Chapter 27

67.3K 1.6K 187
                                    

Kill

"Bitawan mo ako." Giit ko.

Mariin akong napapikit at nagpigil ng hininga habang hinihintay siyang bitawan ako. I took a deep breath while he held me so close to him.

My heart is pounding like crazy. Pakiramdam ko, lalabas na ito sa sobra sobrang emosyon. He's like a gem, a very precious one and I know I can't have it. Kahit anong gawin ko, hindi pwede. Everything will be at risk and I can't risk everything.

"I don't want to.. but.."

He sighed.

Naramdaman ko ang unti-unting paghina ng pagdaloy ng dugo ko habang nawawala rin ang pagkadikit ng kanyang balat sa akin. Binitawan niya ako gaya ng gusto ko pero parang nawalan din ako ng hininga dahil doon.

I should be happy he did.

But I didn't.

"Malakas ka sa akin. Your wish will always be my command. Kahit anong gusto mo, gagawin ko." Aniya.

"Then.. stay away." Mabilis kong balik sakanya.

Humarap ako sakanya ng mabuti at nakipag titigan sa mata. Lumalim ang aking paghinga tulad ng paglalim ng titigan namin. Unti-unti akong nawawala pero kumapit ako sa napakanipis na tali para hindi tuluyang mawala sa mga mata niya.

It's too hard but I tried..

I don't know if how long I can keep up with this but I need to try.

"Stay away?" He chuckled.

Kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang. His eyes were getting darker ever minute and every breath I make. I want to take back what I said but I need to stick with it.

Tama si Uno, ako lang ang nakakapagisip ng maayos sa amin at hindi ko alam kung hanggang saan ko pa kakayanin 'to. What I need to do is to stop this before someone get hurt.

"Everything has an exception." He breathed.

"Simon, ano ba? Can you please open your mind and try to think properly? Ikaw ang kuya! Ikaw ang nakakatanda! You should know better!" Puno ng pagpipigil kong wika.

I'm getting frustrated with this!

"Don't call me kuya." Madilim niyang wika.

"What?"

Nagbuga ako ng hangin at natigil sa pag agos ng damdamin ko. Hindi ako makapaniwala sa lumabas sa bibig niya. Ang sarap niyang sakalin dahil pakiramdam ko, wala lang sakanya 'to. Pakiramdam ko ang dali dali lang sakanya habang ako gusto ko ng mamatay tuwing maiisip ko ang pwedeng mangyari.

"'Yun lang talaga ang masasabi mo?"

"I don't want to hurt you but don't make me feel like I've been hurting you too much. Doble ang balik sa akin." Aniya gamit ang banayad niyang boses.

It's too smooth, pakiramdam ko tuloy hinahawakan ng kamay niya ang puso ko.

"Simon.."

"Hindi ba talaga tayo pwede sabay umuwi?"

Napaawang ang aking labi sakanyang tanong. My eyes were glued at his face and I can see how his expressive eyes anticipates my answer.

Sandali akong napaiwas ng tingin bago nagbalik ng tingin sakanya.

"I just want to spend more time with you. 'Yun lang naman. I'm not asking for anything.. yet. Masama ba 'yon?"

Is he trying to make me feel guilty?

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon