seat.

"Okay, good." Ani Kuya.

Namayani ang katahimikan pagkatapos non. Nakatingin lamang ako sa labas habang hinahayaang hipan ng hangin ang aking buhok. Unti-unti ay kumalma na ang aking puso kaya sumandal na ako sa upuan.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon