Chapter 44

58.3K 1.5K 138
                                    

Life

"Bakit ka nag kukulong dito?"

Napalingon ako sa nag salita. Napangiti lang ako ng bahagya bago binalik ang tingin ko sa langit. Narinig ko ang papalapit na yapak ni Clyde at naramdaman ko ang ginawa niyang pag-upo sa tabi ko.

Bahagyang gumalaw ang duyan at hinayaan ko nalamang ito. Nasa balkonahe kami ng aking kwarto.

"Saan ba ako pwede pumunta?" Malamig kong saad.

"I heard, dad allowed you to go out?" Alanganin niyang tanong.

"Yeah, pero ayokong lumabas habang alam kong iniisip nila na malaki ang tyansang makipagkita ako kay... alam ko na kahit malayo siya, yun pa rin ang iniisip nila." Sagot ko.

"Really? That's absurd. Nasa Visayas siya, ano pa ba ang gusto nila? I'm getting mad everyday, lalo na tuwing nakikita ko si Dos. I can't forgive him." Puno pa rin ng inis niyang wika.

"Stop it with Dos. He already said sorry. We forgave him. Kung iisipin natin na kasalanan niya lahat ng 'to, it will only make us look immature." Saad ko.

Bumalik si Dos sa New York pagkatapos ng nangyari pero sandali lang 'yon. Bumalik siya ulit pagkatapos ng kalahating taon at dumiretso siya sa bahay namin. Nagulat nalang ako na umiiyak siya sa harap ng gate namin habang umuulan.

"Dos! Anong ginagawa mo diyan?" Gulat kong tanong.

"I'm so sorry, Tulip.. I'm really really sorry. Your tears kept on hunting me, I was too impulsive. Damn. Gusto kong patayin ang sarili ko." Aniya habang pinipigilan ang pag-iyak.

"Gago ka pala! Ngayon mo pa naisip 'yan!" Kuya Carl roared and gave him a strong punch.

Bumagsak sa semento si Dos at hindi man lang naglaban. Kahit na hirap ay tinukod niya ang braso niya sa semento at hinarap kami muli.

"Tarantado ka. Ang tagal kong gustong suntukin ka. Ang tagal kong ginusto na iganti ang kapatid ko sa'yo. Hindi sila ang sumira ng pamilya. You're the one who destroyed everything! Alam mo ang sitwasyon, alam mo na hindi solusyon ang sabihin kina mama ang totoo pero ginawa mo sa hindi ko alam na dahilan. Tapos ngayon sorry? Mag so-sorry ka na para bang kayang ibalik ng sorry mo ang kapatid ko dito! Fuck you! Fuck your sorry! Hindi kita matatanggap!" Galit na galit na saad ni Kuya tsaka ako binitawan.

Hinawakan niya ako sa likod at sinubukan na hilahin papasok pero hindi ako sumunod. Instead, I walked towards Dos and kneeled in front of him.

"I'm so sorry." He breathed.

"I understand.. kuya."

I smiled and held his hand.

"Today is the day, I gave up on him.." I whispered.

Sad third year anniversary to me and to the day we're allowed to get close to each other.

Sa nga nagdaang taon, para akong preso na nagbibilang ng araw na lumilipas. Dati, ninamnam ko ang mga araw dahil pakiramdam ko napaka bilis nito maubos tuwing kasama ko si Simon pero ngayon, kulang nalang ay gusto ko nalang matulog ng matulog.

Nagdadasal na sana, dumating ang araw na matapos lahat ng sakit.

Na sana.. lahat ng pighati at sugat sa puso ay maghilom.

"I'm so sorry, Tul." Aniya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Sa mga lumipas na araw, wala silang sinabi sa akin kung hindi ang mga katagang 'yan.

Naninikip ang dibdib ko pero hindi na ako naiiyak tulad ng dati. Napagod na rin ako. Kahit anong iyak ko, kahit anong sakit ng puso ko, wala akong magagawa. Hihinga nalang ako ng malalim at susubukan tapusin ang araw na ibinigay ng Diyos. Nagpapasalamat pa din dahil masaya at tahimik ang buong pamilya.

MONTGOMERY 3 : If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon