Chapter 49

66.1K 1.7K 117
                                    

Kill

"Tulip?"

Tunog ng mga natatapakang damo ang namayani sa buong paligid. Lumapit sa akin si sister at kita ang pagkagulat sakanyang mukha nang makita akong nasa labas ng orphanage.

"Sister.."

Ang simpleng pagtawag ko sakanya ay nagpabalik ng kung anong sakit sa puso ko.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na at delikado pa sa daan. Pumasok ka, baka lamukin ka diyan." Nag-aalalang wika niya.

Binuksan niya ang pintuan ng orphanage at tinulungan akong ipasok ang gamit ko. Bukas lahat ng ilaw sa loob kahit gabi na at mukhang wala ng nakalabas na mga bata.

Hindi ko maiwasan na ma-guilty dahil nakaka-abala pa ata ako. Pero sadyang, wala talaga akong mapuntahan. Dito nalang ang naiisip ko at dito nalang ako makakapante. Isa pa, marami akong gustong malaman.

"Sister, pwede po ba akong makituloy ngayong gabi? Babayaran ko po ang pananatili ko dito, pangako. Kailangan ko lang po talaga ng lugar na matutuluyan ngayong gabi."

Nahihiya man ay wala na akong magagawa.

"Oo naman! Kahit hanggang kailan pa at hindi mo na kailangan mag bayad. Itong batang 'to..  pero ija, bakit ka ba nandito? Ayokong makielam pero nag-away ba kayo ng pamilya mo? Dahil ba sa pagpunta mo kanina dito? Naglayas ka ba?"

Bakas ang pag-aalala sakanya. Mabagal ang kanyang paglakad at sumusunod lamang ako.

Malungkot akong ngumiti at hinigpitan ang hawak ko sa aking body bag. Nanlalamig na ako pero mas lamang ang pagod na nararamdaman ko. Itong araw na 'to ay isa sa mga pinaka mahabang araw na dumating sa buhay ko.

"Naguguluhan lang po ako, hindi naman ako magtatagal. Kailangan ko lang ng konting panahon. Marami din akong gustong malaman at alam ko na dito ko lang makikita ang sagot. Sana po matulungan niyo ako.."

Tipid ang naging sagot ko dahil hindi ko pa kayang buksan ang usapan ngayon. Patutuyuin ko muna kahit saglit lang ang malaking sugat na natamo ko kanina. Sugat na matagal ng nasa akin pero ngayon lang nakita.. ngayon lang naramdaman.

Tumigil kami sa isang kwarto. Kinuha niya ang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang pintuan. Ipinasok niya ang maleta ko doon at bahagya kong sinilip ang kalooban ng kwarto bago siya hinarap. Nakaramdam ako ng bahagyang pagpanatag ng puso nang makita ang mga mata niyang malambot ang tingin sa akin.

"Anak, kung ano man ang 'yong kinababahala.. ipagpabukas mo na. Magpahinga ka na muna. Hindi ko man alam ang nangyayari sa'yo ay ramdam ko na pagod ka. Masaya akong nagkita tayo ulit pero malungkot dahil sa ganitong sitwasyon kita nakikita."

Pinisil ang aking puso sa kanyang sinabi. Inabot niya ang aking kamay at marahang hinawakan 'yon. Nanubig ang aking mga mata habang nakatingin sakanya, ang kanyang mga mata ay nakatingin din sa akin na para bang sinasabi nito na naiintindihan niya ako.

Lahat ng mga bagay na gusto kong sabihin ay ipinarating ko gamit ang aking mga mata.

Sabi nila, may mga taong makakaintindi sa'yo kahit na wala kang sabihin..

"Mahal ka ng pamilya mo. Mahal ka namin. Mahal ka ng Diyos. 'Yan lang ang tatandaan mo." Aniya.

Sandali akong mariing napapikit at hinayaang magsitakasan muli ang ilang luha sa akin. Tumango ako at hinigit ang aking hininga para makakuha ng lakas.

"Thank you po, meron lang po sana akong pakiusap. Kung hahanapin po nila ako dito, pwedeng sabihin niyo na wala po ako? Paki-usap."

Alam kong hindi nila ako hahanapin dito pero gusto ko makasigurado. Right now, this is the place that hurts me the most so they won't think that I'm here but of course, this is also the place that could relieve the suffering I'm feeling right now.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon