Chapter 47

61.5K 1.5K 187
                                    

Litrato

"Kuya, saan ka pupunta?"

Natigilan siya sa paghakbang nang marinig ang boses ko. Tuluyan kong sinara ang pintuan ng aking kotse atsaka lumapit sakanya.

Kararating ko lang mula sa bahay nila Agatha. She helped me yesterday that's why I told her that I'll help her too. Alam kong kaya niyang mag isa pero nag insist ako, I want to get back on track and be out again. I also want to see her before she goes to Argao.

Tinulungan ko siyang magpaalam sa pamilya niya at hindi na siya nagsayang ng oras at umalis na papunta ng Argao.

"Sa hospital." Sagot ni Kuya Carl.

"Anong gagawin mo doon?"

Nanliit ang aking mga mata.

"I'll talk to Tita Jackie. May paguusapan kaming importante." Aniya.

"Really?"

I doubt it.

If I know, ang pinupunta niya doon ay si Evangeline Yu. Noong isang gabi, inutusan niya ako pumunta sa hospital para ihatid ang isang bag na may lamang pera. Nagulat ako nang makita ko muli ang babaeng nakita ko sa library five years ago.

I should have forgotten her already but Uno never did so he kept on asking me what was her name for the whole five years that passed.

"Really." Paninigurado niya.

"Okay.." hindi ko pa rin mapigilan na hindi maniwala.

Tumikhim siya at ngumiti.

"Kailangan ko ng umalis. See you later." Aniya at akmang aalis na nang hawakan niya muli ang aking kamay.

"By the way, paki-bigay 'to kay daddy mamaya pag dumating sila. Baka kasi hindi ko sila maabutan." Aniya sabay abot sa akin ng isang invitation.

"Ano 'to?"

Tinignan ko ang invitation pero hindi niya ako sinagot. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng mababaw na halik sa noo.

Dumiretso siya sa kanyang kotse at tuluyan akong iniwan doon. Nanatili lamang ang tingin ko sa invitation.

I know this invitation, I saw this before.

Dahan-dahan kong binaliktad ang invitation at parang may nabuhay sa loob ko nang makita ang nakasulat doon.

I almost forgot, it's the same invitation I saw from dad's office five years ago and every year after that.. lagi kong nakikita na may imbitasyon sila pero kahit kailan ay hindi ko narinig na pumunta sila.

"Reaching Hands Orphanage." I silently breathed.

Mabilis ko iyon tinago at nag madaling pumasok sa loob. Dumiretso na ako sa aking kwarto at hindi na pinansin kung may tao man sa baba o wala.

"Saan ka galing? You're so tagal!"

Napapitlag ako sa narinig kong boses. Napalingon ako sa aking kama at nakitang prenteng nakahiga sa headboard si Alice habang nakahalukipkip.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nasaan si Agatha?" Balik niyang tanong sa akin.

"Umalis na siya." Deretso kong sagot.

Mabilis siyang napaayos ng upo dahil sa narinig mula sa akin.

"What?! Saan siya nag punta? Damn this! I pleaded my manager to cancel all my shoots till tomorrow to spend the day with the two of you tapos aalis siya ng hindi nag papaalam?!" Inis na inis niyang wika.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon